Chapter 7: that fast

3K 84 2
                                    

Joey's POV

Mabilis dumaan ang araw at mamaya na kami bibili ng gitara ni Lalim. Medyo kinakabahan pa ako dahil maaaring maligaw siya at mali ang mapuntahang Jollibee at magkasalisi kami. We don't have each other's digits at iyon ang malaking problema kung sakaling maligaw siya ay hindi niya ako makokontak.


Hinalikan ko sa noo si Inay dahil paalis na ako papunta sa trabaho. Ganoon din ang ginawa ko sa aking kapatid. Isinoot ko na ang aking backpack at nag abang ng jeep. Nang makasakay na ako ay panay pa rin ang isip ko sa maaaring maligaw nga si Tyrelle.



Pinagsawalang bahala ko na lang muna iyon at pumasok na sa trabaho. Sinalubong ako ng kaibigan kong si Trixie, break niya at ako naman ay nag aayos para sa aking shift. Nagkwentuhan kami sandali habang naghihintay ako ng oras ng shift ko. Napatalon pa kami sa gulat ng bigla na lang pumasok iyong Manager namin sa stock room. Napansin kong bagong gupit siya at mas bumagay sa kanya ang clean cut look. He looked at me for seconds at inilipat ang tingin kay Trixie. Binati namin siya ng magandang umaga dahil kakarating lang din niya.

Nang lumabas na si Sir ay agad naman parang kiti-kiting kinikilig itong si Trixie. Natawa na lang ako sa kanya dahil hindi niya mapigilan ang kilig kay Sir. Hindi naman taliwas sa akin na halos lahat yata ng babaeng crew at kahit ang isa naming Manager ay may gusto doon kay Sir. Kahit ako ay crush ko din siya pero hindi naman ganito tulad ng kay Trixie na kulang na lang ay tumalon talon.


"Grabe!! Ang gwapo ni Sir! Bagay sa kanya ang gupit niya... Tapos tumingin siya sakin... Tsk! Pero iba yung tingin niya sayo!" She faked jealousy pero alam ko naman na biro lamang niya iyon.


"Ano ka ba, ginagawan mo ng issue iyong tingin ni Sir!" Natatawa kong sambit. Tumayo na ako muli sa aking pagkakaupo at ipinasok ang aking bag sa aking locker. Inayos ko rin ang cap ko na parte ng aking uniporme.


"Hindi girl, alam ko, may gusto sayo si Sir!" Pagpupumilit niya. I rolled my eyes at her. Baka may makarinig pa sa kanya ay pag diskitahan pa ako ng mga katrabaho kong may gusto kay Manager.


"Wag ka gumawa ng issue okay. Sige na, labas na ako. Shift ko na." I said with my serious tone. Nilingon ko siya bago ako lumabas at nag senyas pa siya ng lagot ka sign. Natawa na lang ako at dumiretso na lang sa counter.

Pinalitan ko na ang isa kong ka trabaho sa counter number 2 at binilang ang pera na ipanunukli ko. Napapansin ko rin ang pabalik balik na tingin ng Manager ko sa akin. Parang tinutusok ako ng kanyang mga tingin. Naiilang tuloy ako sa pag tatrabaho.

Ilang oras na din ang lumipas at hindi ko mapigilan ang mapatingin sa aking relo. Iniisip ko kung matutuloy pa ba kami ni Lalim na bumili ng gitara o naligaw na ba siya dahil tatlompung minuto na lang bago ako mag out.


"Good Afternoon Sir, may i take your order?" Inilapag ko ang tray sa harapan ng panibago kong costumer at saka pa lamang siya tiningnan. Holy Moly!!! Napaatras ako sa gulat ng makita ang pamaglarong ngisi ng taong may pinaka malalim na dimple na nakita ko sa buong buhay ko. Nakakaasar ang ngiti niya na para bang iniinsulto ako ng mga iyon. Tinaasan ko siya ng kilay at agad siyang nagpigil ng tawa.


"Sir, may i take your order?" Pag uulit ko at tinigasan ang bawat salita. Natatawa naman siyang tumingala at i-scan ang mga litrato ng mga pagkain. Naglabas ako ng buntong hininga. Buong araw ko pa naman iniisip ang kalagayan niya na baka naligaw na siya o ano tapos yun pala mang aasar lang siya rito.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Where stories live. Discover now