Melody 25 : The Captain

2.7K 136 14
                                    

The Captain

Marahas akong nagbuga ng hangin habang nakatingala sa kulay kahel na kalangitan. Katatapos lang ng klase ko at hinihintay ang karwahe na maghahatid sa akin pabalik ng palasyo. Hindi ko alam kung makakasabay ko ba ang magkakapatid pero sana wag na lang.

Nakatingin halos lahat ng mga estudyante sa akin habang nakatayo ako sa entrada ng paaralan.

With a deep sigh, nag-iwas ako ng tingin.

With the judgement in their eyes, alam kung hanggang ngayon ay hinuhusgahan parin nila ako. Kalat sa buong paaralan ang naging away namin ni Prince Lark at ang eksenang pagiging eskandalosa ko sa nakaraang pagtitipon.

Gumuhit na naman sa akin ang alaala na nagpapagulo sa akin.

No way!

Tinapik-tapik ko ang pisngi ko at parang sirang plakang paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko ang halik ni Prinsepe Lark. Napahilamos ako ng mukha sa sobrang inis sa sarili. I should not be thinking about it anymore!

I closed my eyes then pressed my lips together as I try to forget about everything.

This can't be. Ayoko ng distractions. I need to find my parents immediately!

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may umakbay sa akin. Lumingon ako at inirapan ang bagong dating.

Prince Alto is grinning widely.

"Let's go?" nakangisi nitong tanong. Umirap ako and I slam my hands on his shoulders and grit my teeth.

"Ouch!" rinig kung sabi nito. "You really like me, baby." he said while wiggling his eyebrow.

Matalim akon nakatingin sa kanya nang makasakay kami ng karwahe.

Prince Alto laughed loudly. "What? Hindi ba sa mundo ng mga tao may kasabihan na 'the more you hate, the more you love'?"

Kunot ang noo ko nang nag-iwas ako ng tingin. Narinig kung tumatawa-tawa si Alto sa tabi ko. Hindi ko na narinig pa ang sunod nitong sinabi dahil nakatuon na ang pansin ko sa mga punong nakahilera sa daanan palabas ng paaralan. Ipinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman kung hinawakan ni Alto ang braso ko.

"Hey Melody, are you okay?" bakas sa boses nito ang pag-aalala. I don't know if he's sincere or not but when I tried to open up my right eyes, nakita kung nakangiti itong nakatingin sa akin.

I groaned in annoyance. "I'm tired Prince Alto."

Narinig ko ang pagtawa nito nang lumayo ito sa akin. "Damn baby, you're too cute!"

Kunot ang noong lumingon ako sa kanya. "Ano?" Nagkibit balikat lang ito.

Matapos ang byahe pabalik sa Palasyo, nagulat ako nang makita ko si Haring Allegro na nakatayo sa harap ng malawak na hardin. Tipid ang ngiti nito nang makita kaming paparating. Palipat lipat ang tingin ng Hari sa amin ni Prince Alto. Nakangisi lang na lumapit si Prince Alto sa ama nito.

Hahakbang na sana ako papalapit nang napansin ko ang biglang pananahimik ni Prince Alto, nahuli kung tumingin muna sa akin ito bago tumango sa kanyang ama.

Napakamot ng batok si Prince Alto at lumapit sa akin. Maya-maya pa at nakangiti na itong humarap sa akin. "Melody, mauna na ako. Hinahanap kasi ako ni Mama." Parang bata itong nagpapaalam sa akin. Tipid akong ngumiti at tumango na lang.

Naiwan kami ni Haring Allegro sa labas ng hardin. Napakagat labi ako at tumango na lang sa Hari. I don't know. Bigla akong nahiyang humarap sa Hari.

He looked at me with serious eyes. Tumikhim ito at tipid na ngumiti. "Melody, gusto sana kitang makausap."

May halong kabang tumango na lang ako sa Hari.

Ipinilig ko ang ulo at taas noong naglakad papalapit sa Hari, kasama nito ang apat na kawal ng kaharian na ngayon ko lang napansin.

I gulped. My hands were trembling, no matter how much I tried to control it. Ganun pa rin! Kaya napakuyom ako ng kamao.

King Allegro is wearing a long navy coat and dark pants. Kung pagmamasdan mo, para lang siyang pangkaraniwang mamayan. Sumisigaw sa kapangyarihan ang tindig at galaw ng Hari kahit namumutla na ito. Napalunok ako at pilit na inaalis ang kaba sa sistema ko.

Maybe because he is the older version of Prince Lark?  What the hell!

He had such an intimidating aura. Hindi ako makatingin ng deretso!

"Kamahalan, kung tungkol ito sa nangyaring eskandalo, walang akong kasalanan." panimula ko. 

I'm just saving your people from that witch! Bloody hell!

Biglang lumapit sa akin ang isa sa nagbabantay sa Hari. "Hindi ganyan ang tamang pananalita sa harap ng Hari!" galit na sambit ng lalake. Matalim ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng itim na kapa habang hawak-hawak nito ang espada.

Kung pagmamasdan mo ng mabuti, wala sa mukha nito ang pagiging isang kawal. He looks almost like the actor in action movies. Mas matanda lang siguro ito ng ilang taon sa akin.

Makapal ang itim na kilay ng lalake, he is tall with broad shouldered and intense black eyes and damn those kissable lips! Sino ito?

"Captain Theo. It's okay." Natatawang sambit ng Hari. Umirap na lang ako at humalukipkip. Masama pa rin kasi ang tingin sa akin ng lalake at hindi ko alam kung bakit binibigyan niya ako ng iritadong ekspresyon ngayon.

Hinawakan ni Haring Allegro ang braso ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Napaisip ako bigla. Sa sobrang bait ng Hari at Reyna sa akin, sobrang kapal naman ata ng mukha ko na magtaray sa harapan nila!

He sighed. "Nalaman ko sa tatlong Julam ang balak ninyong paghahanap sa Mystic Harmic sa ibang bayan." Biglang sumeryoso ang mukha ng Hari. "Sa inyong paglalakbay, sasama si Captain Theo sa paghahanap sa Mystic Harmic." King Allegro said the last word with a smile.

Napaawang ako at marahas na tumingin sa sinasabi nitong Kapitan. Ngumisi lang ang lalake at taas noo itong sumaludo sa akin.

"Iyon lang ang sasabihin ko Melody. Maiiwan muna kita kay Theo. Wag kang mag-alala, isa si Kapitan Theo sa pinakamagaling na mandirigma ng Kaharian." Pailing-iling ang Hari habang nakangiti itong nakatingin sa aming dalawa ni Kapitan Theo. He knew from the start na hindi kami agad magkakasundo ng lalake!

Nang makaalis ang Hari, nagsimula na rin akong humakbang papasok ng palasyo.

"Tama nga ang sabi nila, isa kang dragon...na nagkatawang tao lamang." I gritted my teeth when I heard his annoying voice. What the hell! A dragon?

Tumigil ako at iritadong humarap sa kanya.

"What?" I spat pero lumagpas ang tingin ko sa kanya nang makita ko ang bagong dating.

Nakita kong nakahawak sa braso at nakangiting nagsasalita si Stanza Hawkins kay Prince Lark habang si Lark naman ay nakatingin lang sa harapan niya.

Kung sa iba, iisipin mong may relasyon ang dalawa!

Nakapamulsa lang ang Prinsepe. He looked at me with serious eyes. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nito and seeing his eyes cloudy, umiling-uling ako at nag-iwas na lang ng tingin.

I sighed and turned to face Captain Theo only to lock my eyes with him. "Wag mong kalilimutan na kasama ka sa paghahanap. Narinig mo naman ang Hari." Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko. Naiirita pa naman akong kaharap ang Kapitan.

"I know –"

"I'll see you tomorrow." I cut him off, rolling my eyes. Humalukipkip ako at walang sabi-sabing umalis sa harapan niya bago tuluyang makalapit sina Prinsepe Lark.



--


Author's Note:

Hello. I'm back! Lol. Happy New Year!!!


The Lost MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon