Melody 3 : Land of Mellodia

4.7K 184 6
                                    

• ₰• • ₰ • • ₰• •

Land of Mellodia

"Ikaw na ang gumising.."

"Ikaw na!"

"Ano ka ba! Ikaw na!"

Naalimpungatan ako dahil parang may naririnig akong maliliit na boses malapit sa tenga ko.

Unti-unti kong binuksan ang talukap ng aking mga mata. May tatlong maliliwanag na bagay na nakalutang sa ere. Napabalikwas ako ng pagbangon at marahan kong kinukusot ang dalawang mata ko.

"Buti naman at gising ka na." masayang sabi ng nakasuot ng kulay dilaw na damit na hanggang tuhod ang haba ng tela.

Napapaliguan ito ng mga glitters na gold.

Nakapusod ang kulay ginto nitong buhok katulad ni Tinkerbell. Normal naman ang tenga nito at hindi matulis na karaniwang deskripsyon ng mga fairies.

Pansin kong kulay ginto rin ang mga mata nito na para bang isang banyaga.

Napatikom ako ng bibig. Halos malagutan ako ng hininga sa nakikita ko ngayon.

Sino ba ang hindi magugulat kung may mga maliliit na nilalang na malayang lumilipad sa harapan mo?

Bigla akong napaatras. "S-sino kayo? Ano ang kailangan niyo? Mga maligno kayo no?"

Namaligno na nga talaga ako!

Akala ko sa TV ko lang nakikita ang mga ito pero ngayon nasa harapan ko na. Fan pa naman ako ng movie ni Tinker Bell.

"Wag kang matakot sa amin Melody." mahinhin na sabi ng naka-dark blue na damit na hanggang tuhod.

Hanggang braso ang kulay asul nitong buhok. May suot suot itong bulaklak na korona. Singkit ang mga kulay dark blue nitong mata.

"Wala na tayong oras, kailangan na natin umalis dito. Nararamdaman ko na sila!" nagmamadaling sabi ng maliit na lalake. Nakasuot ito ng tuxedo. Sobrang cute akala ko sa anime ko lang ito nakikita.

Bilugin ang mga mata. Sobrang itim ang buhok nito na binagay sa itim nitong mga mata. Sabay-sabay nila akong pinatayo sa pagkakaupo.

"Teka-teka! Saan niyo naman ako dadalhin?" naiinis kong sambit sa kanila.

For Pete's sake!

"Kikidnapin niyo rin ba ako tulad nina Mama at Papa?"

"Mukha ba kaming masama ha!? Sa ganda at gwapo namin?" sabi ng nakadilaw na babae. Kulang na lang batukan ko ito.

"San kayo pupunta?" napatingin kami sa nakasuot ng itim na kapa. Wala itong mukha. Humarap ako sa kanila. Bigla-bigla na lang silang sumulpot sa loob ng bahay namin eh! How the hell did they enter here?

Biglang nagdilim ang mata ko. Ikinuyom ko ang aking mga kamay sa sobrang galit nang maalala ko ang nangyari sa mga magulang ko.

"Saan ninyo dinala ang mga magulang ko?" sigaw ko. Akmang susugurin ko na sana sila nang may humawak sa aking braso.

Napatigil ako at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa bagong dating.

"Tara na!" the stranger shouted at me.

Isang nakasuot ng puting kapa ang nasa likuran ko ngayon. Tago ang mukha nito kaya hindi ko makita ang kabuuan ng mukha nito. Hinawakan niya ang kamay ko at itinago sa kanyang likuran.

"At sino ka naman?" taas kilay kong tanong.

Panigurado akong hindi ito fairy. Wala itong pakpak. Tao ito. Pero tao nga ba?

The Lost MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon