13

5.4K 138 8
                                    


Kian. He was looking at me and I myself was looking at him. Nagsimula na siyang magsalita pero hindi ko masyadong maintindihan dahil kinakabahan ako.

Ang naintindihan ko lang, he was telling all of us to enjoy this night.

Umiwas na ako ng tingin at naghanap ng bakanteng table, or rather para iwasan ang tingin niya. Malamang nagtititigan parin kami hanggang ngayon kung hindi ako umalis sa pwesto namin kanina. Nangangatal ang mga kamay ko kaya tumayo ako sa isang tabi at saglit na napabuntong hininga. "What's with him?" I muttered under my breathe. Nagpalakpakan ang mga tao at nabuhay muli ang lahat ng ilaw. Lumapit naman ulit sa akin ang mga kasamahan ko.

"Tara na." I heard Cliff's voice and I nodded in response. He guided us towards the empty table.

Umupo agad ako at sumandal sa upuan. Pakiramdam ko matutumba ako ng wala sa oras. Why was he looking at me like that? There was something in his eyes, he looked amused? Hindi ko alam. Merong something sa kanya na nagpapakaba sa akin. Hindi ko alam kung ano pero siguro hindi lang talaga ako kumportable when he's around.

"Any problem?" I don't know why is my brother asking me that. Hindi naman ako mukhang problemado. Or.. Am I?

I was just thinking of Kian. Yun lang. "Wala naman." I said while shaking my head.

Pasimple akong lumingon sa paligid. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Siya ba? Pero bakit? Pero impossible. I shook the thought.

'But still, it's possible.' A part of my mind said.

Ugh.

Tinignan ko ang malaking orasan sa may stage. It was 9:08 pm. I heaved a sigh.

"Are. You. Sure?" Narinig kong tanong ng kapatid ko kaya't nabaling ang atensyon ko sa kanya.

"Y-Yeah." Seryoso lang siyang nakatingin sakin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapakunot ang noo. "Problema mo?"

"Wala." He answered smiling na para bang may secret joke siya.

Tumingin ako sa kanya. "Ano nga?"

"I am not telling it." He said while wiggling his eyebrows. Hindi niya suot yung mask niya, nakita kong nakapatong lang sa table.

"Bakit nga?" Malakas ang pakiramdam ko na iniinis lang niya ko.

"Kasi.." Tumayo siya at umupo siya sa katabing inuupuan ko. "Wala nga." Bulong niya sa may tenga ko sabay tawa. Ano bang problema nito?

"Saya mo naman yata." I replied tapos tumingin na ako sa loob ng hall. Ang ganda talaga ng place. Those crystal chandeliers above us. . Perfect. The party is really elegant. Tumigil siya sa pagtawa at nakita kong tumingin lang siya sa akin.

Nakakainis. Sino ba namang hindi kung nakatingin siya sa akin habang nakangiti? Yung pang-asar ba?

Hindi na ko nakatiis. Humarap ako sa kanya at sinuntok ko siya sa braso pero hindi malakas. "Tumigil ka nga. Ano nga kasi?" Nakakainis siya.

Biglang siyang tumawa. Ano bang nakakatawa? Masama magtanong? "Wala nga. Ang ganda mo talaga kambal!" He replied tapos umakbay sa akin. Nanatili lang akong nakapoker-face.

Shiro and his sweet gestures.

I was smiling at the back of my mind. My twin, he's really sweet. .

He's always like this. .

But, no.. "Tanggalin mo nga yang kamay mo." I said, my voice sounding irritated. My hands were folded across my chest. Lalo lang niya kong isiniksik sa tabi niya.

That Infamous GirlWhere stories live. Discover now