3 (Part 2)

11.1K 315 11
                                    

[ EDITED ]  

"OMG!"

"She's dead. Gosh."

"Ang kapal ng mukha. Bakit niya ginanon si Frozz. Magdasal na siya."

"Pero ang ganda niya."

Narinig ko ang bulungan ng mga estudyante. Pero hindi ko ito pinansin. Tinignan ko ang lalaki sa harapan ko at nakitang nakarecover na siya. Nakatayo na siya ngayon. Muli na namang nakaplaster sa mukha niya ang ngiting iyon.

He's really getting into my nerves. Lumapit siya sakin at inilapit ang mukha niya sa harap ko. Nakatingin lang siya ng diretso sa mga mata ko.

"I like you." Bigla niyang sinabi then he winked at me sabay tawa. "Hindi ito ang huli nating pagkikita." Inilayo na siya sakin ang kanyang mukha. "Miss." He added and smirked. "Tara na. " Sabi niya sa mga kasamahan niya habang tumatawa. Nilampasan lang ako nito at kumindat muli.

"Asshole." I said. Nakatingin lang ako sa likod niya habang siya ay naglalakad palayo. Mas lalo lang lumakas ang tawa niya, marahil narinig niya ang sinambit ko.

Nakita ko pang hinampas siya sa likod at inasar ng mga kasamahan niya. I can even imagine him, smirking at me. "Damn that guy." I mumbled. Lumingon ako sa mga kasamahan ko at nakatingin lang sila sakin. "Tara na nga." Sabi ko at dumiretso na sa paglalakad.

"Sino ba ang lalaking iyon?" Naitanong ko sarili habang nakakunot ang noo. "I hate his guts." I muttered to myself. Bakit ba masyadong mataas ang tingin ng lalaking iyon sa kanyang sarili?

"Hindi ko gusto ang lalaking iyon." Nilingon ko si Cliff dahil sa sinabi niya pero nakita ko lamang na nakatingin siya sa malayo habang sinasabi ito.

"Masyadong maangas." Sabat naman si Van sa usapan.

Nang mapadako ang tingin ko kay Steff ay seryoso lamang din itong nakatingin sa malayo. Hindi ko mabasa ang nasa sa isip niya. Pero maaaring ang lalaking nakasalubong namin ang laman ng utak niya at ang lalaking naghagis ng kutsilyo sa amin kanina.

"Still thinking of the mystery guy who threw knives on us?" I asked. Nakuha ng tanong ko ang atensyon nina Cliff at Van. Tumingin sa akin si Steff at mukhang gulat.

"Uh, yeah." She said while nodding.

Maging ako ay napapaisip sa nangyari sa amin kanina. Sino ang lalaking naghagis ng patalim na iyon at ano ang posibleng intensyon niya para gawin iyon sa amin.

"Babe, wag mo na isipin yun. Ako na lang.." Cliff said as he held her closer to him.

"Sure babe." She said as she winked at him. I saw Cliff blushed and grinned widely. They looked at each other like there's no tomorrow.

Damn. I rolled my eyes as I started to walk a bit far from them. Masyado silang sweet na kulang na lang maghalikan sila.

Nakarating na kami sa entrance ng building, nakalagay doon ang 'Tungsten Building'. Nakita kong nagbulungan muli ang mga tao roon. Narinig ko pa ang pangalan ng lalaking nakausap ko kanina.

Sino ba ang lalaking iyon at parang kilalang kilala siya ng mga tao dito? Ano bang meron sa kanya?

Napatigil ang mga tao sa loob at natuon ang atensyon nila sa amin. Kanina pa ko naiinis sa klase ng tingin na ibinibigay nila.

"Siya yun." I looked at the group of girls who were looking at me while smiling. They looked.. Crazy.

Ako ba tinutukoy nila? Ako ang alin? Napakunot noo ko.

That Infamous GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon