Melody 8 : Carol

2.8K 174 0
                                    

Carol

Naiwan akong naglalakad sa mahabang hallway ng paaralan. Para talagang Hogwarts and loob ng paaralan. Maraming nakasuot ng cloak, ako lang ang hindi nakasuot ng cloak kaya siguro napapatingin sa akin ang mga estudyante.

Nilagpasan ko ang isang Music Room pero napatigil ako nang may narinig akong humihikbi. Sumilip ako sa malaking pintuan.

May nakaupo sa harap ng grand piano. Mahaba ang maitim na buhok ng babae. Nakacloak ito ng berde, nasa First year level ito ng paaralan.

Humihikbi parin ito nang lumapit ako sa babae.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at iniabot ko sa kanya. "Walang mangyayare kung iiyak ka lang diyan." Sabi ko.

Gulat na napatingin sa akin ang babae. She's petite and cute. Bilugin ang mga mata nito. Kulay itim ang mga mata nito at mahahaba ang pilik ng mga mata. Parang may kamukha ito. Hindi ko na rin siguro maalala kung sino dahil hindi ko pa naman kabisado ang mga mukha ng mga tao dito.

Kinuha nito ang puting panyo ko at pinusan ang mga luha nito sa pisngi.

"S-salamat po ate." Sabi nito.

"Ano'ng pangalan mo?" umupo ako sa tabi niya.

"C-carol po ate." Humihikbi nitong sabi.

"Nice to meet you Carol, ako pala si Ate mo Melody!" nakingiti kung sabi.

Mukhang nagulat pa siya sa pagpapakilala ko.

"Kayo po yung nanggaling sa mundo ng mga tao?" manghang tanong nito. Kung kanina malungkot ang mukha nito ngayon ay nakangiti na.

Tumango ako.

"Bakit ka umiiyak?"

Muli itong nalungkot. "K-kasi po, namimiss ko na si Mama."

May kirot sa puso ko nang marinig ko ang sinabi ng dalaga. "N-nasan siya?"

"Kinuha po siya ng dark queen. Isa siya sa Anim na Keepers ng Sacred Book."

Bumagsak ang balikat ko at napatingin sa keyboard ng piano. "P-parehas pala tayo." Malungkot kung sabi. Natahimik kaming dalawa.

Walang nagtangkang bumasag sa katahimikan.

Napatingin ako sa paligid ko.

"A-ano nga pala ginagawa mo dito?" trying to change the atmosphere.

"Gumagawa ako ng isang mensahe sa Mama ko ate sa pamamagitan ng pagtugtog."

Tumingin ako sa grand piano. "Ah.. so ang pagtugtog ng piano pala ang talent mo?" obviously Melody! I mentally rolled my eyes.

Tumango ito. "Pero di ko pa masyadong nakukuha. Kailangan ko pang magsanay." Sabi nito.

Namumutla rin ang balat ni Carol. Unti-unti na talagang kinukuha ng Dark Queen ang lakas ng mga Mellodian.

"Namumutla ka." I said.

Ngumiti siya sa akin ng tipid. "Kaya kailangan ko pang tumugtog ng magagandang musika para mas lalo akong lumakas. Kailangan kung magpalakas para sa Mama ko." Determinado nitong sabi.

How I pray that we have the same spirit but music is not my heart anymore. Kung sila ay musika ang lakas nila ako ang mga magulang ko ang lakas ko.

Siguro advantage na rin na isinilang ako sa mundo ng mga tao kaya di ako nakakaranas ng panghihina kahit wala sa puso ko ang musika.

All I want is my parents back.

Nagsimula ng tumugtog ng piano si Carol. Her hands is so fast! Pamilyar sa akin ang tugtog. Hindi ko mapigilan na mag-hum. I know this song pero hindi ko alam ang title ng tinutugtog nito. Halata ang lungkot at takot sa bawat labas ng musika na nagmumula sa pinapatugtog ni Carol.

"Bakit ganyan ang tunog?" halos sampalin ko ang sarili ko sa sinabi ko. Did I offended her?

Tumigil si Carol sa pagtugtog. "S-siguro hindi ko talaga kaya ate." Naiiyak nitong sabi.

Naalarma naman ako at hinagod ko ang likuran nito. "Shh.. tahan na. O-ok naman ang tugtog mo kaya lang malungkot ito at may halo itong takot."

"I can't control my emotions ate. Dapat masaya at may puso ang tugtog na yun. Hindi ko makukumpleto ang mensahe ko sa Mama ko kung hindi ko pipilitin ang sarili ko na maging masaya." Naiiyak parin nitong sambit.

I get it! Nagiging emotional si Carol kapag nanghihina ito at naaapektuhan ang pagtugtog nito. "Shh. Don't let your fears and sadness overcome you." I hate to say this pero mukhang papangaralan ko pa ata ito pagdating sa musika.

"Tumugtog ka ulit at isipin mo ang masasayang alala mo sa Mama mo. Let the happiness be on the top of your music. Diba sabi mo mahal mo Mama mo? Then do it! Breath in... breath out!" mahinahon kung sabi.

Carol calmed herself and wiped her own tears. Huminga ito ng malalim habang nakapikit ang mga mata.

Carol must reminiscing the past na kasama ang Mama nito. I saw her smiling and started playing the piano.

Same tone but it's different now. Nawala ang lungkot at takot sa pinapalabas nitong musika. I know this song at unti-unti kung naalala ang lyrics ng kanta.

I miss you

Please come back to me

I love you

I love you

Halos mapanganga ako nang makita kung lumiwanag ang grand piano at lumabas ang mga musical note.

Kumikislap ang mga musical note habang lumalabas ito sa malaking bintana ng Music Room. Eto na ba yung Mensahe na sinasabi ni Carol?

I can't believe it!

The music was smooth at nakita ko naman na mukhang nag-eenjoy si Carol sa pagpapatugtog.

Halos malaglag ako sa inuupuan ko nang agad akong niyakap ni Carol.

"Thank you ate! Thank you!!!" sumisigaw ito sa tuwa.

Niyakap ko rin siya hinaplos ang mahaba nitong buhok. Sarap siguro ng pakiramdam kapag may kapatid ka.

Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at nakikita kung unti-unti itong nagkakaroon ng kulay sa balat. Masiglang masigla na ito at mukhang nawala ang pagkaputla ng balat nito.

"You're my savior ate!" masayang sabi nito.

I wish I can be a savior with my own parents but I'm not at halos mapamura ako dahil napakanta ako ng di ko namamalayan.

Hindi ko na uulitin iyon.



The Lost MelodyWhere stories live. Discover now