Chapter 4: beat me

2.8K 84 1
                                    

Joey's POV

Habang kinakausap namin ang aming ika-apat na costumer sa bar na ito ay hindi ko mapigilang hindi malingon o tingnan kung ano ang ginagawa ng lalaking dahil ng lalong pagkayod ko na humanap ng pera ngayon. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi na sana ako kailangan pang mag ipon para sa bagong gitara.


I saw him drinking and laughing with someone. Hindi ako sigurado kung iyon ba ang kasama niya noong gabing nakita ko siya. Ibinaling ko naman ang aking atensyon sa kumakanta sa intablado. It's an acoustic band at ang sarap pakinggan ng boses ng bokalista. Malumanay at walang halong rock ito. It's another jan dra na gustong gusto ko.


"Joey, kukuha daw sila ng tatlong bote." Naibalik ako sa aking huwisyo ng sikuhin ako ni Ana. Nataranta akong tinawag ang aming sales manager para bigyan ng tatlong bote ang mga ito.

Matapos ang kabilang table ay alam ko kung saan kami susunod na pupunta. Hindi ako mapakali, pakiramdam ko kasi ay sasabog na ako dahil sa inis. Hindi ko yata kayang makita ng harapharapan ang lalaking iyon. Nakita kong lumihis ng daan si Sarah at agad na dumiretso sa table nila. "May problema ka ba? Kanina ka pa naglalabas ng mabibigat na buntong hininga." Tinapik ko lang ang balikat ni Ana upang sabihing ayos lamang ako. Pakiramdam ko lang ay sasakit ang tiyan ko ano mang oras.


Pagewang gewang na lumapit si Sarah sa table nila Lalim. I rolled my eyes. She's drunk at hindi ko na alam kung kaya ko pang sabayan ang kalasingan niya ngayon pa't halos kaharap ko na ang lalaking kanina ko pa gusto bayagan.

Nang makalapit kami ng tuluyan ay lumabas kaagad ang kanyang malalim na dimple. You can't blame me kung tatawagin ko siyang lalim dahil sobrang lalim talaga ng dimple niya. Halos ilahad na niya ang kanyang mga bisig ng lumapit si Sarah. "Hi, pogi." Naku po! Eto na naman siya.


"Sarah, tama na. Lasing ka na. Kami na bahala dito." Bulong ko sa kanya. Nakita ko naman kung paano ako panliitan ng mata ng lalaking nakaakbay sa kanya.


"Woo! Miss Ninakawan ng Gitara! What brought you here?" He's smiling like a moron. Hindi ko na mawari kong ano pa ang kayang ikutin ng aking eyeballs. Nakakainis! Bulag ba siya? Halata naman siguro sa suot namin na promo girl kami hindi ba? At talaga naman! Kailangan pa ba niyang ipaalala sa akin ang gitara ko?

Nilingon ko si Ana na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa aming dalawa ni Lalim. Ayokong magsalita ng hindi maganda dahil costumer siya and costumers are always right. Binulungan ko si Ana na siya na lang ang kumausap sa lalaking ito dahil hindi ko talaga ma-take.


"Sir, may alak kaming inooffer. Fifty percent off po ito dahil wala pa naman siya sa market. Hopefully kayo po sana ang magiging last costumer namin for tonight." Ani ni Ana. Nakita ko pang parang baliw na tango ng tango ang lalaking kasama ni Lalim na para bang sang ayon na sang ayon siya sa mga sinasabi ni Ana.

"Ty, come on, bili tayo. Nakakahiya naman sa mga magagandang chick na ito kung di tayo bibili. Huling costumer daw nila tayo oh." Ani ng kasama ni Lalim na sa itsura pa lang ay mahahalata mo na kung ilang babae ang pinaiyak niya. Tsk! Playboy!


"May alak pa tayo, pero sige. I want Miss Ninakawan ng Gitara to convince us more about your product." Nanlaki ang mata ko ng lingunin ko siya. He's playfully embarrassing me at alam ko ang larong gusto niyang mangyari. He is playing superior dahil ako ang may kailangan sa kanya, dahil kailangan ko ng benta. But i won't take his bate.


"Actually, madami pa naman tayong table na hindi pa napupuntahan. Huwag na nating pilitin ang ayaw." I said sarcastically.


Siniko naman ako ni Ana at nginuso niya ang kasama naming si Sarah. "Hindi na kaya ni Sarah kung pupunta pa tayo sa ibang table. Sige na kasi, convince them. Magaling ka naman doon eh." Pero tama si Ana, mukhang isang table na lang ay bibigay na talaga ang kasama namin.


Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Where stories live. Discover now