Melody 23 : Winter Wonder Ball (Part 4)

3.3K 158 9
                                    

Winter Wonder Ball (Part 4)


"Aalis kaming tatlo para sa paghahanap ng Mystic Harmic sa buong Harpion City , Binibini." Magalang na imporma ni Poppie. Nakatayo kami ngayon sa pinakagilid na bahagi ng Dance Hall. Marami parin ang nagsasayawan. Pero hindi na ganun kaingay, puro romantic songs na lang ang pumapainlang na musika sa bawat sulok ng Dance Hall.

Kumunot ang noo ko at humalukipkip. "Akala ko ba sama-sama tayo sa paghahanap?" Iiwan nila ako dito? No way!

"Hindi sa ganun mortal! Aba! Kailangan parin namin ng magbabantay sa Sacred Chamber of the Stone, paano na lang kapag umiilaw ito habang wala kami?"

I scratched my nose in annoyance. "Paano ko mababantayan iyon kung may pasok ako? I mean, hindi ba sila maghihinala? What if may mga nakapasok palang espiya sa MSM? Tapos mapapansin nila na iisang lugar lang pinupuntahan ko.." iritableng kung tanong.

"Wengya! Nagsasalita ka na naman ng langwaheng hindi ko maintindihan. Ano na naman ang MSM?" nakapameywang na tanong ni Lila sa akin.

If you could see her face, she's really stunning, lalo na kapag hindi ito nagpalit ng anyo bilang isang bubuyog..I mean,pagiging Julam o fairy. Nakakabawas lang sa ganda nito ang bibig niyang sobra sa kadaldalan.

"Linawin mo mortal!" inis nitong sambit sa akin.

"Lila!" awat ni Poppie at Prima.

I sighed loudly. "Mellodia's School of Music iyon! Hindi ba pwedeng sumama talaga?" tanong ko ulit.

Bumuntong hininga si Prima. Lumapit ito sa akin. "Maari kang sumama sa susunod na paghahanap kapag wala tayong nahanap dito sa Harpion City...pero sa ngayon, kami muna." Malumanay nitong paliwanag.

"Tama! May pakpak kasi kami, mortal!" sabi ni Lila. Nakangiti ito ng nakakaloko.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Eh ano ngayon?"

Nagsukatan kami ng tingin.

Marahas na huminga si Prima at pinaghiwalay kami ni Lila. "Lila, igalang mo pa rin si Binibining Melody, anak pa rin siya ng dalawang Keepers."

Ngumuso si Lila. "Siya ang pagsabihan mo." Bulong nito pero narinig ko pa rin iyon.

Pailing-iling na bumaling ng tingin si Poppie sa akin. "Binibining Melody, maraming salamat sa pagtulong niyo po." Bowing his head slightly, he says quietly.

I shrugged. "Do what is best." Nagpaalam na ang tatlo, para ipaalam sa Hari at Reyna ang tungkol sa kanilang paghahanap bukas.


-

Nakasandal lang ako sa pader habang pinagmamasdan ang mga nakaupo sa elevated throne.

Nakaupo ang Hari at Reyna, kasama ang mga anak nila habang kinakausap ng seryoso sina Poppie, Lila at Prima.

Napadako naman ang tingin ko sa mga Elders. Nakaupo ang mga ito sa malapad na lamesa sa gilid ng Royal Family. Nakita kung nag-uusap sina Morgana Leif at Orca Ceda, samantalang ang mga kasama nilang ibang Elders ay tahimik lang na nanonood sa mga nagsasayawan sa Dance Hall.

Halatang wala sa mood.

"Mellodian students! May I have your attention please!" napatigil ang lahat at ibinaling nila ang kanilang mga mata kay Lady Greta Suarez.

"After the performance of Nick Ed, our last performer for tonight would be..."

"Princess Stanza Hawkins of Tokkata City."

The Lost MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon