Melody 9 : Resist

3.2K 191 14
                                    

Resist

Magkasama kami ni Carol papunta sa Dining Hall ng Mellodia's School of Music. Pagabi na rin kaya umalis na kami ng Music Room. As we walked back down the hall toward the grand staircase papasok sa Dining Hall pinagmasdan ko ang kabuuan ng arkitektura. Akala ko Cafeteria lang ang meron sila pero laking gulat ko na may Dining Hall rin pala ang paaralang ito. This could be the largest dining hall with its stained glass windows, long oak tables and arching ceiling. The doors were all dark wood and obviously very old. May pumapainlang na pamilyar na musika sa buong paligid kahit wala akong makitang speaker. Aamin ko na sobrang ganda ng paaralang ito kumpara sa mundo ng mga tao and it's hard not to imagine myself sitting in the Great Hall at Hogwarts. Fan na fan kasi ako ng Harry Potter kaya nakakamangha lang na makakaranas ako ng ganito.It has tall walls that reach up the ceiling wala nga lang kandila na lumulutang sa ere tulad ng Great Hall ng Hogwarts.

Bahagya akong natawa sa sarili dahil pinagkukumpara ko ang fictional fantasy stories na nababasa o napapanood ko sa mundong kinakatayuan ko ngayon.

"First time mo rito ate no?" masayang tanong sakin ni Carol. Her skin is not pale anymore. Laking gulat ni Carol kanina sa Music Room na nagbalik normal na ang kulay ng kutis niya. Siguro dahil sa pagtugtog niya kanina na punong-puno ng pagmamahal kaya naging masigla ito at ngayon nga ay sobrang daldal nito. Wala pa kaming isang araw na magkakilala pero ang dami na nitong nakwento sa akin tungkol sa buhay niya.

"Oo, sa cafeteria ako kumain kaninang lunch time." Hindi ata ako nakakain ng masyado dahil sa insidente kanina. Hindi ko rin mahagilap ang mga magkakapatid ngayon at ayaw ko na rin makita ang mga fiancée nila. Naku! Wag lang silang lumapit sa akin lalo na yung chinita na yun! Kilala pa naman ako sa barangay namin na palaban at walang inuurungan na laban lalo na ang mga sinasalihan kung kompetisyon.

Pati nga beauty contest sinalihan ko. Bah! May panlaban naman ang beauty ko pero napilitan lang ako nun sumali nung highschool dahil sa hamon sa akin ni Natasha Escandalosa.

Pailing-iling na lang ako sa mga nangyari noon. Nakakamiss rin pala yung bruhang iyon. Mukhang may papalit sa trono niya ha, yung babaeng chinita na fiancée ni Prinsepe Lark. Makapal rin kasi ang make up nun.

We're sitting near at the front of the hall, there is a throne-like chair in the center of the table ito siguro ang staff table kung saan nakaupo ang Headmistress o Headmaster ng paaralan.

Nakakuha na rin kami ng pagkain. Buti na lang hindi weird ang pagkain nila dito. Parang adobo na rin ito pero iba ang kulay o baka afritada? Hindi naman ako mahilig sa pagkain kaya malay ko ba kung ano ang pangalan nito.

Napasinghap ako nang marinig ko ang pamilyar na musika. This time hindi na instrumental,may boses na akong naririnig.

There I was again tonight

Forcing laughter, faking smiles

Same old tired lonely place

Shocks! This is Taylor Swift's song. Pati sa music updated sila? Mukhang napansin ni Carol ang reaksyon ko.

"Ate, you know that song?" she asked as she gave me an amuse look.

Oh! Yes! !

"Carol! She's the famous singer in our world!" I said, shock clearly showing though my voice.

Kumunot ang noo ni Carol. "Ah! Cool name huh! I like her!" nangnining nitong sabi sabay ngiti sa akin.

Err. I guess, she's a fan too? Too bad hindi siya sa mundo ng mga tao lumaki malamang magiging fans ito ni Taylor.

"Bakit niyo pinapatugtog ito?" pinanlakihan ko siya ng mga mata.

Tumigil sa pagsubo ng pagkain si Carol. She laughed. "Ate, nasa mundo ka ng Musika! Malamang nandito lahat ng collections ng mga music na ginagawa ng mga tao sa mundo ninyo."

The Lost MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon