Melody 27 : Harpion Station

3.2K 154 19
                                    

Harpion Station

I placed my hood over my face. Inayos ko ang bag pack kong dala. Humalukipkip ako at pinagmasdan ang mga dumadaan sa aking harapan. Narinig kung tumunog ang malaking kampana sa buong Harpion Station. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng tunog na iyon at mas lalong wala akong balak na alamin pa.

Walang ganang pinapanood ko ang lahat ng naglalakad sa paligid. May mababagal ang mga kilos, meron din ang ilan na umiiwas at parang ayaw mahawaan sa mga napapansin nilang nangingitim ang ilalim ng mga mata.

May ilan din na umiiwas ng tingin sa akin na para bang naapektuhan na ako ng unos. Inirapan ko lahat. May eyebags kasi ako. Duh.

I sighed. Hindi ko alam kung maawa ba ako o hindi. I mean, they don't deserve this!

But in the end, kasalanan pa rin nila kung bakit nagpabaya sila sa kani-kanilang mga sarili. They must fight. Duh. Kung alam nilang mababawi sa kanila ang pinakamahalagang bagay na binigay sa kanila. Dapat ipaglaban nila ito!

They just need to learn how to value the musical gift na ibinigay sa kanila ni Harmony, the goddess of music.

Hinawi ko ang ilang takas na hibla ng aking buhok na tumatabing sa aking mukha upang makita ang nasa aking harapan. Kapag talaga mahanap namin itong tinutukoy nilang Mystic Harmic, humanda sa akin 'yang Reyna ng Kabiteran sa mundo! 

Ipapatikim ko sa kanya ang mag-asawang sampal ko!

I smirked. I should be ready by now. Hmm.

"Nababaliw ka na talaga, may binabalak ka na naman no?" narinig kong sabi ni Lila sa akin. Nagkatawang tao ang tatlong Julam ngayon.

Umirap lang ako sa kanya at hinayaan siyang magsalita ng kung anu-ano. Hindi ko man lang namamalayan na nasa harapan ko na pala ito.

Isa pa ito eh, kapag nakahanap talaga ako ng baygon, uubusin ko lahat ng laman para mawala ang kadaldalan ng ipis na ito!

Umirap ulit ako sa kanya at ganoon din ang ginawa ni Lila sa akin. Nag-iwas na lang ako ng tingin at tinuon ang atensyon sa mga dumadaan sa Harpion Station.

Ito ang araw ng paglalakbay namin para sa paghahanap ng Mystic Harmic. Kailangan lang namin sumakay ng tren papunta sa Chanson City.

Marami ang nagsisiuwian ngayon na estudyante dahil nagsimula na ang Winter Break. It's crowded here. Medyo lumalamig na rin ang panahon ngayon. May snow kaya dito? Malamang naman siguro.

Naramdaman kong tumabi sa akin si Kapitan Theo. Yes. He's with us. Napansin kung hawak-hawak ulit nito ang espada. Seryoso talaga ang palasyo na pabantayan ako ha.

Mukha ba akong gagawa ulit ng gulo?

Nakasulat na ba sa noo ko ang salitang "Troublemaker"?

Well hell! I don't care! I'll do what ever I want!

They're just blinded. Iyan ang problema.

Hindi na ako magtataka kung bakit kalahati ng papulasyon dito sa Harpion City at sa buong lugar ng Mellodia ay parang mga zombie na walang musika sa puso habang unti-unti na silang nawawalan ng buhay.

May mali sa lahat! Masyadong nagtitiwala ang palasyo sa mga maling tauhan.

I smiled bitterly. I won't say anything until I prove it. Mahirap na. Baka kapag nagsalita ulit ako ay ipapalabas na naman na ako ang kontrabida sa kanilang lahat! Damn. I need to be sure. Hindi lang ang Dark Queen ang may pakana. Maraming butas sa kwento. There's something wrong.

"Saan ka nagpunta kahapon?" Tumingin ako kay Kapitan. He speaks with the annoying smirk plastered on his face. I roll my eyes. Kating-kati na akong suntokin ang lalakeng ito eh! 

The Lost MelodyWhere stories live. Discover now