9

6.9K 179 6
                                    

[ EDITED ]

Biglang nagvibrate ang phone ko. Tinignan ko ito, may isang message, galing sa isang unknown number.

Sino 'to? Paano niya nalaman ang number ko?

From: Unknown Number

Meet us. 8pm. Zhyst'o road. Lumang building. It's a battle.

Kinuha ako ang number at trinace gamit ang phone na gamit ko.

Napakunot ang noo ko ng malamang hindi na ginagamit ang sim at ang last location nito ay hindi nalalayo sa Zhyst'o road.

Tumingin ako sa mga kasamahan ko na ngayon ay palabas pa lamang ng training room. Kakatapos lamang naming mag-training at pauwi na kami. Wala naman sigurong masama kung pupunta ko. Isa pa, naiinip ako dito. Gusto kong lumaban.

Tinignan ko ang relo ko at nakitang 7:15pm palang. Pupunta ko. Gustong malaman kung sino 'to.

Hindi namin kasama si Steff dahil mayroon siyang importanteng lakad.

"May pupuntahan lang ako." Sabi ko sa kanila. Napatigil Cliff sa pag-aayos ng weapons sa sasakyan at tumingin sa akin.

"Saan ka pupunta?" Cliff asked me while eyeing me suspiciously.

I raised my eyebrow. Hindi ko siya pinansin, sa halip ay tumingin ako kay Van na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.

"Van." Napataas namang ang dalawang niyang kilay habang hawak parin ang isang baril habang inilalagay ito sa loob ng kotse.

"Yes, princess?"

"Gagamitin ko motor mo, susi?" Mukhang nagaalanganin pa ito pero tinitigin ko ito ng diretso sa mata.

"Sure." He said right after and smiled.

Inihagis niya sa akin ang susi at naglakad na ako papunta sa motor niya.

Saglit akong natigilan ng may maalala ako. "Don't you dare, following me.." I glared at them. "..or else.." Tinignan ko sila sa mata at nakita kong napalunok sila "alam niyo na ang mangyayari."

Knowing them alam ko kung anong tumatakbo sa isip nila. Balak nila kong sundan kung hindi ko lang sila pinagbantaan. Wag lang talaga nila ko masundan dahil tutuluyan ko talaga sila.

Tumalikod na ako pagkatapos at sumakay sa motor. Alam naman nilang hindi ako nagbibiro. Kapag sinabi ko, sinabi ko.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at nagpunta na sa destinasyon ko. Kinuha ko na rin ang mask ko sa bulsa sa loob ng jacket na suot ko at isinuot ito.

Maaaring sa oras na ito ay naroroon na sila kaya't pinaharurot ko na ng mas mabilis ang motor na gamit ko.

I smirked.

Siguraduhin lang nilang sulit ang pagpunta ko doon.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin ako sa napagkasunduang lugar.

Nilibot ko ang tingin ko sa sinabi nilang lugar at nagtaka ako ng makababa na ko sa motor. Dito? Dito nila naisip makipaglaban?

Hindi na ako nagulat ng makita ang abandoned building sa harap ko.

Naglakad nalang ako papasok sa loob ng lumang gusali. Madilim at wala itong ilaw. Ang nagsisilbi lamang liwanag nito ay ang ilaw na nagmumula sa malapit na poste. Malamig din ang hangin.

Ipinalibot ko ang tingin ko at nakita ko ang walang kalaman laman na ground floor nito. I frowned. Mga posteng nakatayo lamang ang nandito na pangsuporta sa lumang gusali.

That Infamous GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon