Chapter 2: gap

3.1K 92 1
                                    

Tyrelle's POV


Naramdaman ko ang sakit ng aking ulo kasabay ng hapdi sa aking pisngi. I know someone just slapped me dahil halos ramdam ko pa rin ang kanyang palad sa aking pisngi.

Unti unti kong idinilat ang aking mga mata. My eyes are too heavy, i felt so dizzy, i can't even feel my feet. Para akong nakalutang sa ere.

"Hoy! Bumalik ka dito! Ibalik mo ang gitara ko!" Nilingon ko ang babaeng nagtatatalon sa aking gilid.

Nagpalinga linga ako. I'm inside my car. Paano ako nakarating dito? Kinapa ko ang aking bulsa. Nandito pa rin naman ang aking cellphone maging ang aking pitaka.

"Hoy! Ikaw! Dahil sayo, ninakaw ang gitara ko! Palitan mo yun!" Pinanliitan ko ng mata ang babaeng kung duruin ako ay akala niya kilala niya ako. I don't even know her! Ano ang pinagsasabi nito? "Palitan mo yun!" Niyugyog niya ang aking katawan.


"What are you talking about miss? I don't even know you." I shrugged her hands off my shirt.

"Wag mo ko ma english english diyan! Dahil sa'yo tinakbo ng magnanakaw ang gitara ko kaya palitan mo yun!"


Halos gusto kong matawa sa mga sinasabi ng babaeng ito. She's cute but that doesn't mean ay paniniwalaan ko na ang sinasabi niya. Alam ko na ang mga ganitong modus!


"Look Miss, i really don't know what are you talking about okay? At bakit ko naman papalitan ang gitara mo? Ikaw na ang nagsabi na tinakbo ng magnanakaw, i'm still here, it means that i'm not the thief here. Baka ikaw ang magnanakaw!" Nawala ang pagkalasing ko sa babaeng ito. Akala niya siguro ay maloloko niya ako.


"Do i look like a thief either? I was helping you earlier because you were too drunk to get inside your car. My guitar was with me, i put it down here..." Tinuro niya ang sahig. "Just to lift you better and what i get in return was a freaking..." Huminto siya. Namula ang kanyang buong mukha.

"A freaking what?" I asked.


"Nevermind. Tapos ayun na tinakbo na ang gitara ko. It was your fault kaya palitan mo yun." Halos maiyak na siya ng sabihin niya ito.


Humalakhal ako ng malakas. I just can't help it! This woman is so funny! Halatang hindi niya sinasabi ang totoo. "Problema mo na yun miss. Hindi ko sinabi na tulungan mo ako. Di ko rin sinabi na ilapag mo kung saan saan ang gitara mo. But i want to say thank you, nawala ang kalasingan ko dahil sayo." I closed the door and started the engine. Kumunot ang noo ko ng hampas hampasin ng babae ang bintana ng aking sasakyan. Kung ano ano ang kanyang mga sinisigaw. Nagkibit balikat na lamang ako at pinaharurot ang sasakyan.



Joey's POV

"Mabunggo ka sana! Manyak!" Sigaw ko kahit na mabilis nakaalis ang sasakyan niya sa harapan ko.

Sinabunutan ko ang aking sarili. Hindi pwede ito! Ang mahal mahal ng gitara na iyon. Matagal kong pinag ipunan ang pambili non! Nagpapadyak ako dahil sa inis. Gusto kong maiyak dahil sa bwisit!


Walang hiyang lalaking yun! Matapos niya akong halikan, hawakan ang boobs ko, ngayon naman tinakbo ang gitara ko dahil sa kanya. Kung sana ay dumiretso na lang akong umuwi sa bahay.


Pumara na ako ng jeep. Habang nasa byahe ay tulala pa rin ako. Hindi ko maalis sa aking utak ang lalaking kumuha ng gitara ko. Nagbuntong hininga ako ng matanaw ko na ang lugar namin. "Para!" Halos wala na akong lakas ng isigaw ko iyon. Huminto ang jeep at agad akong bumaba.


Habang naglalakad ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. That jerk! Humanda sa akin ang lalaking iyon. Hindi pwedeng hindi niya palitan ang gitara ko. Dahil sa kanya kaya nagka letche' letche ang gabi ko. Dalawang taon kami noon ni Gerry bago niya mahawakan ang boobs ko tapos ang gago, ni hindi ko siya kilala minanyak agad ako! Pagbabayaran niya ang ginawa niyang pambibwisit sa buhay ko.


Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin