Melody 31 : Save them

2.6K 166 36
                                    

Save them

The scent of rain is dark and heady. I adjusted my eyes from the light of the lamp post. The rain was very light. Nakikita ko ang maliliit na pagpatak ng ambon sa likod ng ilaw. Pumikit ako ng mariin nang kumirot ang sentido ko.

I took a deep breath and opened my eyes. Malakas ang ihip ng hangin, tila hinihila ako nito pabalik sa palasyo.

At ang mga dahon ng puno sa gilid ng daanan ay marahas na sumasayaw. Umuungol na para bang nakikipaglaban sa pwersang binibigay ng hangin.

Mabibigat ang binitawan kong paghinga habang mabilis ang ginawa kong paglakad palayo. Napatigil ako sa paglalakad nang maanigan ko sa malayo ang paparating na karwahe.

Tumakbo ako pakanan at nagtago sa likod ng puno. Naghintay ako ng ilang minuto nang lumagpas ang karwahe.

May mga nagroronda sa palasyo sa mga ganitong oras. Napalingon ako sa aking likuran. Puro mga matatayog na puno at iba't-ibang klase ng halaman ang nasa bandang pa-hilaga.  Madilim pero kailangan kong dumaan sa hindi masyadong naiilawan. This is my second option. Ang dumaan sa likuran ng palasyo. Paniguradong maraming nagroronda ngayon dahil na rin sa nalalapit na kasal.

Parang may dumaan na kirot sa dibdib ko nang maalala ko ang pinagkakaabalahan ng palasyo. The three Julam is busy, samantalang sina Carol ay hindi ko pa nahahagilap. Nakakausap ko naman sina Piper at Harper pero ganoon din sila, abala sa pagtulong sa kaligtasan ng buong Mellodia habang abala ang lahat sa nalalapit na kasal.

Napaubo ako at nakaramdam ng hilo.

Pinuno ko ng hangin ang aking baga, pagkatapos ay marahas akong bumuga. May kaunting hamog na sa dinadaanan ko. Niyakap ko ang aking sarili habang lumalakad. Iniisip ko kung ito ba ang dinaanan ko noon.

Nang nakarating kami dito sa Harpion City, sinubukan kong alamin kung may iba pa bang madadaaan palabas ng palasyo. Buti na lang, nakita ko ang mga mangangasong dumadayo pa dito sa palasyo upang magbigay ng regalo sa nalalapit na kasal nina Lark at Stanza.

Nang pauwi na sila, sinundan ko sila at nalaman ko ngang may iba pa palang daan palabas kahit hindi ka na dadaan sa pinakatarangkahan ng palasyo. May mga maliliit na bahay sa pahilaga kung saan ko balak magsimula sa paghahanap sa aking mga magulang.

Napatingin ako sa madilim na parte ng gubat. I'm not sure kung tama pa ba itong daan na pinupuntahan ko ngayon. Basta ang alam ko, may palatandaan ako kapag malapit na ako sa dalampasigan. Kailangan ko lang hanapin at alalahanin kung saang direksyon ko iyon nakita.

Natatandaan ko na kinakailangan ko pang tumawid ng dalampasigan mula dito sa gubat, sa likod ng palasyo upang makarating pababa ng gubat pahilaga.

Nakarinig ako ng ingay sa paligid. Mga yapak at sigawan. I quickly turned back around and put the hoodie of the cloak over my head. Tumakbo ako ng mabilis. Adrenaline rush was rushing through me.

"Dali! Hindi pa siya nakakalayo!"

Shit. I knew it. Paano nila...

Napaigik ako nang nadapa ako sa lupa. My face was almost kissing the mud. Nanginginig ang tuhod ko nang sinubukan kong tumayo. Inayos ko ang suot kong itim na balabal.

I checked the map inside of my pocket, maayos pa naman. Napamura ako nang puno ng putik ang aking dibdib, tuhod at pati na rin ang buhok ko.

Tumakbo ako kahit na nanginginig ang buo kong katawan, napakagat ako ng labi sa inis.

Tumingala ako at buong tapang na sinalubong ang patak ng ulan sa aking mukha. Basang-basa na ako. Kahit papano ay nawala ang putik sa aking mukha at katawan.

The Lost MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon