5

9.7K 248 11
                                    

[ EDITED ]


"Stop pestering me!" I shouted firmly to Van. Hindi pa ako nakakarating sa pwesto nila ay agad na niya kong niyakap. Sapakin ko nga.

Ayaw niya kong tigilan simula ng makita niya kong lumabas ng building. Gusto ko munang makapag-isip pero kanina pa siya sunod ng sunod sa akin. May pasigaw sigaw pang nalalaman. Parang siyang baliw na takas sa mental.

I wanted to be alone. But how can I do that when he kept on sticking around?

Akala ko nung sinapak ko siya lulubayan na ko nitong lalaking 'to. Pero hindi e, heto siya at sinusundan ako. Ang saya lang.

Note the sarcasm please. I mentally rolled my eyes.

"Princess! Saan ka ba kasi galing?" Hinayaan ko lang siyang magsalita habang nanatili lang ako na walang imik.

"Bakit ka tumakbo kanina?"

No response.

"Saan ka pumunta?"

Lakad. Lakad. Lakad.

"Princess! Bakit ka ba-" Sinamaan ko siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang marinig ko na naman ang boses nito ay tumigil ako. Lumapit ako sa kanya at ini-angat mula sa bulsa ko ang pocket knife. Itinutok ko ito sa tagiliran niya. "One more word." I said slowly but dangerously. "Subukan mo ko Van. Makikita mo."

Nakita ko ang paglunok niya at ang pagtitig niya sa kutsilyong hawak ko pabalik sa mga mata ko.

For a moment, natigilan ako ng makita ko ang mga mata niya.

Wala sa sariling napatitig ako dito. His deep gray eyes were looking at me.

Bakit ang ganda ng mga mata niya?

"T-Titigil na ko. Ibaba mo lang yan, please." At doon na ko natauhan ng marinig siyang magsalita. Umiwas ako ng tingin at tinago na ang kutsilyo ko.

"Just shut up. Para kang matraka. Daig mo pa ang babae." Inis na sabi ko.

Naglakad na lang ulit ako habang nauuna ako at kasunod ko parin siya. May parang ibinubulong siya pero hindi ko naman maintindihan. Bahala siya.

"Princess, bakit ka ba kasi biglang tumakbo?" Tumigil ako sa paglalakad. Akala ko ba nagkaintindihan na kami? Inis akong tumingin sa kanya at ang loko nakapout.

Napakunot ang noo ko. "Anong kaartehan 'yan?" tanong ko.

"Alin?" Balik na tanong niya sa akin. "Ito ba?" He said as he pouted.

"Para kang tanga." Tumalikod ako at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

"Aray." Madrama itong humawak sa may dibdib niya. "Talaga?" Napatango na lang ako. "Sabi nila ang gwapo ko raw pag nakapout hindi naman pala. Tss." I heard him murmured to himself.

Imbis tuloy na mainis pa lalo ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Akalain mong makikita ko yung ganito siyang side?

Alam kong gwapo siya. It was given. Pero alangan namang aminin ko? Tapos sabihin sa kanya? No way.

The thing about him is that, he have this deep gray eyes na parang nangaakit kapag tumitingin ka. May kung ano dito na parang nagtutulak sayong tumitig lang dito. His full lips. His flawless skin. Ang matangos niyang ilong. Ang matangkad niyang pangangatawan. Hindi nga kataka-takang hinahabol siya ng mga babae.

That Infamous GirlHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin