Chapter 20

226 76 14
                                    

[20]

Amber

"Darling, tawagin mo na si Devon at kakain na tayo." tawag ni mommy.

Binalik ko na sa maleta ang photo album nila habang naglalaro sa snow. Tatayo na sana ako nang marinig ko ang bukas ng pinto. Pumasok si Devon.

"Uh, tumawag po kasi si dad. Gusto niya akong makausap in person."

"Gano'n ba? Sige. Puntahan mo na siya. Amber, princess, hatid mo siya sa labas."

"Sige po, mom, dad, lola." pagpapaalam niya sa lahat.

"Salamat sa pagsundo mo sa amin sa airport, iho."

"Mag-iingat ka, apo."

Sinundan namin ni Cookie si Devon papalabas ng bahay. Ano kayang pag-uusapan nila ng dad niya? Business matters? O personal?

Hindi ko pa nakikita kahit isang hibla ng buhok ni Mr. Montecarlo. Ang mga photo album kasi ni Devon sa kwarto niya, siya lang talaga ang nasa pictures.

Gwapo rin kaya si Mr. Montecarlo? For sure, maraming nagkakagusto sa kanya doon sa office. Sana ine-entertain niya para magkaroon na ng stepmom itong si Devon. Tsaka sana magawa ni Mr. Montecarlo na magmahal ulit. Mahirap maging mag-isa sa buhay.

Nawala ako sa mga iniisip ko nang pisilin ni Devon ang ilong ko. "Aray naman."

"You're thinking too much again. Don't worry. You're going to see my dad. He's excited to meet you." Alam niya kung anong nasa isip ko?

"Bakit ka raw niya pinapatawag? Business-related ba?" Inayos ko ang suot niya.

"Siguro. Parang seryoso si dad sa phone. Dalian ko raw."

Ganun naman pala eh. Tinulak ko na siya papunta sa pinto ng driver seat. "Eh kung binibilisan mo na kaya?"

"Wait lang po! May nakalimutan ako."

Huh? "Ano iyon? Kukunin ko—"

Bigla siyang lumapit at hinalikan ako nang mabilis. Na-estatwa ako katulad ng statue of liberty. Tumatawa naman siyang sumakay sa kotse. "Laters, baby."

Pinigilan ko ang sarili ko na mamula sa kilig. Tinapunan ko siya nang masamang tingin at ngumuso. Sana hulihin ka ng pulis. Nagnanakaw siya ng linya ni Elliot Grey.

Magnanakaw ka rin ng halik!

Umandar na ang kotse at mabilis na nawala sa paningin ko. Tumahol sa akin si Cookie kaya bumalik na ako sa loob ng bahay.

Naabutan ko naman sina mom at dad na nakangiti sa isa't isa. Tumingin sila sa akin at inakbayan.

"Princess, botong-boto talaga ako riyan sa prince charming mo. Ano na bang estado ng relasyon niyo ngayon?"

Napatanong din ako sa sarili. Ano nga ba kami ni Devon? Mag-boyfriend? Parang hindi naman. Parang nasa ligawan stage pa lang kami. Pero parang hindi rin. Aish. Ang gulo.

"Kahit ano pa ang estado ng relasyon niyong dalawa, iisa lang din naman ang kahahantungan niyan." sabi ni mom. "Tara na nga at kumain na tayo. I'm famished."

Nauna na silang maglakad. Napatingin ako kay Cookie na ginagalaw-galaw ang buntot na parang may hinihintay.

"Uh, Mom? Dad?"

"Yes, darling?"

"Sino 'yong sinasabi niyong kamukha namin ni Devon?"

Nagkatinginan sila at natawa na naman. Seriously? Gano'n ba katawa-tawa ang pagmumukha namin? Aray ha.

Secret LoversWhere stories live. Discover now