Melody 26 : Please

2.5K 139 12
                                    

Please

Nakapangalumbaba akong nakatingin sa labas ng paaralan. A little bit annoyed. Why he's here? 

"Come on tiger. Kainin mo na ito." I heard him saying and even the sound of his voice is annoying!

"Pwede ba Captain Theo! You may call me tiger, dragon or whatever you want! Basta lubayan mo lang ako!" asik ko. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Students are staring at us. 

Umiling ako and I saw how Theo smirked. Humalukipkip ito at humilig sa upuan. Nasa loob kami ngayon ng dining hall. It's lunch time. Kaso wala akong ganang kumain ngayon. 

Matalim kung tiningnan si Kapitan Theo. Napag-alaman ko rin na nakapagtapos ito ng pag-aaral last year. Naging Kapitan ito dahil sa taglay nitong lakas sa pakikipaglaban and he's the top student last year in this school.

"Oh come on, you should eat. Para magka-energy ka ulit sa paggawa ng  eskandalo dito." he said. He chuckled sardonically. Umiiling pa ito na para bang isang krimen ang pagtanggi ko ng pagkain. 

I grimaced in annoyance. "Ano ba ang pakialam mo? Hindi ba't sinabi lang ng Hari na sasama ka lang sa akin sa paghahanap sa Mystic Harmic?" taas kilay ko pang tanong. Tumango-tango lang ang  lalake. "Eh ano ang ginagawa mo dito? Bakit pati pagkain ko nangingialam ka? Ba't di ka pumunta doon sa palasyo at gamitin ang pagiging Kapitan mo at hindi ang pakialaman ako!"

He was laughing at me kaya mas lalong sumama ang mood ko. "Yeah, yeah." itinaas nito ang dalawang kamay na parang umaaktong sumusuko. "You're right little kitten. I'm a captain and I'm still doing my job here. Kung papansinin mo lang ang ginagawa ko ngayon." umiiling nitong pahayag. "I'm making it sure na wala kang kalokohang gagawin dito." biglang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

Bloody hell! 

Nasapo ko ang ulo. Itinirik ang mga mata. Bakit ba ako mag-aaksya ng lakas sa pakikipag-usap sa lalakeng ito? "Bahala ka nga!" padarag akong tumayo. Akmang aalis na sana ako nang hinawakan nito ang kaliwang kamay ko. Nakatayo na ito. 

"Here. Eat this." sabay abot sa isang sandwich. Magsasalita na sana ako nang umalis ito agad. What the! May  Dissociative  Identity Disorder ata itong Kapitan nila!

Nagmartsa ako palabas ng Dining Hall. Halos mapamura ako nang makasalubong ko si Princess Stanza kasama si Prince Lark. Tumigil ako saglit pero kay Princess Stanza ako nakatingin. Ayokong tumingin kay Prince Lark. Nakita kong nakahawak si Princess Stanza sa braso ng prinsepe.

I sighed and  bowed my head slightly.

Of course, I'm not that rude. Kailangan ko pa rin isipin na sila ay mga maharlika dito sa mundong ito! Naramdaman kong nakatitig sa akin si Prince Lark. Sobrang naiilang ako sa ginawa niya noon. I can still remember his harsh words and....

Hindi ko sinasadyang napatingin sa mga labi ng prinsepe. Bloody hell! Nilagpasan ko na lang sila at lakad-takbo ang ginawa para makalayo sa dining hall.



"Mortal! Maaga tayo bukas ha! Wag kang pabagal-bagal ng kilos!" nakapameywang na sabi ni Lila. Nandito kami ngayon sa Sacred Chamber of the Stone. Winter break na kasi bukas kaya ito ang tamang pagkakataon para hanapin ang Mystic Harmic sa Harpion City at sa iba pang lugar.

Nakahilig ako sa barandilya habang nakatingin sa kabuuan ng Harpion City. Nasa likuran ko lang sila habang may pinagdidiskusyunang bagay tungkol sa detalye ng paglalakbay namin. They even mentioned the name of their crazy captain. 

I closed my eyes. 

"Baka naman mabilis kang mapagod sa paghahanap. Wag na wag kang gagawa ng eskandalo doon, mortal." naririnig kung sambit ni Lila. Her voice seems like too low for me. Malakas and boses ni Lila pero bakit pakiramdam ko ang hina-hina ng boses niya ngayon? Nakapikit pa rin ang mga mata ko. Embracing the wind which rushes in every inches of my skin. It's cold.

Biglang tumahimik ang paligid. Kaya iminulat ko ang aking mga mata. Hindi ako lumilingon. Pinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa paligid. Nakikiramdam.

I sighed at pagod na humarap sa tatlong Julam.

Napaawang ang labi ko nang magtama ang mga mata namin. I didn't expect him to be here. Wala na rin ang tatlong Julam.

Nasaan sila?

Tumingala ako. Baka sakaling lumilipad sa ere ang tatlong ipis. "Kakaalis lang nila. Pinapatawag sila ng Hari." His voice was flat. Ibinaba ko ang tingin. Our eyes locked.

Tumikwas ang isang kilay ko. Trying to hide the nervous.

"O-okay." I said. 

Humakbang ako papalayo pero hinaranangan ako ng prinsepe. Pinag-krus niya ang braso sa harap ng dibdib nito. "Where are you going?" he asked coldly. His stance became menacing, his eyes darkened.

I laughed sardonically. "It's getting late. Uuwi na ako sa inyong palasyo Prinsepe Lark." 

Nakita ko ang pagtiim bagang niya. "Why you're with him? Are you planning something? You're luring our captain para mahanap mo ang mapa diba?" umiiling ito. Hindi ako makapaniwalang tumitig sa mukha niya. His eyes were cold. It's coldness made me shiver to death. 

Heat exploded my face when I realized what he said. Mariin kong ipinikit ang mga mata na parang ito ang paraan para mapakalma ang sarili. I suddenly felt something shattering inside of me. 

Ganun na ba kababa ang tingin nila sa akin? 

"So that's your plan?" pagalit nitong tanong nang hindi ako nakasagot.

I sighed. "Siguro." walang gana kung sabi, "This is useless. To hell what others think!" I said loudly.

I lifted my chin. Nakaramdam ako ng panlalamig.

"Kailangan ko na pong umalis Prinsepe Lark. Maaga pa po kami bukas." I said in my low tone voice. Tyring to hide my emotions.

Amusement filled his eyes. Pagod akong tumingin sa kanya ng deretso. Some part of me felt disgusted of what he said about me. I swallowed the lump in my throat,  I bit my lip trying to hold back the tears. 

Nakakapagod na. I want to end this.

We need to find the Mystic Harmic. 

I need the map.

I need to go back home.

I need my parents. 

Presko pa sa alaala ko ang huling pag-uusap namin ng aking mga magulang.  

Nang napansin siguro ni Prince Lark ang pananahimik ko kaya biglang lumambot ang ekspresyon nito sa mukha. Lumapit ito sa akin. Hindi ko namamalayan na magkalapit na pala kami, halos isang dangkal na lang ang layo ng mga katawan namin. 

Tumingala ako at ihahakbang na sana paatras ang mga paa  pero huli na nang hinapit ako sa beywang palapit.

Hanggang sa naramdaman kong naglapat ang mga labi namin. Para akong nagising  sa malalim na pagkakatulog dahil sa ginagawa niya ngayon. I accidentally parted my lips then he cupped my face and deepened the kiss. Napasandal naman ako sa dibdib niya. 

"P-please." I said softly. This is not right. I know. Itutulak ko na sana siya palayo nang hinuli ng prinsepe ang mga kamay ko. Mas lalong nanghina ang depensa ko.

In the end, talo pa rin ako. 

I started kissing him too habang patuloy ang pagdaloy ng aking mga luha.

Ayoko na. Ayoko ng ganito.  Ang masayang mukha ni Prinsesa Stanza habang kasama nito Lark ang rumehistro sa isipan ko. Patuloy pa rin na tumutulo ang luha ko. Habol ang hiningang napatigil si Lark. He looked at me intensely.  We were just looking at each other but it feels more intense than the kiss. He wiped away my tears with his thumb then he planted a soft kiss on my lips. 

I must admit that I'm scared. I'm scared of what I'm feeling right now! 

Gusto ko ng umuwi. Please. Ayoko na.

The Lost MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon