4

10.2K 279 5
                                    

Nakatingin lang ako sa unahan habang nakasandal sa aking upuan. Hindi mapakali ang sistema ko habang nakaupo. Nakakadistract ang katabi ko, hindi ko alam kung anong meron sa kanya at nagkakaganito ako. Nawawalan ako sa konsentrasyon, may sinasabi ang guro pero hindi ko ito masyadong marinig.

Hindi ko na rin naman kailangan pang makinig dahil alam ko na yan at mas marami pa kong alam kesa sa gurong iyan. I rolled my eyes ng marinig ang sinabi ng teacher. "Matagal ko ng alam yan." I murmured.

"Yabang." I heard the guy beside me said.

I looked at him and raised my eyebrow. "May sinasabi ka?"

"Tsk." He ignored me at nagpatuloy lamang sa pakikinig sa teacher pero mukha namang walang naiintindihan. Er.

Ibinalik ko nalang muli ang tingin ko sa harapan. Habang nakaupo, tumingin ako sa orasan. It says 11:58am na, 2 minutes and tapos na ang klase namin sa umaga. I sighed. Konting tiis nalang.

Tumingin ako sa kanan ko at nakitang tulog si Cliff habang si Steff ay may kinakalikot na naman sa phone niya. Si Van naman ay tulalang nakatitig sa white board.

Lumingon ako sa katabi ko sa kaliwa at nagulat ako ng makitang nakatingin din siya sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko, lumilipad ang isip ko at wala na akong maintindihan sa sinasabi ng nagtuturo sa amin. Parang kami lamang dalawa ang nasa sa loob ng classroom. What the hell is this.

I broke our eye contact ng marinig ko ang pagtunog ng bell at mabilis na lumabas ng classroom. Mabilis din ang pagtibok ng aking puso ng lumabas ako. Nauna pa ako sa teacher namin pero wala akong pakialam, dahil kailan ba ako sumunod sa batas?

Hindi na ako lumingon at pinagpatuloy na ang paglabas ng classroom at nagtungo sa may dulong bahagi ng hallway, kung saan wala akong nakikitang pumupunta. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ng mga kasamahan ko but I just gave them a wave. Alam na nila ang ibig sabihin nun, na wag na nila akong sundan.

That guy. Napahawak ako sa dibdib ko ng maalala ko ang lalaking iyon. Del Fierro. Del Fierro. Sino ka ba? Bakit mo siya ka apelyido? Bakit halos magkamukha kayo?

These questions are driving me insane. Masyadong maraming tanong ngayong ang umiikot sa isipan ko. I slapped my forehead using my right palm. Damn. Gising Yumi. Para kang baliw.

Mariin akong napapikit at napabuntong hininga habang nakasandal sa pader. Nandito ako sa glass na pader kung saan makikita mo ang mga tao sa ibaba ngunit hindi ka nila makikita mula sa labas.

Walang kataotao dito at iyon ang aking pinagtataka. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili. Naririnig ko ang aking sariling paghinga na gumagambala sa tahimik na hallway na ito.

"Bakit ka andito?" Nagulat ako ng may magsalita kaya't agad akong napamulat ako. Ni hindi ko man lamang naramdaman na may presensya palang papalapit. Tumingin ako at nakita kong nakatayo si Cole habang nakatuon ang kanyang kanang braso sa pader.

"Fuck." I cursed under my breathe. Siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Tapos ngayon nasa sa harapan ko siya?

Life is so unfair. Kung kailan ayaw na ayaw ko siyang makita ay ngayon pa siya sumulpot. What a life.

"Tss." I just rolled my eyes and ignored him. Naglakad na ako ngunit bago pa ako makalayo ay hinawakan niya ako sa kaliwang braso dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

Hindi ba talaga ko lulubayan ng taong to? Masasapak ko na to. Isa. Hindi ko siya nilingon. Tumayo lang ako habang hawak niya ang braso ko.

I felt the tingling sensation in my body ng sandaling hawakan niya ko. Naramdaman kong muli ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pamilyar ako sa nararamdaman ko ngayon, wala itong pinagkaiba sa damdaming naramdaman ko sa tuwing kasama ko siya noong nabubuhay pa siya.. This feeling..

That Infamous GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon