Chapter 38: cake

2.1K 66 1
                                    

Joey's POV

Hindi ako nakatulog dahil sa sobrang pag iisip. Hindi ko alam kung kailangan ko na bang umalis sa lugar na ito at lumipat ng ibang condo. Pero kung gagawin ko iyon ay baka magkita ulit kami at lilipat na naman ako. Hindi pwedeng palagi ko na lang takasan ang mga problema. Hindi naman pwedeng palagi ko siyang tatakasan dahil alam kong impossibleng hindi muli mag krus ang landas namin.

Pinuntahan niya ako sa mall tour ko at alam kung hindi lang iyon ang huling beses na gagawin niya iyon. I know Tyrelle. He's a manipulating monster. Nagawa niya akong paikutin noon sa mga kasinungalingan niya at malabong hindi ulit iyon mangyari.

"Nay, aalis ka din ba? Babalik ka sa store?" Tanong ko kay Inay ng makitang bagong ligo siya at mukhang aalis. Si Inay ay palaging nasa store at doon ginuguhol ang oras niya. Nagpatayo kasi ako ng maliit na guitar shop malapit lang dito sa condo. Minsan naroon ako kapag wala masyadong ginagawa. Pati si Alyana rin ay naroon.

"Oo anak. Sino pa ba ang magbabantay don? Si Alyana? Eh mukhang tulog na tulog pa." Umiling ako dahil mukhang mas puyat pa yata ang kapatid ko kesa sa akin.

Hinalikan ko si Inay sa pisngi at saka na siya lumabas ng pintuan. Naisipan kong magluto ng  breakfast. Inihanda ko na ang kanin na natira kahapon para isangag. Tinali ko muna ang buhok ko bago ako mag umpisang magluto. Nagluto din ako ng sunny side up eggs, hotdogs at ham. Inayos ko na ang lamesa ng matapos ako ng lumabas si Lucy at mukhang kakagising lang.

"Ate, sorry. Maaga pala kayo gigising." Sabi niya at umaksyon sa kusina.

"Ayos lang Lucy. Di talaga ako nakatulog kaya naisipan ko na lang magluto ng breakfast. Puntahan mo na lang si Weaver sa kwarto niya." Sabi ko kay Lucy habang nag sasalin ng kape sa aking tasa.

"Sige po te." Aniya at agad na pumasok sa kwarto ng anak ko.

Ilang sandali pa ay hawak hawak na niya si Weaver na halatang kakagising lang. Dahan dahan siyang lumapit sa akin at saka tahimik na yumakap sa akin. He's so quiet every morning pero kapag nahimasmasan na siya ng breakfast ay magdadaldal na ulit siya at mangungulit.

Ginulo ko ang buhok ng anak ko at hinalikan siya sa ulo. "Good morning. Breakfast na tayo? I cooked." Ngumiti siya at saka inangat sa akin ang paningin.

Pinaupo na siya ni Lucy sa upuan at sabay sabay na kaming kumain. Kapag may ibang tao ay kumakain lang ng mag isa si Weaver pero kapag kami kami lang ay nagpapa subo pa ito. Sinusubuan siya ni Lucy habang kumakain din ito.

"Lucy, mamaya aalis ako may rehearsal kami. Tandaan mo itong sasabihin ko sayo ha? Wag na wag kang magpapapasok ng hindi mo kilala. Kahit gwapo pa yan. Kahit may dimple pa yan." Sabi ko. Inalala ang bawat parte ng mukha ni Tyrelle.

Tumawa si Lucy. Pinanliitan ko lang siya ng mata. Huminto siya sa kakatawa. "Si ate talaga. Di naman po ako mahilig sa gwapo eh." Aniya. The way she said it ay hindi na ako naniwala. Kinikilig siya at parang kinikiliti ng demonyo.

"Basta, wag kang magpapapasok. Please lang." Sabi ko at saka na tumayo para maligo.

Matapos ko maligo ay nag ayos na ako para hindi mahuli sa rehearsal namin. Lumabas ako ng kwarto ko at naabutan ko doon si Weaver na nanonood ng cartoons sa sala. Si Lucy naman ay naglilinis sa kusina.

"Lucy, tulog pa rin si Alyana?" Inaayos ko na ang sapatos ko at umupo sa sofa. Tinabihan ko ang anak ko at busy sya sa tv kaya hindi niya ako pinapansin.

"Di pa po te. Gisingin ko ba?" Umiling ako at saka tumayo.

"Huwag na. Aalis na ako. Iyong binilin ko sayo kanina ha? Wag magpapapasok." Hinalikan ko na si Weaver at nakita kong tumango lang si Lucy. Umalis na ako at nanalangin na wala akong makasabay sa elevator na hindi kanais nais. Please, all i need is to reach the basement without seeing him. Panalangin ko.




Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Where stories live. Discover now