Chapter 36: Weaver

2K 59 4
                                    

Tyrelle's POV

Hindi na ako nag aksaya ng panahon para makita si Joey. I surf the internet of the whereabouts of her band at ng malaman ko na may mall tour sila ay mabilis akong pumunta doon.

Hindi ako nagkamali sa pagpunta dahil ang marinig siyang kinakanta muli ang kanta niya para sa akin ay nabuhayan ako ng loob. It's not over between us. I can still feel the exact same emotions when she sang that to me. Alam ko nandun pa rin ang pagmamahal niya sa akin.

Alam kong nakita niya ako at ang malaman na ganito pa rin ang epekto ko sa kanya ay lalong nakadagdag sa pag asa kong makuha siyang muli.

I bought 15 pieces of their album. As i look at the cover of the album i wonder where the hell those guys are, her old band mates. Bakit lumipat siya ng ibang banda? Nasaan na sila? I want answers so bad.

Matapos niya mag walk out ng pinapirmahan ko na sa kanya ang mga albums na binili ko ay alam kong hindi pa ito ang huli naming pagkikita. I'll pursue her until she comeback to me. I'll court her again if i needed to.

Ilang araw akong naghintay ng updates sa maaaring puntahan ni Joey pero kahit isang gig ay wala sila. They're famous for pete's sake pero bakit walang ganap? Nababagot na ako dito sa loob ng aking condo unit. Buti na lang at tumawag si Ate from Canada. Mabilis ko iyon sinagot.

"Hey brother... Kamusta? Nagkita na kayo?" Iyon kaagad ang bungad niya sa akin. Pinatong ko ang mga paa ko sa sofa at pinahinaan ang volume ng tv.

"Yeah, and it was a disaster." Sabi ko. Hinilot ko ang sintido ko at inangat ang ulo at pinatong ito sa sandalan ng sofa.

"Why? Nag away kayo? Ano she's married? She has a child? What?" Gusto kong matawa sa mga tanong ng kapatid ko. Who is she a reporter?

"Nope... And hell, i don't care if she's married or has a child." Sabi ko ng wala sa sarili. Tumikhim si Ate sa kabilang linya. "Look, i'm just kidding okay. I'm not serious about her being married. But i'm fine if she has a child."

"Tsked! Kilala kita Tyrelle. You'll do everything to get her. You manipulated her once because of your too much love for her. That's toxic." I rolled my eyes even if she can't see it.

"I know... But i want to risk."

"Risking yourself is fine. But risking someone else's marriage is not cool."

"Ate ano ba, bakit ba natin pinag uusapan to? She's not married, okay. Just so you know."

"Alright, fine. So ano na nga ang nangyari?" Tanong niya sa akin. Huminga ako ng maluwang ng ikwento ko sa kanya ang nangyari doon sa Mall Tour. Natawa siya ng sabihin kong bumili ako ng 15 copies of albums. Kahit ako sa sarili ko ay gusto ko rin matawa.

Nagkwentuhan pa kami sandali sa ibang bagay. Tungkol kina Mama at Papa. They're busy as usual. Hindi na nila ako pinakikialaman dahil wala naman akong balak na hawakan ang business namin. They cannot  manipulate me anymore.  Nag usap din kami ni Ate tungkol sa aking pamangkin na si Naix. Ang sabi niya pa ay balak nilang magbakasyon dito sa susunod na buwan.

Nang matapos ang tawag ay bumalik muli ako sa pagiging bored. Napag desisyonan kong maliligo na lang ako sa pool at para naman ma experience ko ang pool sa bago kong tirahan.

Tumawag ako sa lobby para tanungin kung nasaan ang pool area pero ang sabi ay may birthday party daw na gaganapin doon kaya hindi muna pwedeng pumunta. I guess i'm stuck here inside my unit, huh?



Joey's POV

"Joey anak, nariyan na si Gerry at may mga kasama." Ani ni Inay sa akin. Mabilis siyang nawala sa paningin ko dahil lahat kami ay abala para sa kaarawan ni Weaver. He turned 5 years old today.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum