Chapter 36 : The beginning of the end

1.9K 101 13
                                    

The beginning of the end

"Ms. Melody." halos mapatalon ako sa gulat nang tinapik ako ni Ana. Isa sa mga staff ng production. "Magsisimula na po." nahihiya nitong sabi.

Tumango ako at alinlangang ngumiti.

Nasa gilid ako ng stage at naghahanda na sa susunod kong performance.

Katatapos lang ng performance ng front act. May pumasok na dalawang babae sa back stage. Nakangiti sa akin ang isang babae. Mabilis itong lumapit.

She has a wavy light brown hair just below her shoulder wearing boots, silver eyeshadow and smokey eye matching her silver dress to compliment her olive skin.

"Melody!!" yumakap ito sa akin. Nakangiti at naiiyak.

Hindi ako nakasagot dahil sa pagkabigla. "H-Hello." tipid kong ngiti.

"Sabi ko na nga ba eh, malayo ang mararating mo!" naiiyak nitong sabi. Nagkunwari akong natutuwa kahit na nagtataka ako sa mga sinasabi ng babae.

Hinawakan niya ang kamay ko pero pasimple kong tinatanggal ang mga kamay nito.

"Ms. Melody, ikaw na po!" tawag sa akin ng isa sa mga staff. Nakahinga ako ng maluwag.

Binitawan ko ang babae. Nagpaalam ako. Pero hinarang ako ng isa pang babae. She wears an ash black shimmery silver eyeshadow matching an all black dress na hanggang tuhod at black high boots. Maputi ito at itim na itim ang buhok. Nakasimangot ito sa akin.

"Uh. Excuse me!" nagmamadali kong sabi. Naririnig ko na sa buong coliseum ang pangalan ko.

Mas lalo itong sumimangot. "Whatever. I'm still the winner!" supladang sabi nito sa harapan ko.

Problema nito?

Tinaasan ako ng kilay. Umiling na lang ako at huminga ng malalim. But I can't stop watching those weird girls.

Tinaasan ako ulit ng kilay ng babae.

She flips her hair at tumalikod na. "Let's go Klaine!" maarte nitong tawag. Sumunod na rin yung isang babae.

Ngumiti ito sa akin at nagmamadaling sinundan ang kasama. "W-Wait! Natasha!!"

Napatigil ako.

There's really something very familiar about them. Sinubukan kong isipin ang lahat.

Ngunit sa huli ay bigo ako. Sumakit lang ulo ko sa kakaisip. Napalingon ulit ako sa dalawa.

"Kailangan ko na magpa-facial ulit. May shooting pa ako bukas, paniguradong blockbuster iyon... I'm sure!" maarteng pagpaparinig ni Natasha.

May mga lumapit na staff sa kanila para alalayan ang dalawa. Patuloy pa rin sa pagpaparinig si Natasha.

That voice.

"Napakaeskandalosa mo talaga!" narinig ko pang sabi ni Klaine. Lumingon ito sa akin.

I was about to follow them when Lizette told me to be ready, habang nagsasalita si Lizette, ang mga mata ko'y nakasunod sa dalawang babae.

"Go! Hinahanap ka na sa stage!" natatawang sabi ni Mamita. Wala sa sariling tumango ako at lumabas na. Nagsigawan ang lahat at doon na nagsimula nang tumugtog ang mga banda.

Kumaway ako sa lahat nang tumama ang ilaw sa aking mukha. I greeted them all!

Fans are getting wilder and wilder. Nagulat ako sa mainit na pagtanggap nila sa akin. Sumayaw ako at kumanta. Nagkakagulo na ang lahat. May mga tarpaulin akong nakikita na puro pangalan ko ang nakasulat.

The Lost MelodyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang