Chapter 14: end it

2.6K 75 1
                                    

Joey's POV

Matapos ko maligo at makapag ayos ay ilang minuto dumating na si Tyrelle. Pumasok siya sa loob ng bahay at malugod siyang sinalubong ni Alyana. Aba't mukhang close na rin ang dalawa ah! May dala siya para dito na mga damit at sapatos. Pati kay Ina'y ay may dala rin siya. Kahit wala siyang dala para sa akin ay hindi na ako naglekramo pa. Sapat na saakin na makita ang nanay at kapatid kong masaya sa mga natanggap nila.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na kami ni Tyrelle ay dumiretso sa kanyang sasakyan. Nang makaupo ako sa front seat ay may kinuha si Tyrelle na kung ano sa compartment. Pumasok siya sa driver seat at may malaking bouquet of flowers siyang dala. Kulay puti ang mga rosas at napaka ganda ng mga ito. Umaalingasaw ang mabangong amoy sa loob ng kotse. Inabot niya sa akin ito. Halos hindi pa ako makapaniwalang binigyan niya ako ng rosas! Ito na yata ang kauna unahang pagkakataong mabibigyan ako ng rosas.

"Para sakin?" Tinuro ko ang sarili ko. Mukha akong tanga na nakanganga sa sobrang pagkamangha sa mga ito. Its huge and so beautiful. Tinanggap ko ang mga ito at hinaplos. "Salamat." Kinindatan lang ako ng mokong. Tss. Pasalamat siya cute siya, gwapo siya, mabango siya at kung ano ano pa! Grrr.


Dumiretso kami sa isang mall. Papunta yata kami ng cinema kasi sa pinaka mataas na floor kami papunta. Nang makalabas kami sa elevator ay halos lahat ng taon madaanan namin ay napapatingin sa akin o sa katabi ko. Hindi ko alam kung kinikilig ba sila dahil sa malaking bulaklak na dala ko o sa lalaking napaka gwapong kasama ko?


"Nakakahiya, pinagtitinginan nila tayo." Sabi ko at halos takpan ko na ang mukha ko ng bulaklak na dala ko.


"Because you're beautiful... And you're holding an equally beautiful flowers like you." Gusto ko na siyang kurutin dahil sa mga sinasabi niya. Hindi ba niya alam na kinikilig ako? Nakakainis siya! Ramdam ko na ang pang iinit sa pisngi ko.

Nakahawak siya sa aking likuran at inaalalayan ako sa paglalakad na para bang ano mang oras ay matatalisud ako. Pumila kami sa ticket booth at ng kami na ang nasa counter ay inilabas ko ang pitaka ko na hinawi naman ni Tyrelle. Kinunutan ko siya ng noo. Akala ko ba ay ililibre ko siya?

"Biro lang naman iyong ilibre mo ako. I won't let you pay for me or for us." Sabay abot niya sa cashier ng pera. Para namang sumasayaw sa kaligayahan ang mga pilikmata ng babaeng nasa kaha at todo makatingin kay Tyrelle. Excuse me! Ako ang nililigawan! Gusto kong isigaw sa mukha ng babae.


Bumili kami ng popcorn at drinks bago pumasok sa loob ng sinehan. I don't know if this is a date or what? Basta ang alam ko, lalaki siya at babae ako na may hawak na mga bulaklak at manonood kami ng movie na dalawa lang kami.


"Uhmmm, Ty?" Tanong ko ng makapasok na kami sa loob. Madili na pero mga trailers pa lang naman ang pinapalabas sa screen.


"Hmmm?" Lumingon siya sa akin sabay subo ng popcorn.


"Hindi naman date to diba? Nag cecelbrate lang naman tayo diba?" Halos ibuga na niya ang popcorn na sinubo niya kanina. What? Anong meron sa tanong ko?

"Joey, what else could this be?" Aniya matawa tawa.


"Eh diba nanliligaw ka pa lang naman? Bakit tayo magde-date?" I sounded so cliche. Nakakainis!

Lumingon siya sa akin at hinarap ako sa kanya. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya kasabay ng mabilis ng pitik ng puso kong akala mo first time niyang tumibok. "What did you say?"


"Ha?" Taka kong tanong.


"Did you just said that i'm courting you? Does it mean that you agreed of me courting you, don't you?"

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Where stories live. Discover now