Melody 1 : The Good Night Kiss and Tears

7.3K 232 14
                                    

• ₰• • ₰ • • ₰• •   

The Good Night Kiss and Tears

Feel na feel ko ang mga bawat linya ng kanta. Paborito kasi namin ito nina Mama at Papa. Kaya ito ang napili kong kanta.

"Dadalhin kita sa 'king palasyo. Dadalhin hanggang langit ay manibago ang lahat ng ito'y pinangako mo. Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko.."

Huminga ako ng kaunti. This is the highest part.

"Umiiyak, umiiyak ang puso ko, Alaala pa ang sinabi mo noong nadarama pa ang pag-ibig mo ang lahat ng ito'y pinangako mo."

"Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko... "

Whosh! Salamat naman at natapos na rin. Halos mabingi ako sa palakpakan ng mga audience. Pang-ilang contest na ba itong sinalihan ko? 100?

Paano ba naman kasi, nasa anim na taong gulang palang ako noon at lahat na ata ng singing contest dito sa Tagaytay ay sumasali kami nina Mama at Papa.

Dati ayaw na ayaw ko ang kumakanta. Ayaw ko ang nakakakita ng maraming tao pati na rin ang entablado. Pero wala akong magagawa. Lagi kasi akong pinipilit nina Mama. Mahilig kasi sa musika ang mga magulang ko. Kilala daw sila dati sa kanilang syudad kung saan sila nakatira noon. Hindi ko na rin kasi maalala kung ano ang lugar na sinasabi nila.

Parehas na magaling na mang-aawit ang mga magulang ko pero ni minsan hindi nila sinubukan ang sumali sa mga contest. Mas gusto daw nilang tumugtog ng instrumento.

Ang boses ni Mama naman ay sobrang ganda! Ewan ko ba kapag hindi ako nakakatulog noong bata ako ay nakakatulog ako ng mahimbing kapag kinakantahan na niya ako. Kakaiba ang boses niya. Sobrang linis ng boses ni Mama, pwede mong ihambing ay Regine Velasquez na may halong Juris ng MYMP at Kyla pero syempre mas magaling para sa akin si Mama. Kakaiba. Kaya nga idol na idol ko si Mama eh.

Ako naman, kapag kumakanta daw ako parang si Sarah Geronimo na may pagka-Celine Dion at Juris ang range ng boses.

Bata pa lang ako ang mga artists na ito na ang pinapakinggan ko. Idagdag mo pa si Aiza Seguerra, Donna Cruz at Regine Velasquez. Kaya siguro minsan nakukuha ko ang mga techniques nila. Hehe Joke lang!

Si Papa naman sobrang lamig ng boses. Nakakakilig kapag si Papa na ang kumakanta. Minsan narinig ko si Papa na kinakantahan niya si Mama noong anniversary nilang dalawa.

Ang sweet nga eh!

Pero minsan naman ay nawiweirduhan ako sa mga magulang ko. May isang kanta silang pinakanta sa akin dati. Sobrang saya nila noon nung kinanta ko 'yun pero nung pinalibutan ako ng mga alitap-tap biglang nag-iba ang reaksyon nila. Parang namumutla sila na ewan.

Hanggang sa pagtanda ko unti-unti ko na rin minahal ang pagkanta. Ganun talaga. May mga bagay sa mundo na kaya mong mahalin kapag natutunan mo itong pahalagahan. Kaya mong tanggapin na ito ang ibinigay sa iyo ng Diyos na kakayahan para magpasaya at maibahagi sa lahat ang talentong ibinigay sa'yo.

Pinili kong ipagpatuloy ang pagkanta para mapasaya ang mga magulang ko.  Kahit naiiyak at kinakabahan tuwing aakyat ako ng entablado, nilalabanan ko dahil alam kong nandiyan lang ang mga magulang ko na sumusuporta sa akin.

Naalala ko pa noon ang sinabi ni Mama sa akin. Dapat ipadama ko daw ang emosyon ng bawat kanta sa mga nakikinig.

'Yan siguro ang dahilan kung bakit ako nananalo at umuuwing champion. Though normal naman na iyon ang hinahanap ng mga judges at gusto ng mga tao.

The Lost MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon