31 (Part 2)

2.3K 88 17
                                    



"Di ka pa ba aalis?" Muli kong tanong kay Van makalipas ang ilang minuto.


Napakunot ang noo ko ng hindi ito sumagot at sa halip ay nakita ko itong sumisipol na tila walang narinig.


"Kinakausap kita. Umayos ka." Sabi ko. Ngunit hindi parin ito sumagot at nagpatuloy lang sa pagsipol. Naupo pa ito sa study table sa may veranda ng kwarto ko.


"Sagutin mo ko!" Madiin kong usal sa kanya. Finally, ay tumingin ito sa akin habang nakangiti ng malawak.


"Don't look at me like that." I demanded. But he was still smiling stupidly like he didn't hear anything. Tumayo ito at lumapit sa akin. Inakbayan ako nito bago muling nagsalita.


"Ano sagutin kita? Bakit princess, nanliligaw ka ba?" Nakakalokong tanong nito sa akin.


The next thing I know namimilipit na ito sa sakit habang nakatayo sa labas ng kwarto ko.


"Joke lang yun! Grabe ka talaga sa akin princess!" Litanya nito habang nakahawak sa tiyan niyang siniko ko. I raised my eyebrow.


"Goodnight." Madiin kong sabi at pabagsak na isinarado ang pinto habang inilock.


"Kawawa na yung pinto kanina mo pa sinasaktan!" Narinig kong sigaw nito sa kabila kaya't muli kong binuksan ito. Napatahimik naman siya at tumitig sa akin.


"Don't you or anyone else dare disturb me tonight and until I wake up tomorrow or else.." Sadyang pinutol ko ang sasabihin ko. Nakita kong napalunok ito at tumango.


"Good. Now, leave in front of my room." I said at muling pabagsak na isinarado ang pinto.


"So, what was that?"


His voice reached my ears as I found him lying comfortably on my bed. His arms were under his head at nakatagilid na nakatingin sa akin.


"Shut up." Kung bakit ba kasi hindi ito lumayas kanina pa. I sighed at muli kong maramdaman ang pagod sa katawan ko. Hindi ko na pinansin pa ang lalaking nasa kwarto ko kahit na may sinasabi ito.


Pumasok ako sa banyo at nagbabad sa bathtub. I stayed there for about 15 minutes bago mabilis na nagbihis at lumabas. Pakiramdam ko ano mang oras ay bibigay na talukap ng mata ko.


I found Kian sitting on my bed. Seryoso na ang mukha nito at hindi mo na kababakasan ng kahit anong pagbibiro.


The room suddenly felt colder than it was earlier. Hindi dahil sa aircon, ngunit dahil sa kanya.


"Sino ka ba talaga?" Tumayo ito at humarap sa akin. Hindi ako nagpatinag sa tingin na kanyang ibinibigay at binigyan lamang siya ng bored na tingin.

That Infamous GirlWhere stories live. Discover now