Melody 5 : The Reasons

3.2K 163 6
                                    

The Reasons

"Bakit daw ako pinatawag?" tanong ko kay Lola Arce. Kanina lang niya sinabi ang pangalan niya nung sinundo niya ako papunta sa Hari at Reyna. As usual, nakasuot parin ito ng cute na apron na may musical note na design.

Hindi ito umiimik. Sinunsundan ko lang siya nung lumiko ito at humarap sa dalawang malapad na pintuan.

Pagbukas nito bumungad sa akin ang madilim na kwarto. Natatakpan ang buong kwarto ang malalaking bintana ng malalaki at makakapal na kurtina. Kulay berde ang karpet at naamoy ko mula dito sa pintuan ang mga libro.

Naaanigan ko dito ang lumang lalagyan ng mga makakapal na libro. Napaawang ang bibig ko.

May spiral na hagdan sa bawat sulok. Isa nga itong library!

Tatlong palapag ito.

Ito na ata ang pinakamalawak na library na nakita ko sa buong buhay ko.

Hindi ko naman namalayan na iniwan na pala ako ni Lola Arce sa loob ng library. Naramdaman ko naman sa isang sulok na may anino doon na tumayo at palapit ito sa akin ngayon.

"Melody!" masayang bati ng Reyna. Up until now hindi ko pa alam ang pangalan nito. Maputla parin ang Reyna.

"Y-your majesty!" I exclaimed.

She smiled at me and I wasn't sure if I'd addressed her properly. She's wearing her robe. Mukhang kagigising lang rin nito.

"Hindi pa pala ako nakapagpakilala sayo. I'm Bell."

Bell? As in Bell? Bell Tower sa Ilocos? Bell sa school namin? Bell sa simbahan?

Queen Bell giggled and she was pleased or she was amused at my ignorance.

"Q-queen Bell is a nice name!" bulalas ko na patango-tango. What the hell, Melody!

"Maraming salamat!" sabi nito. Iginiya ako paupo sa isang sofa kaharap ng malaking bintana. Maliwanag na sa labas ng palasyo pero tanging buwan lang ang nagsisilbing liwanag nito. Hindi pa naman gabi. Wala lang silang araw. Buwan lang ang meron sila.

I shrugged my shoulders, looking outside the window. Namimiss ko na ang dating buhay ko. This is not normal anymore.

"Melody..kamukhang kamukha mo talaga ang mama mo." Queen Bell was examining me and a small smile playing across her lips.

Nakaramdam tuloy ako ng lungkot. Naalala ko na naman ang pait. "S-sabihin niyo po sa akin mahal na reyna. Sino po yung kumuha sa mga magulang ko?" I cleared my throat. Pinagmasdan ko lang ang maamong mukha ng reyna. Waiting for her answer.

Unti-unting nawala ung ngiti sa mga mata ng reyna at napalitan ng nangingilid na luha.

"Ang mga magulang mo ay isa sa mga anim na Keepers ng Sacred Book of the Goddess of Music ng Land of Mellodia." Paliwanag nito. Land of Mellodia? Sacred Book?

Kumunot ang noo ko pero nanatili parin nakakatitig sa reyna. Mukhang nabasa naman ng reyna ang tanong ko sa isipan.

"Musika ang sentro ng Land of Mellodia. Nasa kabilang mundo ka Melody. Dito nakatira ang mga magulang mo. Kinailangan lang nilang umalis dito para hindi sila mahanap ng Dark Queen, pero huli na pala ang lahat." Sabi nito.

I knew it.

"Ang Sacred Book ay pagmamay-ari ni Harmony ang goddes of Music. Ibinigay nito sa isang makapangyarihang pinuno dati ng Land of Mellodia na si Lord Selah, marami ang nagsasabi na si Lord Selah ay katawang tao ni Harmony"

"Nasaan na po si Lord Selah?" Takang tanong ko.

"Matagal ng patay si Lord Selah. Namatay ito sa digmaan sa panahon ng unang Hari at Reyna ng Land of Mellodia. Kalaban nito ang Dark Queen na hanggang ngayon ay buhay parin. She's an immortal. Maraming nagsasabi na ito ang katawang tao ng 'god of silence' Buhay pa rin ito hanggang ngayon dahil sa isang propesiya. Ang Sacred Book ay naglalaman ng iba't ibang uri ng mahika. Hindi nakuha ng Dark Queen ang sacred book sa panahon ni Lord Selah dahil bago pa nangyari ang digmaan, tinipon ni Lord Selah ang anim na keepers ng Sacred Book. "

Malungkot parin itong nakatitig sa akin.

"Dumaan ang ilang siglo hanggang sa dumating ang panahon namin para sa pangangalaga ng Sacred Book. Pero sa panahon namin ay naging pabaya kami. Akala namin hindi na babalik ang Dark Queen, pero nagkamali kami. Naging kampante kami at nakuha ang Sacred Book ng walang hirap."

"A-ano po ba ang meron sa Sacred Book?"

"Nakalagay rin dito ang nakakamatay na musika. Isang god of silence ang kumukontrol sa Dark Queen. Nakakamatay ang musika nito."

I frowned. Nakakamatay na musika? May ganun pala.

"Kung wala ang musika sa Land of Mellodia, magugunaw ito at mawawala.Lahat kami ay mamatay o mawawala ang musika sa puso namin. Musika ang buhay namin Melody, kung wala ito - wala na rin kaming buhay at hanggang ngayon ay unti-unti kaming nanghihina dahil sa kagagawan ng Dark Queen."

Kaya pala namumutla ang mga ito. Pero ano kaya ang mga dark aura na nakapalibot sa mga buong katawan ng mga naninirahan sa labas ng palasyo?

"Siguro nakita mo na rin mga taga-Mellodian sa labas ng palasyo na may kakaibang aura. Lahat ng nakikita mong maiitim ang mata at napapalibutan ng dark aura ay mga wala ng instrumento. Patay na ang musika sa puso nila. Kinuha iyon ng Dark Queen. Kinukuha niya ang mga musika sa puso ng bawat Mellodian para maisakatuparan niya ang kanyang minimithing misyon. Pero hindi siya lubusang magiging malakas hangga't hindi niya nahahanap ang isa sa mga nagtataglay ng kakaibang lakas na binayayaan ng Goddess of Music na si Harmony. Hindi ko alam kung naisilang na ang tagapagligtas na nabanggit sa propesiya." Pinisil nito ang kamay ko.

"Lahat ng taga Mellodia ay may sari-sariling kakayahan sa paggamit ng instrumento. Kapag pinanganak ang isang Mellodian binibigyan ni Harmony ng isang regalo ang bawat sanggol. Lahat ng instrumento dito ay katulad din ng instrumento sa mundo ng mga tao pero ang kaibahan lang ay may mahika ito at ito ang nagsisilbing buhay namin. Ang Land of Mellodia ang tagabantay ng musika sa mundo ng mga tao." she paused for a while.

"Kinuha ng Dark Queen ang Sacred Book dahil gusto niyang gumawa ng isang musika kung saan mapapasunod niya lahat ng nasasakupan niya pati na rin ang mundo ng mga tao. Kailangan niya ng mas malakas na kapangyarihan para masakop ng tuluyan ang lupain ng Mellodia at ang mundo ng mga tao." pagpapatuloy nito.

Kaya pala sobrang pangit ng narinig ko mula sa flute ng kumidnap sa mga magulang ko.

Pinisil nito ang mga kamay ko. "Nanghihina na rin kami Melody, sa tingin ko unti-unti na rin kaming nawawalan ng lakas. Pero hangga't hawak namin ang regalo ng goddess of music ay mananatili sa puso namin ang musika. Musika ang buhay namin Melody, kung wala ito ay parang namatay na rin kami. Ang mga magulang mo Melody ay nadakip ng Dark Queen dahil silang dalawa ang pinakahuling miyembro ng anim na keepers ng Sacred Book."

My eyes burned with unshed tears and I felt like screaming "Ano ang kailangan ng Dark Queen sa mga keepers? Sa mga magulang ko?" matigas kong tanong.

Bumungtong-hininga ang reyna at malungkot na tumitig sa akin. "Only the six keepers can read the rituals of the sacred book. Sila lang makakapagbukas ng libro kaya kailangan sila ng Dark Queen. Believe me Melody, mga kaibigan namin sila ng Hari. Nakakalungkot lang dahil kailangan pang mangyari ang lahat ng ito." Naiiyak nitong sabi.

Dammit! I almost curse that music and that Dark Queen or the god of silence!

"Saan mahahanap ang Dark Queen na yan?" asik ko. Alam kong medyo bastos pero hindi ko mapigilan ang magalit. Gusto kong magwala. Gusto kong isisi sa kanilang lahat ang kapabayaan nila!

She held my hand. "Nasa kabilang dimension ito Melody, isang lugar kung saan tahimik at walang liwanag."

"Paano makakapunta doon? Kailangan ko ng puntahan ang mga magulang ko. B-baka kung ano ang mangyari sa kanila." Naiiyak akong napahilamos sa mukha ko.

"Hindi rin namin alam." sagot mula sa mababang boses. Napatingin kami sa pintuan ng library kung saan nakatayo ang Hari.

Umiiyak si Queen Bell na lumapit sa kanyang asawa. "Allegro!"

Sinalubong ng yakap ng hari ang kanyang reyna. I feel my tears begin to fall from my eyes as I watched them.

Ma, Pa!

The Lost MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon