2

13.9K 383 14
                                    

[ EDITED ]



Maaga akong nagising at nag-aayos na ng gamit para sa first day namin sa Clemente University. One thing na hindi ko agad nagustuhan sa school? It was their uniform.

Black plaid skirt na ganoon din ang necktie, white long sleeves, and black socks na hanggang tuhod.

Cool?

Absolutely, no.

Tumingin ako sa salamin. I frowned. Bakit ganito uniform namin? Hindi ko gusto ang itsura.


Bumaba na ako ng hagdan at naabutang nagaalmusal na sila. They were up too early. Hindi na ko magtataka dahil parati naman akong nahuhuli magising.


"Goodmorning Yumi." Bati sakin ni Steff.


"Morning." Naupo na ko sa pwesto ko at kumuha ng pagkain.


"Bakit umagang umaga hindi maipinta yang mukha mo?" Tanong sa akin ni Cliff.


I looked at him. "Bakit ganito ang uniform namin?" Medyo irita kong sagot. Kumuha na ko ng rice and egg.


"Oh bakit? Eh ang ganda nga, bagay nga sayo princess." Nakangiting dagdag ni Van.


"Bola." I murmured. Di ko na pinansin at sumubo na ng pagkain. Nakita kong nakabihis na rin naman sila at mukhang patapos na rin kumain.


"Yeah. Ang cool nga ng uniform natin Yumi eh. Bagay kaya sayo." Sabi naman ni Steff. I looked at her and sighed. Tinuloy ko nalang ulit ang pagkain ko.


They are my well- gangmates.


Van. He had been honest towards me about him liking me, lagi niyang sinasabi na gusto niya ko pero hindi ko siya pinapansin. Alam ko namang nagbibiro lang siya and I just know that it was something na alam kong lilipas lang at makakalimutan din niya..


 Aaminin ko attractive siya para sakin. May times na siya lang nakakapagpangiti sa akin kahit na sobrang masama ang araw ko. But, that's it.

"Yeah. It actually looks good on you." Cliff commented. He's like an older brother to me. Hindi siya basta-basta. "Mukha kang mabait." He added while nodding. I frowned. "You look cute." What's with him and his compliments? "You look innocent." Can't he just eat? "You-"


"Can't you just shut up and let's just eat in silence?" I replied without glancing at his direction. Ang dami nilang sinasabi.


"Hoy Yumi! Wag ka nga! Ang gan-" I glared at her.


"Gusto niyo makakita ng lumilipad na kutsara't tinidor?" She instantly shut her mouth at nagpatuloy sa pagkain. Good. Napairap nalang ako sa kawalan. Steff. She's really pretty. She and Cliff had been together since then. She's nice, nakakairita lang siya minsan dahil napakaarte niya. Magaling siya at talagang maaasahan mo rin.


Ako? They keep on calling me infamous. Yes. That's me. Nobody knows about me, maliban nalang sa kanila.

Me with my mask, doon lang nila ako kilala. Doon ako kilala ng iba.


Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang pagtunog ng nahulog na kutsara. "Oops. Sorry!" Steff shouted. Tinuloy ko nalang ulit ang pagkain ko.


Matapos namin kumain ay tinawag kami ni Cliff.


Iniabot niya samin ang isang earpiece. We used this as our communication device, para hindi na kilangan pang gumamit ng phones in case of emergency.  Kinuha ko ang akin at inilagay na sa tenga ko.

That Infamous GirlWhere stories live. Discover now