6

7.7K 239 7
                                    

[ EDITED ]

"C-Cole?" Hindi makapaniwalang bulalas ko.

Bakit siya andito? Nakita kong may mga kasama siya at medyo marami sila ngunit hindi ko na ito binigyan pang pansin dahil sa kanya lang nakafocus ang atensyon ko.

Pinagmasdan ko ang mukha niya, hindi ko maintindihan.. His expression was blank, but his eyes says the opposite. Parang galit na kahit anong oras ay handa ng sumugod. What's with him?

"What?" Natauhan ito ng marinig magsalita ang lalaking kaharap ko. Agad na nagbago ang expression ng mata niya at naging blanko ito.

Ano bang problema ng lalaking 'to?

Magulo siya. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko siya mabasa. Napakakumplikado niya at isa pa ay ginugulo niya ang sistema ko. Kailangan ko ng iwasan 'to. Iwasan ang lalaking 'to.

Pero paano ko yun magagawa kung sarili ko na mismo ang gustong lumapit sa kanya?

Hindi sa dahil kamukha niya ang mahal ko ay siya na 'to and that doesn't mean na he has something to do with my past.

Ugh! Damn these thoughts.

Cole suddenly stared directly at my eyes. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya't agad akong napaiwas ng tingin. Feeling ko ay namumula ang pisngi ko. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya dahil pakiramdam ko ay matutumba ako ng wala sa oras.

Napatingin sa akin si Kian, or Frozz. Hindi man nila sabihin ay alam kong nag-uusap ang mga mata nila. Bumalik ang tingin niya kay Cole at sa mga kasama nito.

"Later." He told them. Napatingin ako sa nasa harapan ko. Bigla naman akong natauhan at sinuntok siya sa sikmura. Lumayo ako sa kanya at tumingin ng masama.

"What the fuck!" Sigaw niya at napaatras. He didn't expect it. I'm sure of it, dahil maging ako ay ganun din. Nakahawak siya sa sikmura niya habang nakatingin sa akin at nakakunot ang noo. "What was that for?" Singhal niya sa akin. He didn't look mad o kung ano man.

"That's for crossing the line. Dumbass." Sinuntok ko muli siya sa braso. Napaatras siya ng ilang hakbang at muntikan naman siyang ma-out balance. "Nobody. No One. Ever. Dared. To. Hug. Me." Suddenly, a picture of Van hugging me a while ago popped in my mind. Hindi ko maiwasang hindi mapangiwi. Well.. except that.

He stared at me for a moment at inilipat ang tingin kina Cole. "Leave." Seryosong sabi niya.

Walang sabi-sabi ay biglang umalis ang mga kasamahan niya.

What the hell? So ganon na lang yun? Pag sinabihan sila, aalis na? Nang makaalis ang kasamahan niya ay tumitig siyang muli sa akin.

"Well then," He breathe deeply, sign na nasaktan siya sa ginawa ko. "..someone broke the record and that's me." He said and managed to winked at me kahit mukhang nahihirapan magsalita dahil sa suntok ko.

I rolled my eyes. "Gusto mong dagdagan ko pa 'yan?" Ngumiti lang siya ng nakakaloko at parang nang-aasar at para bang nagbibiro ako kaya't hindi ako nagdalawang isip na sugudin siya.

"Ah! Shit!" Bigla siyang napaigtad dahil sa sakit ng idinulot ng sipa ko sa kanya kaya't tuluyan na siyang natumba sa damuhan.

Is that enough? Hindi ko pa nga nagagamit ang kalahati ng lakas ko sa sipa na 'yun ay natumba na siya?

While he was still in pain, he managed to release a smirk. "You're really something." Sabi pa niya ng pabulong sakin habang nakahawak parin ang kanang kamay niya sa sikmura niya. "Ang lakas mo sumuntok! Babae ka ba talaga?" He sounded so amused. Natatawa siya pero napapangiwi rin dahil sa sakit.

That Infamous GirlWhere stories live. Discover now