Chapter 8: burnt

2.9K 81 1
                                    

Tyrelle's POV

"Tyrelle! Ito na yun! Ito na talaga!" Excited niyang sambit sa akin. Halata sa kanyang mukha na gustong gusto niya ang gitarang napili.


"Okay... Okay..." Natatawa kong sambit. Ayaw niya kasing bitawan ang gitara kahit kinukuha na iyon ng sales lady para bayaran.


Dumiretso na ako sa counter at binayaran ang gitarang napili ni Joey. It's color brown, like the usual. Wala namang special sa itsura ng gitara na ito pero kung yakapin niya ay akala mo ay may nakakabit na ginto rito.

"By the way... It cost fifteen thousand. Iyong ninakaw na gitara ko kasi ganitong ganito iyon at pareho sila ng presyo." Aniya. I don't mind the price actually, hindi na niya kailangan magpaliwanag.

"It's fine, don't worry." She hugged me after i said that. I don't know but her hug added to the fire to my question kung nahuhulog na ba ako sa kanya. Pinasisikip niya ang puso ko ng walang dahilan, hindi na ito normal alam ko.



After that day at the mall, i find my self watching her performance every night at Elvis's bar. Pinipilit kong hindi uminom gaano para kapag oras na niyang tutogtog ay maaliwalas ako at nasa matinong pag iisip.

Tuwing kumakanta siya at tuwing hinahaplos niya ang gitarang binili ko sa kanya ay parang hinahaplos din ang puso ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa sarili kong puso na huminahon siya dahil attraction lang itong nararamdaman niya at wala ng iba. Gusto ko maging klaro sa sarili ko kung ano ba ang pakay ko sa babaeng ito. Should i court her? Should i pursue her? Hindi ko alam. Basta ang alam ko, tuwing nakikita ko siya at napapanood na kumanta ay nahuhumaling lalo ako sa kanya.


Sa ilang linggo ko nang panonood sa kanya sa malayo ay ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para lapitan siyang muli. I gathered all my strength to talk to her. Lumapit ako sa table nilang magbanda. They were laughing and drinking when i poked her. Marahas siyang lumingon sa gawi ko at napangiti ng makita ako. I smiled at her. I congratulate her at sinabi kong napakagaling niya.

"Thank you. Sinong kasama mo? Tara dito ka na sa table namin." Hinila niya ako paupo sa upuan kaya wala na akong nagawa kundi ang umupo doon. Deep inside i like what she did. Iyon talaga ang gusto kong mangyari ang makasama siya. "Kilala mo na ba ang mga kabanda ko?" Ngumit lang ako at isa isa na niya pinakilala ang mga iyon sa akin. "This is Atan, siya ang bass guitarist namin. Ito naman si Ram ang keyboards and this is Gerry..." Itinuro niya ang lalaking kanina pa ako gustong lunurin sa sama ng tingin sa akin.

"Boyfriend niya." Sagot nung Gerry na ikinabahala ng puso ko. Para bang napunit ito na parang manipis na papel.


"Ex- boyfriend." Pagtatama ni Joey. After what she said ay parang tinahing papel naman ang puso ko at tuloy sa normal na pagtibok nito. I sighed. "Wag ka ngang feeling Gerry." Natatawang sambit niya pa. Nag appear sila ng mga kabanda niya maliban kay Gerry na mukhang sasabog na sa galit. I don't care, as long as he is already an ex -boyfriend, magalit siya all he want!



Nag umpisa na silang uminom at binigyan rin ako ng alak ni Joey. Ininom ko iyon ng walang pagdadalawang isip. But when i felt her soft voice under my ear ay halos tumaas lahat ng buhok ko sa katawan.

"Don't drink too much. Mabigat ka at ayaw ko nang mag uwi ng lasing sa bahay." Bulong niya at tumawa bigla. Simpleng bulong lamang iyon pero kung makapag react naman itong katawan ko ay parang wala ng bukas.

Hindi ko alam kung anong kagaguhan ang pumasok sa isip ko para uminom ng madami at hayaang malasing ang sarili ko muli para iuwi ako ni Joey sa kanila. Pinilit kong labanan ang kalasingan ko upang maramdaman ko ang prisensya niya sa paligid. Pero hindi talaga kaya ng katawan ko at hilong hilo na ako. Umiikot ang buong paligid at iyon na lang ang natandaan ko.


Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora