Melody 11 : Punishment

3K 164 11
                                    

"Hold onto this lullaby

Even when the music's gone.."

- Taylor Swift

Punishment

Naglalakad kami sa kahabaang Hallway papuntang Music Room Room 4001. Nasa ika-apat na palapag kami ng Mellodia's School of Music. Apat lang palapag ng paaralan pero sobrang lawak nito. Hindi mo mahahalatang apat lang ang palapag nito. Kung tutuusin pwede na itong maging palasyo.

Sa bawat palapag, iba iba ang karpet na madadaanan mo. Sa Lower Ground, doon lahat ang mga recreational areas, library, administrative offices, student hall, dining hall and theater.

Sa first floor lahat ng Music Rooms ng mga Highschool and College Freshmen students, second floor ang mga sophomore, sumunod ang junior at pang-apat ang senior. Four years lang ang ino-offer ng Mellodia's School of Music for High School and College.

This school is a bit old place kulang na lang magkaroon ito ng maraming bats. Idagdag pa ang dim lights.

And doors creaking open that creates an eerie sounds. Meron din musikang pumapainlang sa paligid. Bawat floor iba-iba ang musikang pumapainlang. Sa ikaapat na palapag kung saan nandito lahat ng mga Fourth Year Students isang Beethoven Moonlight Sonata ang pinapatugtog kahit walang speakers. Honestly, it's creeping me out! Idagdag pa ang napakalamig na temperatura. Walang araw dito sa Land of Mellodia at tanging buwan lang ang meron sila. Now that made me realized that this world is different from the fictional stories na nababasa ko. This is reality and this is the scariest thing I've ever encountered. First time ko palang dito papasok sa Music Room ng mga Seniors. Sa Lecture Theater kasi kami nagpunta sa Lower Ground nung first day ko. Kaya hindi ko pa napupuntahan ang pinakataas na palapag ng paaralan na ito.

Tumigil ang mga senior high school and college students sa paglalakad nang makita kami ni Prince Lark na naglalakad sa hallway. As usual, nabasa ko na ito sa mga libro eh. Yung pakiramdam na pinagtitinginan ka nilang lahat na para bang ikaw ang pinakamasamang nilalang na nakita nila sa buong buhay nila. Halos lahat sila pandirian ka dahil kasama mo ang isang prinsepe na pinapangarap nila.

Putlang putla ang mga estudyante. Halatang pagod na pagod ang iba sa kanila at ubos na ang mga enerhiya nila. On the contrary, nakaramdam ako ng awa. Hindi ko muna iisipin ang mga mapanghusga nilang titig sa akin.

Tuluyan na kaming nakapasok ni Lark sa Music Room 4001. Iilan palang ang mga estudyante pero sapat na iyon para makita ko ang mga pang-tataas nila ng kilay sa akin.

Tss. Bullies. Hindi nga ako nabubully sa school dati eh. Kaya kahit na sa ibang mundo ako, I'll never let my guard down. I'm not the type of girl na tatahimik na lang. I'll fight back kung alam kung dapat may ipaglaban.

But for now, I'll let it pass. Since, they're not in their conditions. May puso naman ako kahit papano. Naunang umupo si Prince Lark sa pinakadulo malapit sa malaking bintana. Kitang kita sa labas ang malaking buwan. Makulimlim na rin ang kalangitan kaya medyo madilim kahit maaga pa lang.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa harapan ni Prince Lark.

Nakaramdam ako ng antok kaya umidlip muna ako.

-

Nagising ako nang makaramdam ako ng mainit na pakiramdam sa bandang tenga ko. Iminulat ko ang mga mata ko at si Prince Alto ang unang nakita ko. Marahas akong lumayo. "A-ano'ng ginagawa mo?"

He smiled playfully. Nilalaro nito ang ibabang labi nito habang nakatingin sa akin.

"Pervert!" I whispered.

The Lost MelodyWhere stories live. Discover now