Chapter 23: don't and won't

2.3K 58 1
                                    

Joey's POV

Matapos ko maglaba ay nakita kong mahimbing ng natutulog si Tyrelle. Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan siya. This guy in front of me is the love of my life. I gave him all of me at hinding hindi ako magsisisi.

Pinasadahan ko ng aking daliri ang kanyang buhok. bahagya siyang gumalaw. I smiled and gave him a goodnight kiss. Tumabi ako sa kanya ng dahan dahan dahil takot akong magising siya. And i dozed off.

Pag gising ko ay wala na si Tyrelle sa aking tabi. Maaga ang pasok niya today. Siguro ay nasa school na iyon by now. Tumayo na ako at nagligpit ng kama. Pag labas ko ng kwarto ay handa na ang almusal. Nakita kong nanonood si Inay ng tv.

"Nay? Kelan pa po naayos yung tv natin?" Tanong ko sa kanya. "Pumasok na po si Alyana? Ano oras po nagising si Tyrelle?" Sunod sunod na tanong ko. Napailing na lang at dumiretso na sa hapag upang makakain.


"May dumating dito na mag aayos at nagpakabit ng cable si Tyrelle. Nasa school na din ang kapatid mo." Sabi niya at hindi maalis ang mata sa tv. Nag umpisa naman akong kumain. "O nga pala anak..." Lumapit si Inay sa akin at may nilapag siyang susi sa lamesa. "Sabi ni Tyrelle gamitin mo na daw ang sasakyan niya pag pasok mo." Kumunot ang noo ko at halos mabilaukan na.


"Ano po? Pano po siya pumasok?" Tanong ko. Nag uumpisa na akong mag tipa ng mensahe para kay Tyrelle. Bakit niya ginawa yun?


"Nagtaxi yata siya." Sabi ni Inay at busy pa rin sa panonood ng tv. Umiling na lamang ako at ng mabuo na ang mensahe ko ay sinend ko na kaagad iyon.


To Tyrelle: Ty, bakit ka nagtaxi? Bakit mo iniwan ang sasakyan mo? Pwede naman ako mag commute.

Ilang sandali pa at nagreply na kaagad siya.


From Tyrelle: Ayoko mahirapan ka sa pag commute. Use my car. Drive safely. I love you.


Gusto kong magalit pero paano kung ganito siya sa akin? Hindi ko alam kung masyado ba niya ako iniispoiled o talagang ganito lang siya kung magmahal. Ayoko masanay na palaging ganito, na nakukuha ang mga bagay bagay ng mabilisan. Ang gusto ko palagi ay pinaghihirapan ko ang mga bagay bagay.


To Tyrelle: This would be the last time na papahiram mo sa akin ang sasakyan mo. I know how to drive, yes, pero hindi ako sanay ng nagkokotse kapag may pupuntahan ako. Please... Promise me this would be the last.


From Tyrelle: I promise. I said, i love you.

Ngumit ako. Gusto ko siyang yakapin ngayon din.

To Tyrelle: I love you too.


Matapos ko mag almusal ay nakinood na rin ako kay Inay ng tv. Na miss ko to! Ang tagal din kasing walang signal ang tv namin, sobrang labo nito. Wala kaming sofa kaya naman ay nakaupo lamang kami sa tig iisang upuan para sa hapag. Ilang sandali pa ay naligo na rin ako at nag ayos na para makapunta sa school.



I parked where Tyrelle parked yesterday. Dumiretso na ako sa unang subject ko. Nang mahanap ko ang classroom ay pumasok na ako sa loob. Wala pa rin si Gail at ganun din sina Tosca at ang kanyang mga kaibigan.

Niyakap ko ang sarili ko at lalong dinama ang jacket sa aking katawan. Buti na lang at nagdala ako ng jacket dahil kahapon ay sobrang lamig na lamig ako at araw araw na akong magdadala nito.

I rolled my eyes when Tosca and her friends came. Halos pareho silang tatlo ng galaw at kilos. They sat beside me. Gusto ko sanang sabihin na nilaan ko na ang upuan na yun para kay Gail pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko silang kausapin. Ayaw kong masira ang araw ko ngayon. But who am i kidding?


Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon