Wakas

4.4K 113 23
                                    

Tyrelle's POV

Niyakap ko si Ate ng makita ko siyang lumabas ng airport. Malugod din niya akong niyakap pabalik. Kasama niya ang Yaya ng pamangkin kong si Naix. Kinarga ko si Naix at hinalikan siya sa pisngi. Palinga linga naman sa paligid si Ate. Siguro ay nanibago sa Pilipinas.

Sinundo ko sila sa Airport ng ako lang mag isa. Naghahanda pa kasi si Joey sa pagdating nila at magluluto daw siya ng mga Filipino food na tiyak namiss ng kapatid ko doon sa Canada. Hinayaan ko na lang ang gusto ni Joey dahil ang sabi niya ay iyon lang daw ang magagawa niya at maibibigay sa Ate ko. She's so sweet. Wife material na talaga siya ngayon at hindi na ako makakapag hintay na maging asawa siya.

Dumiretso na kami ni Ate sa condominium kung saan ako nag sstay. Pinipilit ako ni Ate na umuwi kasama siya sa Mansyon pero hindi ako pumayag. Nangako lang ako na dadalo ako sa Party ni Mama bukas basta sumama lang siya sa akin para makilala niya ang mga taong gusto kong makilala niya.

Umakyat na kami sa lift at ang sabi ni Joey ay dumiretso muna kami sa unit ko dahil ihahatid na lang niya ang mga pagkain doon. Pumasok kami sa loob ng aking unit at palinga linga ang kapatid ko sa buong lugar.

"God, Tyrelle... You live here? Your bedroom inside the Mansion is bigger than this whole place!" Napailing na lang ako sa kay Ate ng sabihin niya iyon. Kakabukas ko lang ng aircon kaya alam kong ramdam nila ang init sa buong bahay.

"Kontento na ako rito Ate. Isa pa, i'm planning to buy a house, smaller than the Mansion ofcourse. Pero sisiguraduhin ko magiging masaya ang tahanan na iyon." Bigla ko tuloy naalala ang childhood ko sa bahay nila Mama. I felt like i live in a huge cage.

"Why? You getting married?" Sumalampak  siya sa sofa at humalikipkip. Hawak ko naman ang cellphone ko at tinext ko si Joey na narito na kami sa loob ng unit.

Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya. Lahat ng aircon sa unit ko ay binuksan ko na. Ofcourse, nakatira ang mga ito sa Canada at napaka lamig roon.

"It's getting colder." Maligayang sambit ni Naix ng maramdaman na niyang lumalamig na ang bahay. Napangiti naman ako at hindi ko mapagkakailang may mga similarities sila ng pinsan niyang si Weaver.

Tumunog ang doorbell at aligaga akong tumayo para pag buksan iyon. Nang buksan ko ang pintuan ay tumambad sa akin si Lucy na may dalang tray. Pinapasok ko siya at nilingon ko ang kapatid ko na ngayon ay nakataas ang kilay. Siguro iniisip niya na si Lucy ay si Joey. I'm laughing inside my head. Ilang sandali pang sumunod din si Joey na may hawak rin na tray na may mga pagkain. Nasa likuran niya si Weaver at hawak hawak ang damit ng kanyang Mama sa likuran. Nakangiti akong tinitigan ang babaeng nagbigay sa akin ng rason para lumaban.

She's so beautiful. Her glowing skin is getting more radiant than it actually was. Her thin lips and inside of those are her perfect pearl teeth. Her brows that perfectly fit on her expressive pair of eyes. And her nose... I want to bite it but i'm afraid it won't be perfect anymore if i'll do that.

Binigyan ako ng wag mo akong titigan look ni Joey. I smiled and guided her inside. Nakita ko kung paano napatayo ang kapatid ko ng makita si Joey. Dumiretso din ang mga mata niya sa batang nasa likuran ng babaeng nasa harapan niya ngayon. Kinuha ko ang tray na hawak ni Joey at agad siyang lumapit kay Ate. Nilapag ko ang tray at kita ko kung makikipag kamay sana si Joey pero niyakap siya ng kapatid ko. My heart melted. I wish that my Mom will do exactly what my Ate did. Ang yakapin at buong pusong tanggapin ang babaeng mahal ko.

Humiwalay sa yakap si Ate at hinawakan ang magkabilang balikat ni Joey. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. "Oh God. You're so pretty. Kung i describe ka sa akin ni Tyrelle noon ay parang hindi totoo pero, look at you... Ang ganda mo!" I saw how Joey's cheeks turned red.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Where stories live. Discover now