Melody 32 : Plan

2.9K 158 35
                                    

Plan

Nakayuko ang ulo ko at nakadapa sa sementadong daan habang sumisilip sa nakaawang na bakal na gate papunta sa loob ng tore. Pawisan ang aking noo.

Pahirapan ang pagpasok dito sa loob. Dumaan ako mismo sa tarangkahan. Pero bago 'yan, kinakailangan kong tumawid sa bakal na tulay. It's disgusting actually. Punong puno ng mga ahas ang hawakan ng bakal ng tulay.

Nakatawid ako. Paano?

Alangan naman na rumampa ako? Tumakbo talaga ako ng mabilis. Nakagawa man ng ingay, binilisan ko talaga. At alam kong naramdaman iyon ng mga nagbabantay na halimaw.

Halos muntikan pa akong makagat. Sht. I really hate snakes!

Napangiwi ako.

Hanggang ngayon nasusuka ako kapag naaalala ko ang mga ahas na nakapulupot sa mga buto.

Sa ngayon, hindi na mabigat ang pakiramdam ko, hindi ko alam kung ano'ng klaseng likido ang binigay sa akin ng babaeng nakamaskara ng itim na bakal. Pero nang dahil sa likidong iyon ay gumaan ang pakiramdam ko.

Para akong lumaklak ng isang litrong pampalakas ng katawan. Hinawi ko ang buhok kong tumatabing sa aking mukha.

Tumingala ako sa itaas.

Marami parin ang lumilipad sa ere. Mga itim na usok na para ba silang mga kamatayan na naghihintay ng kaluluwa na maihahatid sa impyerno.

Napamura ako nang makita kong bumilis ang pag-lipad nila paikot-ikot sa buong palasyo. Tila natataranta.

Muli kong tiningnan ang kalangitan na naghahalo sa kulay itim at na may kaunting kulay lilang ulap. Kahit papano ay maliwanag parin ang buwan. Bloody hell!

Malapit na ang bukang liwayway. Kailangan ko ng makapasok!

Huminga ako ng malalim nang makita kong pumasok ang lahat ng alagad ng reyna sa loob ng palasyo. Tila may nagtawag sa kanilang lahat kasama na rin mismo ang mga nagbabantay dito sa labas malapit sa loob ng tore.

Kumunot ang noo ko.

Hindi kaya alam ng reyna na nandito na ako? I mean, she's powerful. Maliban sa pagnanakaw nito ng mga binigay na giftings ni Harmony sa mga taga-Mellodian, nababalutan parin ito ng kademonyohan. Kaya malakas ito. She's still a devil...the hell!

Hindi dapat ako makampante. Matalim kong tiningnan ang loob ng tore.

My plan is to get my parents out of here. At iyon nga ang gagawin ko.

Inipon ko ang hangin sa aking baga kahit na masangsang ang amoy sa paligid. Mabilis akong tumayo at tumakbo papasok ng tore.

Umakyat ako sa paikot na hagdan na bato pataas. Sa loob ng tore, pinapalibutan ito ng lumulutang na bolang apoy. Madilim sa loob ngunit sapat na ang bolang apoy upang magsilbing ilaw ko sa aking pag-akyat. Creepy. Pero kailangan kong maging maingat. Wala akong superpowers para hindi isipin ang aking kaligtasan. Iniisip ko parin kung aatakehin ako ng mga bolang apoy.

Humakbang ako. Inobserba muna ang paligid. Hindi naman gumalaw ang mga bolang apoy. Hanggang sa nawala ang mga apoy. Kinabahan ako agad pero kumilos parin ako.

The Lost MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon