Chapter 45: scared

2.8K 59 2
                                    

Joey's POV

Tulog pa rin si Tyrelle ng mapagdesisyonan kong magluto ng agahan. Lumabas ako sa aking kwarto at dumiretso sa kusina. Naroon si Lucy at inaabangan ang sinaing niya.

"Lucy, magluluto ako. Ibili mo ako ng mga ingredients." Isinulat ko sa papel ang mga kakailanganin ko at inabot ang papel kay Lucy.

Nang makaalis na si Lucy ay binuksan ko muna ang tv sa sala habang hinihintay siya. Napalingon ako sa nagbukas na pintuan at kakagising lang ni Alyana. Lumapit siya sa akin at humikab pa sa harapan ko.

"You guys were so loud last night Ate." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya sa akin. Narinig niya kami?

Kinunutan ko lang siya ng noo at hindi na pinatulan ang sinabi niya at baka madagdagan pa ang mga maririnig ko. "San ka ba galing kagabi at hindi man lang kita naabutan?"

Dahil sa sinabi ko ay hindi napakaling pumunta si Alyana sa kusina upang kumuha ng tubig. "Birthday kasi ng kaklase ko Ate." Lumabas din si Inay sa kanyang kwarto ilang sandali. Nakaligo na siya at ready ng umalis. Tinanong ko siya kung saan ang punta niya at may aasikasuhin lamang daw siya sa shop ng maaga at doon na raw siya mag aalmusal. Kahit ngayong medyo hindi na ako busy ay halos hindi ko pa rin makita sila Inay at Alyana.

Dumating si Lucy dala ang mga rekados at saka pa lamang ako nakapag umpisang magluto. Humalik si Inay sa amin bago siya tuluyang umalis na.

Napag isipan kong magluto ng carbonara dahil iyon ang paburito ni Weaver. Mabilis lang ito maluto kaya excited akong gisingin siya para matikman niya muli ang luto ko. Nang matapos akong magluto ay siya naman ang paglabas ni Tyrelle galing sa kwarto ko. Naka boxer shorts lang siya at puting sando. He stretched his long muscly arms and headed towards me. Kitang kita ko rin ang pagsunod ng mga mata nila Alyana at Lucy sa lalaking papalapit sa akin.

"Hi Kuya." Bati ng kapatid ko sa kay Tyrelle. Nang madaanan ni Tyrelle si Alyana ay ginulo lang nito ang buhok ng kapatid ko at nginitian ito. Nakipag apir pa siya kay Lucy ng lampasan niya rin ito. Tinaasan ko ng kilay si Tyrelle habang papalapit na siya ng papalapit sa akin. Halos mapatili naman ako ng dinausdos niya ang mga kamay niya sa aking bewang at pinagdikit ang mga katawan namin. May hawak pa akong tinidor kaya ay marahan ko siya hinampas gamit ito.

"Ty!" Saway ko sa kanya pero mas lalo niya lang pinagdidikit ang mga katawan namin. He sniffed my neck at halos manginig ang buo kong katawan. What is he doing?

"Good morning beautiful." Bulong niya sa akin.

Gusto kong itago ang ngiti ko kaya ay tumalikod ako sa kanya pero niyakap niya ako mula sa likuran. Para akong nakalutang sa ere sa mga nangyayari ngayon. Ang mga haplos niyang ilang taon kong inimagine at inalala. The warmth of his touch still feels the same. Walang pinagbago.

"Good morning Weav." Pareho kaming napabitaw sa isat'isa ng marinig iyon mula kay Alyana. Kakalabas lang ni Weaver mula sa kanyang kwarto. Lumapit si Tyrelle sa anak namin at kinarga ito.

"You hungry?" Tanong ni Tyrelle dito.

Tumango lang si Weaver at ngumuso tulad ng lagi niyang ginagawa.

"I cooked your favorite." Maligaya kong sambit.

Sabay sabay na kaming kumain na lima at maligaya akong nasarapan sila sa aking luto. Nang matapos ang agahan ay dumiretso na kami sa sala tulad ng madalas naming ginagawa noon ni Weaver kapag wala akong trabaho. Nanonood siya ng cartoons habang ako ay pinapanood ang mga reaksyon niya sa mga palabas. Kung dati  palaging ako lang at si Alyana ang katabi ni Weaver sa panonood ay nadagdagan na kami. Nandito na rin ang kanyang Papa para sabayan siya sa kanyang panonood.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora