Chapter 35: he's back

2.1K 52 1
                                    

Joey's POV

Nanginig ng literal ang buo kong katawan. Halos hindi ko na mahawakan ang micropo ng maayos dahil sa panginginig ko. Umiwas ako ng tingin at pinilit na mabaling sa iba ang atensyon ko. Pinilit kong kantahin at tapusin ang kanta ng maayos.

I can still see him in my peripheral vision. He is still there, standing watching me.

Nang matapos ang kanta ay hindi na ako nagbigay pa ng speech at tumakbo na ako papasok ng back stage.

Dinaluhan ako ng isang staff at tinanong ako kung ayos lang ako. I just nodded at sinabing naiihi lang ako kaya ako nagmadali. Pumasok ako sa banyo at pinasadahan ang sarili sa salamin. I can't catch my breath. Mabilis ang paghinga ko pati na rin ang pag tibok ng puso ko.

He's back.

Gumapang ang takot sa akin. Nagbalik na siya at baka kaya siya nag balik ay para kunin ang anak ko sa akin. Nangilid ang luha sa aking mata. I can't believe it! After all these years, apektado pa rin ako sa kanya. At ang mas nakakainis ay parang walang nagbago sa epekto niya sa akin. Umiling ako at huminga ng malalim.

Hindi, hindi pwedeng ganito.

Matapos ko mapakalma ang sarili ko ay lumabas na ako ng banyo. My bandmates are all in a long table. Lumapit ako sa kanila. Si Don ay naka upo sa upuan at nasa harapan niya ang sandalan nito. Habang sina Bradley at Topher naman ay nakatayo lang doon.

"Something bothering you?" Tanong sa akin ni Don. Kumunot ang noo ko sandali pero mabilis din akong ngumiti. Umiling ako at umupo na rin sa bakanteng upuan at ginaya ang pwesto ni Don.

"You looked tensed." Rinig kong sambit ni Bradley sa gilid. Nilingon ko siya at tipid akong ngumiti.

"No, i'm just tired."

"Tired of the head bangs you did earlier?" Nagtawanan sila.

"Probably..." Yumuko ako at hinawakan ang pendant ng kwintas ko.


"Alright, the table is set for the signing. Let's go." Sabi ng Road  Manager namin kaya ay nagsitayuan na kami.

Nilagyan lang ako ng kaonting powder ng make up artist at sumunod na rin ako sa mga kabanda kong nauna ng lumabas. Halos mabingi na ako sa lakas ng tunog ang sarili kong puso. I don't know, i'm just so scared. I'm scared that after all these years i'm still in love with the same person who left me. At kung totoo man ay hindi ko na uunahin ang puso ko. I have a child now and a career that kept as alive so i need to focus on the things that matter most. And he doesn't matter to me... Not anymore.

Naglabas ako ng malalim na buntong hininga bago ako lumabas ng back stage. Ayokong ilinga ang paningin ko sa mga tao dahil baka may makita na naman akong hindi ka nais nais. I sat on the vacant seat at the center. Katabi ko si Topher sa kanan at si Don naman sa kaliwa. Nakapila na rin ang mga tao na bumili ng album namin. Inabot sa akin ni Don ang marker at kinuha ko naman iyon sa kanya.

Pirma doon, picture taking dito. Halos nasanay na ako sa flow ng mga taong dumadagsa. Pagkatapos kong pirmahan ang CD cover ay aangat ang mukha ko upang ngumiti sa selfie ng fans. Pana'y ang thank you ko sa mga tao kapag umaalis na sila at panibagong fan na naman ang lalapit.

"Grabe si Kuya... Ang daming CD na binili. Nakakaloka." Na kuha ng isang babaeng nagsalita na iyon ang atensyon ko. Ngayon lang mangyayari ito kung sakali na more than one CD ang binili ng isang tao.

Pero ng maaninag ko ang puting tshirt na suot niya kanina sa matipunong katawan na papalapit ngayon ay hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko. Sa taas ba o sa baba, sa gilid ba? I'm panicking and it's not normal. Shît! Papalapit na siya ng papalapit. I need to act cool.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon