Melody 17 : Laughter

3K 147 9
                                    

Laughter

"Ahahahaha!" tawang tawa ako sa kalagayan ngayon ni Lila. Hindi ko alam kung kailan ang huling pagtawa ko ng ganito. But I can't help it!

Paano ba naman kasi halos namumula ang pisngi ni Lila at ang nakakamangha ay ang dating dilaw nitong kasuotan ay naging kulay pula. Tanda na naasar ito sa akin.

"Poppie! Kindatan mo ulit si Lila!" tuwang tuwang sabi ko kay Poppie. Pero hindi rin naman ako pinapansin ni Poppie.

Seryoso lang ang mukha nito na parang walang pakialam sa nangyayari.

Tss. Manang-mana talaga kay Lark.

Nakababa na kami mula sa Sacred Chamber of the Stone, nandito kami ngayon sa entrada ng Mellodia's School of Music.

Kaya pala hindi ito nakikita ng ibang estudyante ay dahil may barrier itong nagproprotekta sa loob.

At hanggang ngayon palaisipan parin sa aming apat kung paano ako nakapasok.

Ipinagpalagay na lang nila na baka pinili ako ng Goddess of Music sa pamamagitan ng Sacred Chamber of the Stone para maipahiwatig ang mensahe sa nalalapit na pagdating ng 'Mystic Harmic'.

"Ginagalit mo talaga ako Mortal!" galit na sambit ni Lila.

Nanlaki ang mga mata ko nang nag-anyong tao si Lila at papalapit ito sa akin para atakehin ako.

May sinasabi itong kakaibang lengwahe na hindi ko maintindihan. Bigla na lang umilaw ang mga kamay nito at lumabas ang hindi ko inaasahang bagay.

"Dahon?" pigil tawa kung tanong. Ano naman ang gagawin niya sa dahon?

"Pff!"

Nanlaki ang mga mata ko nang may dilaw na liwanag na papunta sa direksyon ko at sa mukha ko pa talaga niya akong gustong puntiryahin ha!

Gamit ng kulay dilaw nitong dahon, nagpakawala ito ng matinis na tunog. Sapat na iyon para magkaroon ng pwersa ng hangin na tatama na sana sa aking mukha. Buti na lang at nakailag ako agad.

Nadagdagan ulit ang inis at galit ni Lila nang makita nito ang pag-ilag ko. Akmang susugod na sana ulit ito sa akin nang hinawakan siya sa braso ni Poppie.

"Lila. Marami pa tayong gagawin." Paalala nito. Kalmadong kalmado lang si Poppie samantalang si Prima ay natatawa na lang sa amin ni Lila. Nag-anyong tao na rin sina Prima at Poppie.

They're perfectly great! Pwede ko na silang ihalintulad sa mga artistang napapanood ko sa mundo ng mga tao.

"What's going on?" napatingin kami sa gilid ng marinig namin ang baritono at malalim nitong boses.

"Prinsepe Lark!" lumuhod ang tatlong Julam.

Napako naman ang mga tingin ko sa kasuotan ni Lark.

He's wearing a clean polo shirt and buttoned it up to support the elegant tie he's wearing.

The suit was black and well-fitted. He's wearing black pants and shoes also. May nakita rin akong golden patch na musical  He's notes with the name of the school.

Over all sobrang gwapo nito sa kanyang suot. Exactly the sort of thing that a woman would pick out for her man to wear into a formal event.

Naririnig ko si Poppie na nagpapaliwanag sa Prinsepe tungkol sa lahat ng pangitain at mga haka-haka na posibleng nandito na ang 'Mystic Harmic'.

Binanggit na rin nito ang mga plano kung paano namin mahahanap agad ang Mystic Harmic.

As I keep on looking at him, bagay na bagay talaga sa kanya ang kasuotang ito.

The Lost MelodyWhere stories live. Discover now