Melody 30 : The end of the beginning

2.2K 144 22
                                    

The end of the beginning

Nagulat ako nang may biglang dalawang pares na kamay na humawak sa akin. Malabo ang kanilang mukha. Pero ang tinding at tangkad ng dalawang taong nasa harapan ko ngayon ay napakapamilyar.

Hindi gumalaw ang aking bibig. Nakatayo lang ako habang sila ay nakahawak sa aking mga kamay. Pinalibot ko ang aking paningin sa buong paligid. I've been here before. Iyon ang pakiramdam ko.

Nakita ko pa ang lumang gitarang nakasabit sa dingding, dalawang kwarto at tamang-tama lang ang lawak ng bahay. Wala ako sa Mellodia. Hindi ganito ang disenyo ng mga bahay doon.

Muli kong hinarap ang dalawa na nakangiti lang sa akin. Kumurap ako.

Hindi ko halos marining ang boses ng babae, para itong bumubulong.

"....kahit ano man ang desisyon mo...suportado parin kami.." Bumilis ang pintig ng puso ko. Bahagya akong nanlamig.

Hindi parin ako nagsasalita. Sa bilis ng pangyayari, nakayakap na ang dalawa sa akin.

Somehow, it felt good.

Napansin ko ang luha sa gilid ng mga mata nilang dalawa. Pero hindi ko parin mabuo sa aking isipan ang kanilang mukha. Sino sila? Bakit kapag kayakap ko sila, iba ang saya sa puso ko.

Kumunot ang noo ko. "Mahal ka namin...." Garagal ang boses ng dalawa.

Napalunok ako nang may bumara sa aking lalamunan. Nararamdaman ko na ang hapdi sa gilid ng aking mga mata. Nanlalabo ang aking paningin.

I want to see them. I want to remember their faces.

Remember their voices.

"Wag na wag mong kalilimutan na ang musika ay -"

"Parte na ng buhay natin." pagpapatuloy ko. Nagulat ako sa aking sarili. My eyes burned with unshed tears. Nakita ko ang tinginan at pagtango ng dalawa sa akin. I hold their hands tightly.

Sa puso ko, alam kong malapit sila sa akin. Sila ang dahilan kung bakit ako lumalaban.

Their faces.

Their voices.

Alam ko.

Bakit ko hinayaan ang aking sariling makalimutan sila kahit sa panaginip?

Umawang ang aking labi at napahagulhol. "M-Ma...P-Pa..."

Tila nilipad ng hangin ang harang sa aking mga mata upang makita ng klaro ang mukha ng dalawa. Tuluyan na akong naiyak.

Akmang yayakapin ko na sana sila nang biglang lumayo sila sa aking paningin.

"Sundin mo ang musika ng iyong puso." Magkasabay na bumibigkas ang dalawa. "Isigaw mo ang mga letra ng pag-ibig...hintayin ang liwanag ng puso.....tanging ang pag-awit ng pagmamahal ang makakapagpabalik sigla sa mga pusong naligaw ng kadiliman...Sundin mo ang puso mo anak..."

I tried to reach their hands. Pero kahit ano ang gawin ko, hindi ko sila maabot. Unti-unti silang kinakain ng kadiliman.

Pumikit ako ng mariin nang bigla akong nakaramdam ng lamig. Isang pamilyar na tawa ng babae ang naririnig ko sa paligid. Nagulat na lang ako nang biglang may lumitaw sa aking harapan na babae. It's her!

Napakuyom ako ng kamao. Walang lumabas na salita sa aking bibig.

Hindi ako makagalaw.

The Lost MelodyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant