Chapter 28: my guard down

1.7K 44 1
                                    

Tyrelle's POV

Ilang araw ko ng iniiwasan si Joey. Gusto ko mang makipaghiwalay sa kanya pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Kaya ng isang araw tumawag si Mama sa akin ay sinabi kong nakipag hiwalay na ako kay Joey. I lied. I just can't do it.

Kapag nagtetext si Joey ay hindi ko magawang hindi magreply. Dahil sa text ko na lang napapadama sa kanya na mahal ko siya.

"Kunin mo na itong pagkain na pinabaon ni Inay sayo." Sabi niya sa maligayang tono isang araw nung kausap ko siya sa phone. I smiled kahit hindi naman niya nakikita ang reaksyon ko ngayon. I missed her voice. I missed her. I want to see her but i'm afraid Mom will find out at maging lalong komplikado ang lahat.


"Huwag na Joey. Kumain na ako at pinagbaon din ako ng katulong namin sa bahay. Diba sinabi ko sayo na umuuwi na ako sa bahay at hindi na sa condo?" Totoong umuuwi na ako sa mansyon pero hindi totoong may baon ako. Gustong gusto kong kunin ang ang pinabaon na pagkain ng Nanay ni Joey pero natatakot ako na baka pag nakita ko siyang muli ay makalimutan ko kung ano ang pinaglalaban ko. Natatakot ako na kapag tiningnan ako ng kanyang mga malalalim na mga mata ay mahumaling ako at kalimutang ginagawa ko ito para sa kanya.


"Ganun ba? Sayang naman. Di bale ako na lang ang kakain nito. Hihintayin ba kita mamaya tulad ng dati?" Kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay nahihirapan na rin siya sa sitwasyon namin.


"Susunduin ako ng driver namin eh." Pinipigilan ko ang hindi pumiyok sa mga sinasabi ko dahil naiiyak na ako. Sana lahat ng sakripisyong ito ay magkaroon ng magandang bunga.

"Ganun ba? Naiintindihan ko. May gig pala ako mamaya kasi friday ngayon. Manonood ka ba?" Gustong gusto kong manood Joey. Gustong gusto kitang panoorin at suportahan sa mga pangarap mo, kaya ko ginagawa ito. I urged not to tell her that. Nagbuntong hininga ako at ramdam ko sa kabilang linya na umaasa siyang umoo ako. Pumikit ako ng mariin at hinilot ang sintido ko bago magsalitang muli.

"I'm sorry Joey. I can't make it." Nagbuntong hininga siya sa kabilang linya at ganoon na din ang ginawa ko.


"Ayos lang. Sige pasok na ako sa next subject ko." Aniya 

"I love you Joey." Ito muna sa ngayon Joey. Please kumapit ka.


"Mahal din kita Ty." After hearing that i wanna run to her and ask her to come with me anywhere far pero dahil sa sobrang kaduwagan ko ay pinutol ko na lamang ang linya at sinarili ang sakit.



Another week came and i'm still avoiding Joey. Hindi ko nakakaligtaan na itext siya at minsan ay tawagan pero hindi pa rin ako nakikipagkita sa kanya kahit na nasa iisang paaralan naman kami.

But one day when i was busy taking down notes while our professor was discussing something in front ay nagulat ako ng maghiyawan ang mga kaklase kong lalaki sa babaeng sumilip sa classroom namin. I thought i skipped a beat when i saw Joey peeping inside our classroom pero bigla na lang siyang tumakbo ng maghiyawan ang mga kaklase ko.

Ang kanyang hanggang balikat na buhok ay mahaba na ngayon. But her beauty is still the same. She looked so beautiful with her hair tied up in a pony tail. Her eyes... Fûck those deep eyes of her, it's alluring! Naiinis ako sa sarili ko dahil gusto kong lapitan siya. Fûcking life, i hate you!

"Sir, may i go out?" Tanong ko sa prof namin. Nang tumango siya ay agad na akong tumakbo palabas.

I was scanning the hallway when i saw her peeping her head again into the next classroom. I smiled how her butt raised a bit when she tried her best to scanned whatever is inside that classroom. Then she run off. Nakita kong pumasok siya sa loob ng comfort room kaya ay hinintay ko siya doon. I need to stay calm and try my very best to be casual to her.

Ang GirlFriend Kong Rakista (COMPLETE)Where stories live. Discover now