Chapter 19: naaakit

2.4K 65 2
                                    

Joey's POV

Maligaya akong nagising kinabukasan. Paggising ko, ang una kong ginawa ay ang magdasal at magpasalamat sa Diyos. Alam ko si Tyrelle ang sagot sa matagal ko ng dasal na sana may maging instrumento para maka move on ako sa masasakit na nangyari sa akin at maramdaman muli ang tunay na kaligayahan.

Hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na siya. Madalas din siya sa bahay at minsan sinasamahan namin si Alyana sa kanyang mga therapies. Ilang linggo na rin ang dumaan at ngayong araw ang araw na magpapa enroll na kami ni Tyrelle sa school.

Excited ako pero mas kinakabahan ako sa dahil hindi ko alam kung paano ako mag f-fit in sa lugar na ito. Naku, halos lahat yata ng estudyante rito ay may sasakyan!

Nag park na kami ni Tyrelle sa loob ng campus. Pinasadahan ko ito, napakalaki nito sa loob.

Pinagbuksan ako ni Tyrelle ng pintuan at kinuha ang kamay ko upang pagsalikop ito sa kanya. Nang init ang pisngi ko dahil halos lahat ng tao rito ay napapatingin sa aming dalawa. I know Tyrelle studied here for a long time pero hindi ko akalain na kilala siya rito sa school. Halos lahat kasi ay binabati siya.

Dumiretso muna kami sa registrar's office at may kinausap siyang taga roon habang ako ay naghihintay sa kanya. Nang matapos siya ay dumiretso naman kami sa cashier upang mag bayad yata ng deposit. I was shocked when i found out the amount of money Tyrelle paid at the cashier. Grabe, ang mahal mahal pala sa school na ito. Kailangan kong galingan lalo sa pag aaral at ayokong mabigo ang Mommy ni Tyrelle sa akin. Ayokong magsisi siya na ako ang napili niya sa isa sa  scholars ng kanyang charity.


Madami dami na rin ang napuntahan namin kaya nag aya na siyang kumain muna kami. Dumiretso kami sa cafeteria, madaming tao pero sa laki nito ay kayang kaya i accommodate ang mga tao.

"You wait for me here, i'll order our food." Aniya. Umupo na ako sa bakanteng upuan at nagpalinga linga sa paligid.

Halatang lahat ng tao rito ay mayayaman. They all got the same phones and signature bags. I looked at my hand crafted bag that my Nanay made for me. Di ko mapigilan ang mapangiti ng haplusin ko ang bag ko. Para sa akin mahal pa ito sa mga bag nila dahil pinagpaguran ito gawin ng Nanay ko. I looked at my phone, walang camera iyon pero napangiti ako ng maalala ko na ito ang binili ko sa pinaka una kong sweldo sa pagbabanda.

Dumating na si Tyrelle at may dala na siyang mga pagkain. He ordered pasta for me at ganoon din ang inorder niya.

"Pagod ka na ba?" Tanong niya dahil medyo marami na rin kaming napuntahan kanina. Ang laki naman kasi ng school na ito, nakakapagod itong libutin.


"Hindi naman masyado. Marami pa ba tayong lalakarin?" Tanong ko sa kanya.


"Isa na lang, sa encoding department. Printing of study loads na lang yata at pwede na tayong umuwi." Tumango ako at sinipsip ang juice na binigay niya sa akin. "Naghihintay na sina Alyana sa pag uwi natin, napangakuan ko siya kahapon na mag swimming sa condo." Kumunot ang noo ko. Aba't hindi ko alam na may usapan na pala silang magswimming.


"Talaga? Ngayon na ba yun?" Agad kong inubos ang kaonting subo na natitira. Gusto ko na lang matapos ang kung ano man ang dapat pa naming lakarin dito sa school at nang makapag swimming na kami. Excited tuloy ako.

Natawa naman si Tyrelle ng makitang mabilis kong naubos ang pagkain ko. "Bilis ah!" Tumawa na rin ako.

Nang paalis na kami sa Cafeteria ay may tatlong babaeng lumapit sa amin.

"Hi Ty..." Ani ng babaeng naka dress sa kanila. Ang pagkakakulot ng kanyang buhok ay parang manika. She has this long thick lashes that you can't get your eyes off of it. Nilingon ako ni Tyrelle at hinawakan niya ang kamay ko. Nakita kong umismid ang babaeng nagsalita kanina. Ang dalawang babaeng nasa likod niya ay nakataas pa ang kilay. "You're still at Ateneo. I thought you'll be studying abroad?"


Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon