Melody 21 : Winter Wonder Ball (Part 2)

3.2K 166 26
                                    

Winter Wonder Ball (Part 2)

Poppie's Point Of View

Nanlalaki ang mga mata kung pinagmasdan ang Sacred Chamber of the Stone.

'Eroblium ploumbe' I chanted bago pa man ako makababa mula sa pagkakalipad.

Lumaki ang buong katawan ko at humihingal na patakbong lumapit sa mahiwagang bato.

Saglit lang umilaw ang bato at ang buwan na kumukonekta sa isa't-isa.

Iisa lang ang ibig sabihin nito. Nandito na ang Mystic Harmic!

Pero sino? Wala naman nagtatanghal kanina sa Great Hall. Posible kayang si Prinsepe Lark?

Kailangan kung makasiguro bago pa maunahan kami ng Dark Queen.

"Poppie!!" rinig kung sigaw nina Lila at Prima. Nagpalit anyo ang dalawa na mula sa pagiging Julam.

"W-we can't trace t-the Mystic Harmic." Mahinang sambit ni Prima habang hinihingal itong pinagmasdan ang buwan at ang Sacred Chamber of the Stone.

Nakapameywang naman na lumapit sa akin si Lila. "Poppie, umilaw ba?" tanong nito.

Nagbuga ako ng hangin at tumango. "Yes but before I landed here, nawala agad ito." Malungkot kong tugon.

Kumunot ang noo ni Lila. "Hmm. So, it means nandito na nga ang matagal na nating hinihintay!" she exclaimed as she raised her hand and wave it in circular motion.

Nagpagkawala ito ng isang mahika.

Naramdaman kung umihip ng malakas na hangin papunta kay Lila at unti-unting lumalapit ang mga dahon sa kanya. She's forming a circle, paikot-ikot ang pagkumpas nito ng mga kamay dahilan para sumunod dito ang mga dahon sa kanya.

"What are you doing?" I asked, frowning.

I don't get it but she just winked at me while smirking. "Since nandito na ang Mystic Harmic, kailangan na nating mahanap agad ito. Ang mga dahon na ito ang magsisilbing mga tenga ko upang marinig ang mga boses o musika na kakaiba sa aking pandinig sa buong Harpion City. Sa ngayon, hindi ko pa kayang palawakin ang kapangyarihan ko kaya hindi ito aabot sa kabuuan ng buong lupain ng Mellodia."

Sumang-ayon naman si Prima. "Dito muna tayo sa Harpion City maghahanap dahil nandito mismo ang mahiwagang bato."

Tumango na rin ako bilang pagsang-ayon at binalingan ng tingin si Lila. "Alright, then do what is best Lila."

Lila smiled at me at ipinagpatuloy nito ang ginagawa nitong orasyon.

Nakakamanghang pagmasdan ang liwanag na nagmumula sa kulay gintong dahon ni Lila.

Nakita kong itinaas ni Lila ang dalawa nitong kamay at pumalakpak ito ng dalawang beses hanggang sa isa-isang naghiwalay ang mga dahon patungo sa iba't-ibang direksyon.

Humarap ito sa amin at humihingal na sumandal ito sa pader na malapit. "Y-yan na muna sa ngayon. Pero kailangan parin natin suriin ang bawat mga estudyante o mga taga Mellodian na napunta dito sa Harpion City."

Napatigil ako. Minsan talaga pagdating sa ganitong bagay ay seryoso si Lila pero mas madalas ang pagiging madaldal nito kaya naiingayan ako minsan.

I smirked. "Okay, we need to go back. Baka nandun mismo sa Winder Wonder Ball ang Mystic Harmic."

"What if, bisita lang ito galing sa ibang lugar at hindi taga-Harpion City?" tanong ni Prima na nagpatigil sa akin.

Nakapamulsa akong humarap sa malaking bato at pinagmasdan ang mga simbolo at ang pigura ng babae na nakaukit sa malaking bato.

The Lost MelodyWhere stories live. Discover now