Chapter 40: a chance

2.2K 56 1
                                    

Joey's POV

Namamaga ang mata ko kinabukasan ng magising ako. Hindi na ako nakakain kagabi dahil sa sobrang pag iyak. Naiinis ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon ay apektado pa rin ako sa mga nangyari noon. Nasasaktan pa rin ako kahit matagal na panahon na iyong nangyari. Hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin para lang makalaya sa sakit.

Bago pa man ako nakatayo sa kama ay bumukas na ang pintuan ng aking kwarto. Iniluwa noon si Weaver na may hawak na batman sa kanyang kamay, tumatakbo siya papalapit sa akin. Umupo ako at sinalubong siya ng yakap.

"Mama, are you still sick?" Tanong niya, nag aalala sa akin. Nginitian ko lang siya at pinasadahan ko ng aking daliri ang buhok niya. My son is my strength and i don't know what will i do without him. Imbis na kamuhian ko ang ama niya, dapat mas maging thankful akong nakilala ko siya. Dahil sa kanya nabuo si Weaver at kung ibabalik ang panahon, pipiliin ko pa rin masaktan kung ang kapalit ay ang anak ko.

Niyakap ko ang anak ko. He hugged me back with the same tightness. Bigla na lang siya humiwalay ng mapansing naiipit na iyong laruan niyang Batman.

"Mama, come on... Eat your breakfast!" Hinila ni Weaver ang kamay ko at pinapatayo ako. Hinawi ko ang kumot sa aking katawan at saka tumayo na. Nagpatianod ako sa kanya hanggang sa makarating na kami sa sala.

But i'm shocked when i saw Tyrelle sitting in our sofa. Magkasalikop ang kanyang mga daliri at ang kanyang braso ay nakapatong sa kanyang tuhod na para bang kanina pa siya roon naghihintay. Kumunot ang noo ko. Why is he here again?

Nakita ko ang pag angat ng ulo niya dahilan para makita niya ako. Shît! Bigla naman akong ginapangan ng hiya dahil kakagising ko lang at baka may muta pa ako. He looked fresh at mukhang kakaligo lang niya dahil hanggang dito ay naamoy ko ang bango ng kanyang shower gel. Tumayo siya bigla.

Inayos ko naman ang pagkakatayo ko at naramdaman kong bumitaw na si Weaver sa paghihila sa akin. Tahimik lang kaming nagkatitigan ni Tyrelle. This is getting awkward. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin.

Umupo si Weaver sa may tabi ni Tyrelle at nakita ko pang hinila ng anak ko ang kamay nito. "Sit..." Sabi ni Weaver. Ngumiti lang si Tyrelle sa kanya at sinunod ang sinabi niya. Umupo ito pero nakatingin pa rin sa akin.

Nagbuntong hininga na lamang ako at hindi na nagtanong kung paano na naman nakapasok itong lalaking ito rito sa amin. He knew about his son now so maybe i'll get to see him more often now. Nilagpasan ko silang mag ama at saka dumiretso sa kusina.

Hinanap ko si Lucy sa aking utak pero parang nabasa niya ang nasa isip ko at bigla na lang itong nagpakita.

"Nag breakfast na kayo?" Tanong ko rito.

"Opo Te. Nagdala kasi si Pugi ng pagkain kanina. Ang aga nga niyan dito eh." Nilingon ko saglit ang sala at bumalik ako sa usapan namin ni Lucy.

"Pinapasok mo na naman?" Bulong ko dahil baka marinig ako.

"Eh diba Te nag usap naman kayo kagabi? Kilala mo kaya pinapasok ko na." I rolled my eyes at Lucy. Wala na rin naman akong magagawa dahil nandito na siya.

"Sige, igawa mo na lang ako ng sandwich." Sabi ko.

Kumuha ako ng fresh milk sa ref at ng baso. Lumapit ako sa may kitchen counter upang doon magsalin. Mas kita ko kasi ang sala mula rito. Habang umiinom ng gatas at hinihintay ang sandwich na ginagawa ni Lucy ay hindi ko mapigilan ang pagmasdan ang dalawa doon sa sala.

Their actions are like synchronized. Kung paano umupo si Tyrelle ay ganoon din si Weaver. Nakasandal silang pareho at nakabukaka habang ang dalawang kamay ay nasa gitna ng kanilang hita.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Where stories live. Discover now