Chapter 42: i love you

2.5K 66 1
                                    

Joey's POV

Naging malapit na kaagad si Weaver kay Tyrelle. Habang nag iinuman kami ay nag request pa ito sa kanyang ama na pakainin siya at subuan. He is literally doing this on purpose, nagpapalambing kumbaga. Sinunod naman ni Tyrelle ang request ni Weaver kaya naroon sila sa kusina kasama si Lucy.

Ang mga kabanda ko ay panay ang tanong sa akin tungkol kay Tyrelle. Wala akong ibang masagot kundi tango at iling lang. Hindi ko alam kung may karapatan ba akong tanungin ang mga tanong patungkol sa kanya.

Nilagok ko muli ang alak sa aking baso ng mapagtantong natahimik na muli kami. Ilang minuto na rin na walang nagsasalita ng biglang nagsalita si Bradley.

"Alam na ba ni Filtrix na bumalik na ang Papa ni Weaver?" Parang kinurot ang puso ko. Hindi ko pa nasasabi kay Filtrix ang tungkol doon dahil masyadong mabilis ang lahat ng pangyayari. Hindi ko na alam kung kelan at paano ko iyon sasabihin. Umiling lang ako kay Bradley at sa naging sagot ko ay tumikhim siya. "I don't want to get involve with your personal life but if Weaver's father and you are in love or whatsoever, be it. Just be honest to my bestfriend, Joey."

Mabilis akong umiling kay Bradley. It's not what he's thinking!

"He's just here for his child." Halos pabulong kong sabi.

"I don't think so. Kakasabi niya lang, he fought for you for five years and i don't think he's only here for his child. Ikaw ang binalikan niya dito, nagkataon lang na nalaman niyang may anak din kayo." Mas naging mapait ang tono ni Bradley.

Wala akong ibang masabi dahil kahit ako ay hindi ko pa masyadong maproseso ang lahat lahat ng natuklasan ko. Everything was so quick i can't hardly breathe.

The scenario is getting more awkward because of what Bradley said. Tumayo ako para makaiwas doon. "Balik ako..."

Umalis ako doon sa veranda at pumasok na sa loob. Nilamig ako bigla at hindi ko na alam kung saan ako papunta. Kung sa kusina ba kung nasaan ang anak ko o sa aking kwarto. Gusto ko na lang takasan silang lahat at mapag isa.

Napag desisyonan kong dumiretso na lang kung nasaan sina Weaver. Pumunta ako sa kusina pero wala sila doon. "Tyrelle..." Tawag ko sa kawalan at hinahanap sila. Lumabas si Lucy sa kanyang kwarto at tinuro ang kwarto ni Weaver na para bang sinasabing naroon sa kwartong iyon ang hinahanap ko.

Dumiretso ako sa kwarto ni Weaver at pagka bukas ko ng pinto ay nakaluhod sa may gilid ng maliit na kama si Tyrelle at hinahaplos ang buhok ng anak ko. Weaver is half asleep kaya dahan dahan akong pumasok sa loob. Lumingon sa akin si Tyrelle ng maramdaman ang pagpasok ko. His eyes were pitch black because of tipsiness. Lalong naidipina ang malalim niyang mga mata kapag pumupungay na ito. Halos manlambot ang mga tuhod ko.

Umupo ako sa may paanan ng kama, sinusundan ako ng titig ni Tyrelle. Tumigil siya sa kanyang ginagawa at sumandal sa pader at nakaupo siya sa may sahig. Ang kanyang siko ay nakapatong sa kanyang tuhod. Nakaangat ang kanyang ulo at nakatitig sa kisame. Seeing him next to my child was like my dream before. Akala ko magiging pangarap na lang iyon at hinding hindi na magkakatotoo. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil gusto kong malaman kung panaginip lang ba ito o totoo na. Tanging ang tunog lamang ng aircon sa loob ng kwarto ang naririnig ko dahil walang gustong magsalita saamin.

"Bakit mo ginawa ang mga ginawa mo? Bakit mo sinuway ang magulang mo?" Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko habang tinanong ko sa kanya iyon. Bumaba ang tingin niya at dumiretso sa akin. Nagbuntong hininga siya at saka naging mas seryoso ang ekspresyon ng mukha niya.

"Nung umagang umuwi tayo galing sa hotel ay iyon ang araw ng pag alis ko. Body guards are all over me, forcing and dragging me from the Mansion to the airport. My Mom was so eager to break us apart. No phone, No internet. Hindi ko alam kung paano kita kokontakin. But when i have a chance to contact you, out of coverage area na ang phone mo." Pag uumpisa niya.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon