Melody 33 : The Evil Queen

2.2K 118 37
                                    

The Evil Queen

Ginamit ko ang buong lakas ko sa pag-akyat pataas gamit nang mga kahoy na nagpatong-patong sa ilalim ng kulungan ng mga Julam.

Kumikislap ang kanilang mga pakpak. Tulad nina Poppie, kasing kulay din ng kanilang mga damit ang kanilang mga mata.

I blinked my eyes.

Enchanting.

Pinantay ko ang lebel ng aking mata sa kanilang lahat. They both gasped. Takot ang iba at sa kabila ng nakakamangha nilang anyo bakas parin sa kanilang mukha ang panghihina.

Gaano na ba sila katagal nakakulong dito?

Inilibot ko ang aking paningin. Hundreds or maybe thousands of Julam are here.

"Hey, wag kayong matakot. Mga kaibigan ko sina Lila." bulong ko.

They stilled.

Pagkarinig nila sa pangalan ni Lila. Lumapit ang isa sa kanila. Kulay pilak ang pakpak at kumikislap ang kutis nito na para bang nakadikit sa manipis nitong balat ang mga diyamante.

Nakita ko ang ginawang pagyuko ng iba sa kanya nang humarap ito sa akin.

"Ako ang kanilang pinuno.. binibini." mahina ang boses nito. Sa sobrang hina kinailangan ko pang ilapit ang tenga ko sa kanya kahit may harang na bakal na pumapagitna sa amin.

Lumingon ako sa aking likuran, pinakiramdaman ko muna kung may darating o wala. My hands were trembling with anticipation.

Huminga ako ng malalim at nagsimulang sabihin ang pakay ko. Mabilis kong sinabi na kailangan kong maitakas ang mga magulang ko at pati na rin ang mga iba pa nilang bihag. Wala ito sa unang plano ko. Hindi ko lang inaasahan na makikita ko rin ang iba pang mga bihag na kasamahan nina Poppie dito.

All of them nodded and worried at the same time. Mag-isa ko raw sinuong ang panganib papunta dito sa teritoryo ng kalaban. Hindi sila makapaniwala na nalampasan ko ang mga patibong sa labas ng kaharian.

"Mag-isa siya?"

"H-Hindi ba't may panganib sa lahat ng nagtangkang pumasok dito?"

Well, I guess. It's my lucky day? 

Pero alam ko. Alam kong hindi ganoon kadali ang pagpasok. Unang tapak  ko palang dito. Pero isinantabi ko muna ang mga iyon. 

I sighed.

Pinakita ko ang maliit na mapa na dala ko. Ang mapa kung paano ako nakapunta dito at natagpuan ang palasyong ito.

Natahimik sila nang makita nila ang pamilyar na bagay. Muli, napagdesiyunan namin na magtulong-tulong sa laban na ito.

Nahirapan akong tantiyahin kung paano ko ilalabas ang mga  Julam. Napalaya ko sila mula sa pagkakakulong. I smirked. I'm good at this huh.

Nakarinig kami ng ingay sa labas. Sumilip ako sa labas habang nasa likuran ko ang mga Julam.

Nanginginig sila sa takot. 

Ang iba naman ay punong puno ng determinasyon upang makaalis lang dito.

Maraming mga alagad ang reyna na pumupunta sa iisang direksyon.  Papunta sa norteng bahagi ng palasyo. Ano kaya na naman ang gagawin nila? Nalaman kaya nila na...

The Lost MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon