Chapter 32: bagay na bagay

1.8K 54 1
                                    

Joey's POV

Dumating ako sa school at naabutan ko si Gail na nakaupo sa kanyang upuan. Kumaway siya ng makita ako. Tipid lamang akong ngumiti at lumapit sa kanya.

"Grabe ka! Ang tagal mong nawala. Anong nangyari sayo?" Tanong niya sa akin. Umupo ako sa aking silya katabi ng kanya.

"Nagkasakit ako." I lied. I need to lie to hide my true feelings. How ironic.

"Mukha ngang may sakit ka pa rin hanggang ngayon eh. Ayos ka lang ba talaga?" Inilapat niya ang likod ng palad niya sa aking noo kaya napatalon ako ng bahagya. I was never sick. Mukha lang talaga akong may sakit dahil masyado kong dinadamdam ang sakit sa puso ko.

"Hindi ayos na ako. Marami akong namissed na lessons. May notes ka ba?" Tanong ko sa kanya para maiba ang aming topic. Tumango siya at saka may kinuha sa kanyang bag. Inabot niya sa akin ang kanyang notebook.

Napatalon ako ng maramdaman naman ang vibration na nanggaling sa aking cellphone. I was kinda expecting that it was him texting me but then, nagpalit na nga pala ako ng numero ko. Teka... Kung sakali bang kontakin niya ako at humingi siya ng tawad ay tatanggapin ko siyang muli? Hindi ko pa naiisip yun ah... Pero kung sakali pakiramdam ko ay hindi na.

Nasanay lang talaga ako na palagi siyang nariyan. I used of his calls and texts. Nasanay ako sa prisensya niya. At kailangan palitan ko na ng ibang kasanayan ang mga nakasanayan ko sa kanya.

Tiningnan ko ang cellphone ko. Unregistered number ito pero binuksan ko pa rin ang mensahe. It was Sir Filtrix.

Hi Joey. I hope i'm not disturbing you right now. I just want to ask about the Family Reunion i was telling you about. Next week na kasi yun. Sana makapunta ka. Save my number. Filtrix.

Nagbuntong hininga ako. Ang tagal tagal na niyang sinasabi sa akin ang tungkol doon at sa susunod na linggo na pala iyon.

I think i should go... Bagong environment, bagong mga taong makakasalamuha... It's a good way of forgetting. It's a good start of moving on.

To Filtrix:  Sige... Pupunta ako.

Matapos ko isend ang reply ko ay dumating naman ang tatlong babaeng kinaiinisan ko. Sabay sabay ang mga kilos nilang tatlo ng pumasok sa loob ng classroom namin. Nang hawiin ni Tosca ang kanyang buhok sa ere ay ganoon din ang ginawa ng dalawang kasama niya sa likuran, kahit naman maikli ang buhok ng isa ay may paghawi pa rin siya ng buhok. Napailing na lang ako at pinigilang matawa. I find it funny... Bigla bigla na lang nag iiba ang mood ko.

"Oh Joey... I thought you're gone for good." Sabi ni Tosca ng makaupo na sa kanyang upuan na nasa harapan namin ni Gail. Si Gail ay busy sa pakikinig ng music sa kanyang ipad at may headphones sa kanyang ulo.

"Yun din ang akala ko." Sabi ko sa panunuya na tono.


"I'm sorry about your break up with Tyrelle." She said with her teasing voice. Kinuyom ko ang palad ko. Hindi pa kami hiwalay ni Tyrelle. Wala kaming formal break up! Look Joey, akala ko ba gusto mo ng mag move on ha? Ano ito? Sabi ng isang parte ng utak ko. Pucha naman oh! Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. I'm not like this before. Something's change in me. Or maybe someone has changed me.

"Masyado ka ng huli sa balita. Matagal na yun." Sabi ko at pilit na hindi nagpa apekto sa mga sinabi niya.

"Kawawa ka naman iniwan ka ni Tyrelle. He's in Canada right now probably enjoying. While you..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kahit na nakaupo naman ako. "You looked terrible, Joey. Sa bagay, siguro ganyan din ang itsura ni Tyrelle ng mga panahong ako naman iyong nakipaghiwalay sa kanya." Tumawa siya at tumawa rin ang mga alipores niya sa gilid. Kinuyom ko ang palad ko, pinipigilang sampalin siya.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora