Melody 12 : Just A Dream

2.7K 166 4
                                    

Just A Dream

Nakakunot ang aking noo habang naglalakad sa kahabaang hallway ng paaralan. Nasa lower ground ako at kanina ko pa hinahanap sina Prince Lark at Alto. Oras na kasi ng uwian. Pero hanggang ngayon hindi ko parin sila nakikita.

Halos lahat ng mga estudyanteng nakakasulobong ko ay hindi makatingin sa akin ng diretso. Iba akong magalit. Kapag galit talaga ako ay lahat idadamay ko. Kaya naka 'don't mess with me' look ako ngayon.

"Ate Melody!!" isang nakakabinging tili ang narinig ko mula sa likuran ko. Lumingon ako nakita ko sina Carol kasama na ang mga kaibigan nito. Malapad ang ngiti nitong nagtatakbo papunta sa akin.

Niyakap niya ako ng mahigpit. "I miss you ate!" bahagya akong nanlambot at niyakap ko rin siya ng mahigpit. She's so cute!

"Kumusta?" tanong ko sa apat. Nakalapit na rin sina Jazzlyn, Rhianna at Adelaide. Nakangiti silang lahat sa akin.

"Ate Melody! Diba magpapractice pa tayo para sa spell for the Lola of Adelaide?" conyong tanong ni Rhianna.

Muntik ko na rin makalimutan ang napag-usapan namin. Tiningnan ko si Adelaide. Bakas sa putlang mukha nito ang panghihina.

Since hindi ko naman mahanap ang mga prinsepe, sasamahan ko na lang muna ang mga bata. Pampatanggal ng stress!

"Okay. Saan tayo?"

Niyaya ako nina Adelaide pumunta sa Music Room kung saan ko nakita si Carol dati. We're in the Music Room of the First Year Level.

Hindi ko pa alam kung ano ang instrumentong ginagamit ni Adelaide kaya I'm not sure if I can help her. Umiling ako. Ano nga ba ang maitutulong ko?

Nakita kung tumayo si Adelaide sa platform ng music room. Itinaas nito ang palad at saka nagchant ng hindi ko maintindihang salita. Doon ko lang napagtanto na may lumabas mula rito na isang violin.

Isang napakagandang violin.

Nagsimula na itong tumugtog. Napangiwi ako nang marinig ko sa kanyang tugtog ang hindi kaaya-ayang tugtog. Napakasakit sa tenga! Bahagya rin sumikip ang tibok ng puso ko. It was like I am hurting inside kahit wala naman akong ginagawa. I can feel the pain!

That's what Adelaide's doing because of her emotions kaya ganito ang resulta ng kanyang tugtog.

Nakita ko rin na napatingin sina Carol, Rhianna at Jazzlyn sa akin na para bang humihingi ng tulong. Alam ko rin na nararamdaman nila yung sakit sa bawat tugtog ng violin ni Adelaide.

"Adelaide, stop!" I said firmly. Tumigil naman ito.

Napaupo ito at umiiyak. "I-I can't do it!" humagulhol ito ng iyak.

"Don't say that Adelaide, wag kang umiyak!" pagalit kung sabi. This time, parang ate talaga ako na pinapagalitan ang bunsong kapatid.

Humihikbi itong tumingin sa akin. "I-I can't"

"No." umiling ako. "You can!"

Mas lalo ko pang nakikita ang pamumutla sa mukha ni Adelaide. I can almost feel the coldness of her skin. Nawalan ito ng malay at bumagsak sa balikat ko.

"Adelaide!!!"

Nasa clinic na kami ng school. Nakauwi na rin sa mga dorms sina Jazzlyn, Carol at Rhianna. Ako muna ang nagbantay tutal hindi pa ako nahahanap ng mga magagaling na prinsepe.

Tss.

Pinagmasdan ko lang ang mapayapang pagtulog ni Adelaide. She's small like Carol at putlang putla ito. Malala na rin ang lagay nito dahil sa sobrang panghihina. Nauubusan ang bata ng lakas.

Bahagya kung narinig ang impit na luha ni Adelaide na para bang nananaginip ng masama.

"Lola! Lola!" rinig kung sambit ni Adelaide.

Naalala ko noong bata ako na lagi akong kinakantahan ni Mama kapag may mga nightmares ako. Nataranta naman ako. Ngayon ko lang gagawin ito dahil nakakaawa ang sitwasyon ni Adelaide. Her skin is too cold. Kasing puti na nito ang nyebe. Nakikita ko rin na para bang habol ang hininga nito na para bang nasa marathon.

Hinawakan ko ang noo nito at wala na akong ginawa kundi subukan na pakalmahin si Adelaide.


ADELAIDE's Point Of View

"Lola! Lola!" hinahabol ko ang Lola ko pero hindi ko siya kayang abutin dahil nakalutang ito sa ere kasama ang mga nakaitim na mga alagad ng Dark Queen. Hindi ko maanigan ang mukha ng mga nakasuot ng kapa.

Hinahabol ko sila pero hindi ko talaga kaya dahil sa sobrang panghihina. It felt like I was dreaming. But this is dream right? Inilabas ko ang aking violin as I chant the magical words para mapalabas sa mga kamay ko ang regalo ng Goddes of the Music na si Harmony.

Nagsimula akong tumugtog pero parang walang lumalabas na tunog. Nagulat na lang ako na parang nagdilim ang paligid at tanging sarili ko lang ang nakikita ko. Pakiramdam ko naging bingi ako.

Tahimik. Sobrang tahimik!

"Isuko mo na ang iyong 'musical gift' sa akin Adelaide." Boses ng babae ang narinig ko mula sa likuran ko pero wala akong nakikita. Sumakit ang dibdib ko.

"Argh!" naninikip ito na para bang kinakapos ako ng hininga.

"Ibigay mo na kapalit ng iyong Lola." Malamig na sabi ng Dark Queen.

I can't see her. Now that she mentioned my Lola, hindi ako nagdalawang isip na ibigay ang 'musical gift' kahit ikamatay ko pa ito.

Nagpakita ang Dark Queen but I can't see her face. Mga kamay lang nito ang nakikita ko sa dilim.

"Now give it to me."

I smirked. "Give my Lola first."

"Hahahaha!" isang nakakakilabot na tawa ang pumapainlang sa paligid.

"Napakatalino. Masusunod." Sa isang iglap nakita ko sa paningin ko si Lola na nakalutang sa madilim na paligid. Parang isang bangkay na ito na putlang putla na.

"Lola! Lola! Ano'ng ginawa mo sa kanya?" galit kung tanong sa Dark Queen but I can't see her. Naririnig ko lang ang malademonyong tawa nito.

"I changed my mind. Ibigay mo ang iyong 'musical gift' na bigay ni Harmony kapalit ng buhay ng iyong Lola! Hahaha!"

Nasapo ko ang dibdib ko sa sobrang sakit. Hindi ako makahinga.

"O-ok." Wala na akong ibang choice kundi ang ibigay ang kailangan nito kapalit ng buhay ng Lola ko.

Akmang ibibigay ko na sana ang violin ko nang makaramdam ako ng panlalamig sa buong katawan. Parang may humahaplos sa buong katawan ko. Sobrang sarap sa pakiramdam. Unti-unti akong nakakahinga ng maluwag. Ang lamig!

Isang tinig. May tinig akong naririnig.

Pamilyar ang napakagandang tinig na iyon.

Napapikit ako ng mata nang masilaw ako sa liwanag.

Kasabay nun ang pagmulat ko ng mata at si Ate Melody ang nadatnan ko na nakatulog sa gilid ng aking kama.

Isang panaginip lang ang lahat.

The Lost MelodyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant