Melody 4 : Enemy

3.7K 171 6
                                    

• ₰• • ₰ • • ₰• •

Enemy

I woke up to the bright morning sun shining directly in my line of vision nang makarinig ako ng mga yapak sa loob ng kwarto ko.

"Magandang umaga Binibini." halos mapatalon ako sa gulat nang makarinig ako ng boses ng matanda.

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses pero wala akong makita. Minumulto na ba ako ngayon?

"Nandito ako Binibini." Palinga-linga akong hinanap ang pinanggalingan ng boses. Bumababa ang tingin ko sa gilid ng kama. Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa maliit na nilalang.

Isa itong Gnome. A small humanoid creature. "K-kanina pa po kayo diyan?" Kinakabahan kong tanong.

Matanda na ito. Maputi at mahaba ang buhok nito. May salamin itong suot sa mata at nakasuot din ito ng puting apron na may tatak ng malaking musical notes.

"Kararating lang Binibini. Oras na para sa agahan mo pero kailangan mo munang maligo at magpalit ng damit." Kinuha niya ang kamay ko.

Sobrang cute niyang tingnan dahil sa height nito at sa maliit nitong kamay na nakahawak sa hintuturo ko.

Nakaramdam ako ng hiya nang maalala ko ang suot ko ngayon. Manipis lang ang night gown ko kaya niyakap ko ang aking sarili.

Tumawa naman ang matanda nang napansin nito ang ginawa ko. Hindi na lang ito nagsalita at iginiya ako papunta sa tokador na pinagkuhanan ko kagabi ng night gown.

Inilabas nito ang long dress, may white at dark red cloak rin. Parang sukat na sukat ito sa katawan ko na para bang pinaghandaan ang pagdating ko dito.Pero hindi ko iyon tinanggap.

Umiling ako.

"Lola, kanino po ang mga damit na ito dati?" tanong ko habang hawak-hawak ko ang isang silver cloak sa loob ng tokador.

"Sa iyo lahat yan Binibini. Pinahanda ng Reyna."

Kumunot ang noo ko sa nalaman.

"So expected na pala ang pagdating ko dito?" sarkastiko kong sambit.

Seriously? Hindi man lang sila nagpaliwanag sa pagkuha sa akin.

Parang kidnapping na rin ito ah! Kung siguro hindi dahil sa mga dark shadows o kung ano pa naman ang tawag sa kanila hindi ako basta-basta sasama sa tatlong fairies at iyong prinsepe na pinaglihi sa ampalaya.

"Yan lang po ang hindi ko masasagot binibini. Ipapaliwanag rin ito sa'yo ng Hari at Reyna." rinig kong sabi ng matanda.

Tumango na lang ako at dumeretso ng maligo. Wala naman akong magagawa.

Babalikan na lang daw ako ni Lola pagkatapos kong maligo.

Nagbabad muna ako sa bathub at nag-isip.

Kung wala man ako sa sitwasyon na ganito ay matutuwa pa ako dahil sa wakas naranasan ko na rin ang maligo sa isang bathub — filled with soap water and foam.

Pero dahil sa pagkawala ng mga magulang ko ay hindi ko makuhang magpakasaya.

Nagbanlaw na ako at tumayo na at nagbihis. Pinili ko ang white cable knit na long sleeve at black pants.

Pansin ko kasi na ang klima nila dito ay parang klima sa baguio. Napapaisip tuloy ako kung saan parte ito ng mundo? Baka naman nasa ibang planeta ako ngayon? Sinuot ko ang white sneakers na sukat na sukat sa mga paa ko.

Hindi ko mapigilan ang mapailing. Hindi ko akalain na sa mahiwagang lugar na ito ay updated sila sa fashion sa mundo ng mga tao.

Hinayaan ko na lang nakababa ang hanggang beywang kong itim na buhok.
May kaunting kulot sa dulo nito kaya inaayos ko ang pagkakakulot nun at lumabas na rin ng banyo.

The Lost MelodyWhere stories live. Discover now