Melody 15 : Not Prepared

2.9K 160 3
                                    

Not Prepared

Pinayanig ang buong arena ng isang nakakabinging palakpakan mula sa audience ng matapos ang performance ni Maya. Lahat sila nagsisigawan pero agad din tumahimik nang tumayo si Master Orca.

"Miss Maya, you can go now." Iritadong anunsiyo ni Master Orca.

"NEXT!!" sigaw nito.

Pinapanood ko lang sila habang pinagkrus ko naman ang aking dalawang braso sa aking dibdib.I'm wearing my favorite outfit, dark pants and dark long sleeve with dark red cloak. Sinuot ko ang hood ng cloak ko at hinayaan kung natatakpan ng mga buhok ko ang mga mukha ko.

I am creepy, indeed. Pwede na akong tawagin 'Sadako'. I sheepily smile. This is the part of my plan. I'll make it sure na remarkable ang ending ng Musical Festival Competitons.

"NEXT!!" kinuyom ko ang mga palad ko. That old man! Tss. Maliban sa matanda na ito, nakalimutan kung sabihin na kalbo pala ito. Ang ingay-ingay pa!

Ito na ata ang competitions na sinalihan ko na hindi ako naghanda para sa performance dahil ang inihanda ko lang naman ay ang makaisip ng plano kung paano ko mahahanap ang mga magulang ko.

Kunwari na lang na ang talentong pinagkaloob sa akin ay ang tumugtog ng piano. I smirked.

Nagsimula ng mag-ingay ang mga estudyante dahil sa kasiyahan na patapos na ang kompetisyon, bukas na kasi gaganapin ang Mellodian's Winter Wonder Musical kung saan ang magpapakitang gilas ay ang mga napiling Top 10 ng Three Elders kasama sina King Allegro at Queen Bell.

Umupo ako sa harapan ng grand piano. Tila ba walang nakakapansin na nasa harapan ako at patuloy parin sila sa pag-iingay.

Buti pa sila masaya

"You may start now Melody." Orca Ceda said. Mahina ang boses nito. Nanibago ako dahil sa kalmadong itsura nito. Bumaling naman ang tingin ko sa katabi nitong matandang babae.

Si Morgana Leif, she's just looking at me with a blank expressions.

Ibinalik ko ang aking paningin sa keyboards. Maingay parin ang buong paligid, parang wala silang respeto na may tao sa harapan nila.

Hanggang ngayon di ko pa alam ang tutugtugin ko. I'm not prepared remember? I started a few keys. Sa sobrang inis ko, sinadya ko talagang wala sa tono ang pagtugtog ko.

Napangiwi ako dahil sa pinapatugtog ko.

Wala sa tono. Yun lang ang masasabi ko.

Pinakiramdaman ko ang buong paligid. Tahimik na ito at halos lahat ng mga manonood ay napanganga sa pinapatugtog ko. Lihim akong napatawa.

"Miss Melody, what kind of music is that?" asik na tanong ni Lady Morgana.

Tinitigan ko lang ito at hindi ako sumagot.

Muli kung tiningnan si Morgana Leif, she's pissed. I knew it!

"Perhaps, that's the music produced with so much hates and anger." I said.

I smirked then bowed slightly at tuluyan ng umalis ng entablado leaving them with such unbelievable expressions.

"Ate Melody, ang astig mo kanina!" tawang-tawang sabi ni Carol habang ngumunguya ng patatas. Kasalukuyan kaming nasa Dining Hall kumakain ng hapunan.

"Eww, Carol! Kumain ka ng maayos. Parang di ka babae!" maarteng sabi Rhianna. Inirapan lang ni Carol si Rhianna at natatawa na lang sina Jazzlyn at Adelaide.

Pailing-iling na lang ako habang tahimik na kumakain ng paborito kung ulam habang maiging pinapakinggan ang isang kantang pumapainlang sa buong Dining Hall.

The Lost MelodyWhere stories live. Discover now