Chapter 41: fought

2.2K 65 1
                                    

Joey's POV

Sumunod na sa akin sa Tyrelle sa hapag. Mula rito ay naririnig ko na ang tawanan ng mga kabanda ko sa may Veranda. Umupo na ako sa hapag at umupo na rin sa tapat ko si Tyrelle.

Nagkatinginan kami at naputol lang ng dumating si Lucy na may dalang Pitcher ng Juice.

"Lucy, sumabay ka na sa amin." Sabi ko pa. Umupo na rin si Lucy sa may tabi ko at nakikita ko pa sa mukha niya ang kilig kapag tinitingnan niya si Tyrelle. I'm used to it... Kahit noon pa sa school ay ganyan ang mga babae sa kanya. And i have no right to feel jealous or something... Iba noon at iba ang ngayon.

Nag umpisa na kaming kumain. Tahimik lang kaming tatlo hanggang sa matapos kumain. Tinulungan ko si Lucy na mag ligpit ng mga pinggan na pinagkainan namin. Lumapit sa akin si Tyrelle. "Si Weaver ba hindi na kakain?"

Sasagot na sana ako ng sumagot si Lucy para sa akin. "Magigising yun kapag nagutom." Aniya at kinikilig pa. I rolled my eyes. Sana ay hindi nila nakita ang naging reaksyon ko.

"Ah ganun ba?" Sabi ni Tyrelle. "Salamat pala sa Dinner ha?" Tumingin siya sa akin at akmang sasagot na sana ako ng umepal na naman si Lucy.

"Masarap ba ang luto ko?" Tanong niya kay Tyrelle. Isa pa Lucy, sasabunutan na kita. Sa isip ko.

"Oo masarap. Uhm, Joey.. I think i should go? Mukhang hinihintay ka na ng mga bisita mo." Hinugasan ko lang ang kamay ko sandali at naglakad papunta sa sala. Ramdam ko ang pag sunod ni Tyrelle sa akin. Inayos ko ang mga throw pillow sa kanilang pwesto. "Salamat ulit." Aniya.

Nilingon ko siya at nginitian. "You're welcome." Sabi ko at nag iwas ng tingin.

"Uhm... Joey?" Fûck! Why is my name sounds so interesting when it came out to his mouth?

"Yea?"

"Pwede ba ako bumalik dito bukas?" Kumalabog ang puso ko at hindi ko na alam kung bakit. Nag rereact ang sarili kong puso ng kusa kahit hindi ko ito inuutusan.

"Oo naman. Wala namang ginagawa si Weaver dahil bakasyon."

"Nag aaral na siya?" Tanong ni Tyrelle at para bang manghang mangha siya.

Tumango ako. "Nursery."

May itatanong pa sana siya ng biglang sumulpot ang kabanda kong si Don sa kung saan. Inakbayan niya si Tyrelle sa kabila at ako naman ay kanan.

"Ano ba? Mag k-kwentuhan na lang ba kayo rito o makikipag inuman kayo samin?" Tanong ni Don at pabalik balik ang tingin sa aming dalawa ni Tyrelle.

"Ahhh, ano kasi.." Napakamot ako ng aking ulo. "Uuwi na siya..." Sabi ko kay Don at tinuro si Tyrelle.

"Uuwi ka na pare? Bakit? Come on, let's drink." Binigyan ako ng mapagtanong na tingin ni Tyrelle na para bang hinihintay niya ang pagpayag ko kaya ay mabilis akong nagsalita.

"Do you wanna stay?" Tanong ko sa kanya habang si Don ay pabalik balik ang tingin sa amin.

"Do you want me to stay?" Tanong niya pabalik. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at sa kay Don na lang ibinaling ito dahil napapaso ako sa malalim niyang mga mata. It's like he's seducing me without even realizing it. Nakakainis na.


Buti na lang at nagsalita muli si Don at naibaling ang awkwardness na bumabalot sa amin kanina. "Come on, tara na don. We'll have a great night." Nagpatianod kami sa tulak ni Don sa amin mula sa kanyang pagkakaakbay. Nagbuntong hininga ako at pinakalma ang sarili dahil bumabalik muli ang mga memories na meron ako noon kasama siya.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz