Chapter 39: can't escape

2.1K 57 1
                                    

Joey's POV

Matapos ang rehearsal ay napag desisyonan kong dumaan muna sa store. Dumating ako roon bandang alas onse na ng umaga. Dinalhan ko rin ng makakain si Inay baka sakaling hindi pa siya kumakain.

Pagkapasok ko sa store ay binati agad ako ni Rona iyong empleyado namin. Tinanong ko sa kanya kung nasaan si Inay at tinuro niya iyong sa may counter area. Lumapit ako roon at nakitang nakaupo si Inay sa may swivel chair at tawa siya ng tawa dahil sa pinapanood sa desktop. Tinanggal ni Inay ang headphones niya ng makita ako. Hindi pa rin humupa ang tawa niya kaya naman ay natawa na rin ako.

"Nay, nagdala ako ng pagkain para sa inyo." Sabi ko at saka inabot sa kanya ang supot. Inabot iyon ni Inay at saka bumalik sa pagkakaupo.

"Ikaw lang mag isa? Asaan ang apo ko?" Tanong niya.

Lumingon ako sa likod bago sumagot na hindi ko kasama si Weaver. "Galing kasi akong rehearsal Nay kaya dumiretso muna ako dito para dalhan ka ng pagkain at kamustahin itong store." Nagpalinga linga ako sa paligid at pinasadahan ang mga gitarang nakasabit sa display.

"Ganun ba? Kumain ka na ba?" Tanong ni Inay habang inuumpisahan ng kainin ang pagkain na dinala ko.

"Opo..." Biglang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko muna ito. "Tumatawag si Alyana Nay, wait lang po." Pumunta ako sa gilid at halos mapatalong ako sa lakas ng sigaw ni Alyana sa kabilang linya.

"Ateeeee!" Kumunot ang noo ko. May problema alam ko kaya ginapangan ako ng kaba.

"Alyana? Anong nangyari?"

"Ate, please umuwi ka na! G-galing d-dito si si..." Aniya sa nanginginig na boses.

"Sino Alyana?!!" Halos pasigaw na rin ako. Nilingon ko si Inay na nakakunot ang noo habang nakikinig sa akin.

"Si k-kuya Tyrelle galing dito Ate!" Nang marinig ang pangalan na iyon ay dumoble pa ang kaba sa puso ko. Shît! "Pumasok siya sa bahay tapos nakita niya si Weaver... Tapos tinanong niya ako kung anak mo si Weaver syempre sabi ko, hindi dahil ako ang Mama niya. Tapos sabi niya, impossibleng magkaroon ako ng anak na kasing edad ni Weaver and Weaver might be his son." Sunod sunod na sabi ni Alyana. Tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung paano ko ipo-proseso ang lahat ng mga narinig.

Dumating na nga ba ang kinakatakutan ko? Kailangan kong makauwi at puntahan ang anak ko. Pinutol ko na ang tawag at saka pinasok sa loob ng bag ko ang aking cellphone. Sandali akong lumingon kay Inay at kita niya ang mga luha sa aking mata. Kita ko rin ang pag aalala sa mukha ni Inay.

"Joeylina anong problema?" Tanong ni Inay. Nilapitan ko siya at saka hinalikan sa noo at hindi na ako nakapagsalita pa. Mabilis akong umalis pauwi ng bahay.

Halos hindi ko na alam kung paano ako nakarating sa condo ng ganoon kabilis. Tinakbo ko na ang pagitan ng store at ng condo. Bumukas ang lift sa floor namin at mabilis kong hinanap ang susi ko. Binuksan ko iyon at ang anak kong nanonood ng tv ang naabutan ko. May hawak siyang platito at may laman itong cake. Chocolate cake, at hindi iyon ang cake namin kahapon sa birthday party niya. Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya.

Lumabas si Alyana sa loob ng kwarto niya at namamaga ang mata. Umupo siya sa carpet at niyakap ang binti ko.

"Ate i'm sorry... Hindi ko alam kung paano siya nakapasok dito sa bahay. Ang sabi ni Lucy ay si Weaver daw ang nagpapasok rito habang naliligo siya." Umiiyak na sambit ng kapatid ko sa akin.

Mariin kong pinikit ang mata ko. Tinawag ko si Lucy at kita ko ang takot sa kanya ng humarap siya sa akin.

"Lucy, diba ang sabi ko sayo... Wag na wag kang magpapapasok ng ibang tao dito. Bakit nakapasok iyong lalaki kanina?" Gusto kong sumigaw pero dahil katabi ko ang anak ko ay hindi ko ginawa. Nakatingin lamang si Weaver sa amin habang busy sa pagkain ng cake.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Where stories live. Discover now