Chapter 21: siguro

2.2K 55 1
                                    

Joey's POV

Naging mabilis lumipas ang mga araw. Palaging nanonood sa akin si Tyrelle kapag may gig ako. Natutuwa din akong medyo magkasundo na sila ng aking mga kabanda, especially Gerry. Masaya ako dahil kahit papaano ay nakakapag usap na sila ng hindi nagkaka iringan.

"Are we going to stay o uwi na tayo?" Tanong ni Tyrelle saakin matapos ang aming set sa bar.


Nilingon ko ang aking mga kabanda at inobserbaran kung mag sstay pa ba sila, most probably ay nagpapaiwan ang mga iyon para uminom ng kaonti. Bumaling ako kay Tyrelle na naghihintay ng aking sagot.

Umiling ako sa kanya at ngumiti.

"Nah, sa tingin ko ay umuwi na lang tayo." Matapos ko iyon sabihin ay tumango siya sa akin at kinuha ang gitarang hawak ko.

"Tara..." Aniya. Nagpaalam na kami kina Atan at malugod naman nila kaming binitawan. Hawak kamay kami ni Tyrelle ng lumabas ng bar hanggang sa makarating kami sa kanyang sasakyan. Nang makapasok na kami ay pinaalala niya sa akin na sa Lunes na ang pasukan.

Nagbuntong hininga ako at ninamnam ang katotohanan na mag aaral na nga ako sa magandang unibersidad.

"Excited ka na?" Tanong niya sa akin at hinawakan ang kamay ko habang nagmamaneho pauwi.


Tumango ako bilang sagot. Sinulyapan niya ako sandali at ngumiti siya. His smile gave me comfort. His hands intertwined with mine gave me safety. Pakiramdam ko kapag nasa tabi ko lang ang taong ito ay ligtas na ligtas ako.


Dumating ang Lunes at halos tatlong oras lamang ang tulog ko. Lagi kasing tumatakbo sa isipan ko buong gabi ang mga mangyayari ngayong araw. Ngayon pa lamang ako makakaranas na mag aral sa isang private school. Iniisip ko kung may patakaran ba na dapat kong sundin na wala sa public schools. Iniisip ko din kung magkakaroon ba ako ng mga bagong kaibigan sa paaralan na iyon dahil lahat sila ay mga sosyal at ako ay jologs lang.

Naligo na ako at tinigil muna ang pag iisip ng kung ano-ano. Ah! Basta! Wala na akong pakialam sa ibang bagay basta ang alam ko ay kailangan ko mag aral ng mabuti para hindi ko mabigo ang Mommy ni Tyrelle na nagpapaaral sa akin. I will do my best to have high grades! Tama, iyon na lang ang iisipin ko.

Matapos ko maligo at mag ayos ay kumain na ako ng brunch. 11 am ang unang klase ko kaya ay kahit alas siyete na ako ng umaga nakatulog ay hindi pa naman ako mahuhuli sa klase.

Habang kumakain ay nagulat ako ng may kumatok sa pintuan. Binuksan iyon ni Inay at tumambad si Tyrelle galing sa labas.

"Oh, bakit ka nandito? Wala ka bang klase?" Sinalubong ko siya at hinalikan sa labi ng mabilis. Nagmano pa siya kay Inay at sumunod sa akin sa hapag.

"Ihahatid kita sa school." Aniya at napakalaki ng ngiti. Binigyan ko siya ng pinggan dahil baka hindi pa siya kumakain pero tinanggihan niya ito. "I'm done. Kumain na ako sa condo bago pumunta dito."

Kumunot ang noo ko. So galing siyang condo bago siya pumunta dito? "Tyrelle..." Tinaasan ko siya ng kilay. "9am ang pasok mo. Hindi ka pumasok?" Tanong ko.

Umiling lang siya at kinurot pa ang pisngi ko at tumawa. "First day pa lang naman eh. Gusto kita ihatid sa unang araw mo sa school."

"Tyrelle, hindi ako kindergarten na kailangan ihatid pa. Ang mahal mahal ng tuition fee sa school tapos di ka papasok."

Narinig pa naming nag TSK si Inay sa may sala, narinig yata ang usapan namin. Pinandilatan ko ng mata si Tyrelle, para sabihing ayan pati si Inay hindi nagustuhan ang di niya pagpasok. He just smiled like its just a small thing.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Where stories live. Discover now