Melody 34 : Home

1.6K 97 22
                                    

"Maybe after all this mess you can put your heart to rest,
'Cause we're meant to be free."

- Maris Racal , Love Is Easy (L.I.E)

Home

Sa bawat panahong pananatili ko sa mundong ito, wala na akong ibang hinangad kundi ang mailigtas at muling makasama ang mga magulang ko. That's the reason why I am here in the first place, right?

Pero bakit kailangan ko pang pagdaanan ang mga ganitong pagsubok?

Why do I have to suffer? I'm bloody too tired of living with fears and hatred. Fears of not having my parents back home.

And hating them, this kingdom for being too judgemental, reckless and for not listening to me.

Hindi kami aabot sa ganito kung nailigtas agad ang mga Keepers. They just waited and calculated every possible bloody plans of the evil queen!

The hell! Hindi ko ugali ang tutunganga at maghintay ng milagro! Kahit pa sabihin nila Prinsepe Lark na dapat maghintay ay hindi ko na matatagalan pa! And besides, mas busy sila sa gaganaping kasal. Bloody hell! Mas inuna pa ang kasal keysa sa mga Keepers!

Alangan naman makisaya ako. Duh!

Habang tumatagal na hindi ko nakikita ang mga magulang ko, mas lalong hindi ako mapalagay sa kakaisip sa kanilang kalagayan.

I just need my parents back home! Sapat na iyon sa akin. And if this is a dream. Gusto ko ng magising sa masamang panaginip na ito! I will never wish the same dream again! Sino'ng anak ang gugustuhin na mawalay sa mga magulang?

Ramdam ko naman na buhay sila kaya mas lalo ko dapat iisipin ang kalagayan nila keysa kaligayan ko!

Napaluha ako nang maalala ko ulit sila mama. I may not be their perfect daughter but I'll make sure na nasa tabi nila ako kapag kailangan nila ng lakas. They supported me at ngayong kailangan nila ng tulong. I'll take the risk.

Hindi ako hibang para umasang may magandang mangyayare sa pananatili ko dito. At ayokong maniwala na totoo ito. Ayokong maghangad ng mga bagay-bagay na meron dito na wala sa aming mundo.

I clenched my jaw tightly.

Huminga ako ng malalim. I'm in the middle of nowhere.

It was almost pitch of dark.

Pero ramdam ko ang kakaibang enerhiya aa paligid. Damnit!

Nanlamig ako. I'm not yet blind..right?

Then why I bloody can't see anything?!

Too dark. Napatigil ako nang makarinig ako ng ingay.

Naglakad ako at sinundan ang ingay pa-kanluran. Madilim ang buong paligid pero may mga naririnig akong mga boses.

"Ngayon, kayo na ang bagong hari at reyna ng lupain ng Mellodia!" an old man's voice.

"Mabuhay ang bagong kasal!"

"Mabuhay!!!" halos lahat ay naririnig kong sumisigaw nito.

May kumislap na liwanag sa gitnang bahagi mula sa aking kinakatayuhan.

At paunti-unting nauulanan ng kislap ng liwanag sa iba't-ibang direksyon. Hanggang sa unti-unting lumawak ang liwanag na tumatama sa gitna ng kadiliman.

Doon lang naging malinaw sa aking paningin ang buong paligid.

Nakarinig ako ng pagsinghap. Mga bulongan. Mga ingay at hinaing.

The Lost MelodyWhere stories live. Discover now