Melody 14 : The Elders

3.1K 164 16
                                    

Please play: "You Are My Song" by Regine Velasquez.

The Elders

Today is the last day of Musical Festival Competitions. Isang linggo itong ginanap.
Ito ang huling araw para magkaroon ako ulit ng huling pagkakataon para makausap ko ang mga Elders.

Napatingin ako sa Three Elders. They are the one who chooses the Six Keepers of the Sacred Book of Music at ang ikinagagalit ko ay ang balita na nagpaplano silang maghanap ng kapalit ng mga Six Keepers kabilang ang mga magulang ko na ngayon ay nasa kamay ng Dark Queen as if the Elders are assuming that they're dead.

Ikinuyom ko ang mga kamay ko nang maalala ko ang mga nangyari kahapon. Nakausap ko sila kahapon dahil sa tulong ni Queen Bell at Teacher Lennox. Pero saglit lang iyon. Isang salita lang nila ang nagpatigil sa mundo ko at dahilan para magtanim ng sama ng loob sa kanila.

Halos hindi ako makatulog upang pag-isipan kung paano ko ipapamukha sa kanila kung ano-ano ang mga isinakripisyo ng mga Keepers.

Bakit pa ba sila maghahanap ng bagong mga Keepers kung buhay pa ang mga ito?

Pinagmasdan ko ang Three Elders, dalawang matandang lalake at isang babae na nanonood ngayon sa performance ni Maya.

Maya is a girl na may makapal na salamin, kulot ang maitim nitong mahabang buhok na putlang-putla habang nakayuko. Maganda naman ito kaya lang hindi ito nakikita ng mga nambubully sa kanya, for me she's prettier than Aria, the fiancé of Prince Lark.

Nakaupo ito sa isang grand piano na kulay puti. Nakayuko lang ito pero hindi gumagalaw.

Ako ang huling estudyante na aakyat sa stage dahil ako lang naman ang pinakahuling estudyante na pumasok sa paaralang ito.Nasa tago at madilim ako na parte ng backstage.

Walang facility o staffs na nandito di tulad sa Mortal World na may nagbabantay o nag-aabang sa stage.

Natatakpan ang katawan ko sa makapal na kurtina kaya walang nakakaalam na nandito ako pero sapat na ang kunting liwanag na nagmumula sa kurtina para makita  ko ang kabuuan ng coliseum pati na rin si Maya.

The Three Elders are wearing a sparkling gold cloak with a musical patch. Nakangiti yung isang matandang  lalake at babae na para bang mga anghel pero sa likod ng mga ngiting iyan alam ko kung gaano kasama ang mga ugali nila! 

Maliban sa isang kasama nila na seryoso lang na nakatingin sa harapan.

Pero kahit ganun puno ng awtoridad ang tindig nilang tatlo.

Halatang takot ang mga estudyante kapag nagpeperform sila sa stage sa harap ng Elders kasama na ang Hari at Reyna.

Naalala ko na naman kung paano ipahiya ng Three Elders ang mga estudyante sa harapan mismo ng mga manonood. Hindi nila pinapatapos ang mga performance ng mga estudyante, may ibang dismayado at galit pero hindi nila magawang magreklamo.

Only the Four Princes got the most highest score kasama na ang isang grupo na sina Cassidy, Van at Reed na bumalik ang sigla at hindi na namumutla.

Kasama rin ang grupo ni Carol. Tuwang-tuwa ang mga bata na nakapasok sila sa Top 10 ng Three Elders at sa kasamaang palad kasama na rin ang kasintahan ng mga Prinsepe. Hindi ko pa kilala ang ibang nakapasok sa Top 10 but I don't care about the rank.

I just want to show them the real problem in this land.

Hell yes! Halos ilang araw na ako dito pero base sa obserbasyon ko wala pa silang hakbang upang puksahin ang Dark Queen.

The Lost MelodyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora